Chapter 26 : Oasis

1K 83 86
                                    

"SAAN PA KAYO galing n'yan?" tanong ni Mang Allan. He asked it to no one in particular habang inisa-isa kaming tapat ng tingin, ending his gaze to me.

Sa akin din tuloy napatingin sina Miranda, giving me the opportunity to answer.

"Sa Manila po... Sa school..." sagot ko na sinalubong ang tingin ng tatay ni Annie.

Marahang tumango si Mang Allan at ibinaling ang tingin sa lambat. "May dala kayong sasakyan?" muli niyang tanong at sa akin muling sumulyap.

"Meron po," sagot ko naman.

Unti-unti ay nawala ang kaba ko sa kaswal na pakikipag-usap ni Mang Allan sa akin. Mukhang hindi naman siya galit.

"Saan ninyo i-p-in-ark?"

"Sa tabing-daan po," sagot ko.

"Patitingnan ko sa isa kong anak. Minsan kasi ay may mga loko d'yan sa tabing-daan at baka mapagkatuwaan ang sasakyan ninyo," aniya na binitiwan ang lambat na inaayos.

I apologetically looked at Jacob. Ang Hummer niya ang gamit namin.

"Vincent, parine ka nga, anak," sigaw ni Mang Allan para marinig ng tinatawag sa loob ng bahay. Pagkatapos ay bumaling sa amin. "Pasensya na at hindi ko kayo maiimbitahang pumasok sa loob ng bahay." Matipid siyang ngumiti. "Wala na kayong pupwestuhan sa loob." Sinundan niya ng nahihiyang ngiti ang sinabi.

Ginantihan ko rin iyon ng isang matipid na ngiti.

Lumabas ang isang binatilyong tingin ko ay nasa fifteen o sixteen years old. "Pumaroon ka sa labasan at tingnan-tingnan mo ang sasakyan ng mga Kuya Alfred mo." Bumaling siya sa akin. "Ano bang sasakyan n'yo?"

Kuya Alfred. Gustong lumuwang ng ngiti ko. Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. Her father was not angry with me.

Ano kayang sinabi ni Annie sa kanya tungkol sa akin?

"Malaking sasakyan po na kulay dilaw," sagot ko.

Parehong napatango sina Mang Allan at si Vincent.

Nang makaalis si Vincent ay binalingan kami ni Mang Allan. "Maiwan ko muna kayo at ako na ang tatawag kay Annie. Kanina kasi ay natutulog siya..." sabi niya.

Sukat doon ay biglang kumabog ang dibdib ko. What would her reactions be kung malaman niyang naririto ako?

Baka kapag ginising ay sumpungin at saka ako ipagtabuyan.

Hindi naman siguro, sabi ko sa isip. Ako na rin ang kumontra sa naisip ko. Tiyak na mahihiya siya sa tatlong kasama ko.

Humarap ako sa karagatan at doon ako naglabas ng isang malalim na buntong-hininga.

Mom, tulungan mo naman akong magdasal kay God... Magiging manugang mo siya... piping dasal ko habang nakatingin sa kalangitan.

"Annie!" Miranda shrieked.

Parang may sumuntok sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niyang binanggit ni Miranda.

I knew she was here. I could sense her presence. Napalunok ako. Bakit hindi ko magawang lumingon?

Natatakot ako na nahihiya na nagtatampo. Mixed emotions. Hindi ko matukoy kung ano ang eksaktong damdamin ko.

Isa lang ang alam ko. I missed her so much.

I slowly turned around, trembling hands inside my pocket. Ang tindi talaga ng epekto sa akin ni Annie.

Nakita kong yakap-yakap siya ni Miranda habang nakangiting nakamata sina Jacob at Andrew. I even saw Andrew gently patted her head.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon