"MAGLILIPAT AKO NG dorm sa Sunday," sagot ni Annie at napangiti. Halatang excited ang boses.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang plano mong 'yan?"
"Sinasabi ko na sa 'yo ngayon—"
"Ngayon na lang!" parang batang singhal ko sa kanya. "Dapat sinasabi mo ang plano at schedule mo sa 'kin para alam ko."
Nameywang siya at mataray akong pinagtaasan ng isang kilay. "Aba, at bakit ko kailangang gawin 'yun, aber?"
"Para alam ako!" mabilis kong sagot na tinapatan ng pagsisimangot ang sinabi niya. "Kasi ikaw isinasama kita sa plano at schedule ko sa araw-araw—"
"Talaga lang, ha?" Inikutan niya ako ng mga mata na parang kalokohan ang sinabi ko.
"Talaga! Kaya kapag nagpaplano ka ng ganyan, dapat sinasabihan mo ako. Hindi 'yang gumagawa ka ng lakad na hindi ko alam," nakasimangot kong sabi. "Mamaya may emergency na naman, hindi ko alam kung saan kita hahanapin—"
"Ano ka ba? Eskwela-dorm at dorm-eskwela lang naman ako."
"Maski na," I argued.
"Tch..." Pinandilatan niya ako. "Ano 'to? Para akong magre-report sa 'yo? Masaya ka..." Sa tono niya, mukhang ayaw niyang gawin.
Natigilan ako. Masaya ka... ulit ko sa isip.
Mataman akong tumingin sa kanya. "Oo," seryoso kong sagot. "Lalo na kapag kasama kita..."
It was the truth.
Biglang natigilan si Annie, lalo na nang salubungin niya ang tingin ko. Bigla siyang napipi. At nag-blush.
I fondly pressed my palm over her face to distract ourselves and break our eye contact. Agad niyang iniwas pero nagawa ko pa rin. "Sumakay ka na," utos ko. "Uuwi na tayo."
Parang robot na sumunod siya. Pumunta siya sa passenger seat at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Umikot naman ako sa driver's seat. "At sa susunod, 'wag kang gagawa ng plano at lakad na hindi ako kasama, ah," pahabol ko sa inis na boses.
Tiningnan niya ako nang masama. "Oo na! Ang dami mo pang dada," naka-pout ang lips na sabi niya at sumakay na sa sasakyan.
"BAKIT KASI HINDI mo pa iwan dito 'yang mga 'yan?" tanong ko habang nakanguso sa kakaunting gamit niya sa dorm. Nakaligpit na siya nang dumating ako na mukhang ako na lang ang hinihintay niya. "'Di ba sabi ko sa 'yo na pwede naman kitang bilhan ng mga bagong gamit mo na dadalhin mo sa dorm?"
"Ayoko nga," tutol niya. "Mga investment ko 'yan 'no." There was pride in her voice. "'Yang electric fan, binili ko 'yan sa unang allowance ko sa HFU. Tapos 'yang durabox, nakuha ko nang hulugan d'un sa may-ari ng tindahan sa palengke at 'yung sahod ko as library assistant ang ipinangbabayad ko."
Napailing na lang ako. She was quite extraordinary. Pinahahalagahan ang mga bagay na may sentimental value sa kanya.
I offered to buy her a new portable aircon or at least a new electric fan as a 'housewarming gift' but she refused. Baka lumobo raw ang koryenteng babayaran niya sa portable aircon at hindi raw niya kailangan ang bagong electric fan dahil mahusay na gumagana pa naman daw ang ginagamit niya ngayon.
Mahusay? Kaya pala sira ang button ng numbers '2' at '3'. Hindi na niya malakasan nang husto.
"Saka kung iiwan ko ang mga 'yan dito, eh, 'di iuuwi ko na lang sa amin. May magagamit pa ang pamilya ko 'di ba?"

BINABASA MO ANG
College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si Simang
Teen FictionAnnie Dizon, academic scholar, thought Alfred Zamora, campus football heartthrob, was a good-for-nothing rich kid who likes to play around. "Bagyo" kung tawagin niya ito dahil sa sobrang kayabangan. Si Alfred naman ay masungit na introvert ang tingi...