Chapter 20 : 'Ghosting'

815 72 70
                                    

"NAIIHI AKO..." BIGLANG anunsyo ni Annie habang naglalakad kami. Pauwi na kami at tapos nang mag-milk tea. "Ayan naiihi na ako..." aniya pa niya na may halong panunumbat ang boses habang nakasimangot na nakatingin sa akin.

Sinimangutan ko rin siya. "Eh, 'di umihi ka. Anong problema?"

She tsked. "Nasa kabilang dulo pa ang CR, eh."

"So?"

"Babalik pa tayo, eh, pauwi na tayo," aniya habang nakabaligtad ang nguso.

"Ano nga ngayon? Tara na...." Hinawakan ko siya sa kamay at iginiya pabalik sa kabilang direksyon. I liked it actually because it gave me more time to be with her.

She did not argue when I held her hand. Hindi ko na binitiwan.

"Ikaw kasi pinilit mo pa akong uminom ng tubig," paninisi niya habang naglalakad kami pabalik sa kung saan naroroon ang toilet.

Pinandilatan ko siya. "Aba, nanisi ka pa," pasarkastiko kong sabi. "Ako na nga itong nag-care sa 'yo. Eh, kung ma-trigger na naman 'yang tonsillitis mo? Sige nga, pa'no ka? Tapos mag-aalala na naman ako..."

"Wala naman kasi akong sinabing mag-alala ka sa 'kin-"

Binitiwan ko ang kamay niya at hinapit ko siya sa leeg. "Nag-alala na ako, Simang. Tapos na. At mag-aalala na naman kung magkakasakit ka ulit..." I said in a low voice, without looking at her.

Alam kong napatingin siya sa akin-waiting for me to meet her gaze. But for the fucking life of me, I couldn't look at her. Putek, para akong biglang nahihiya.

So, we just walked in silence while my hand was draped around her shoulder.

Nang sapitin namin ang CR, kinuha niya ang tissue sa backpack niya na nakasukbit sa likuran ko at walang kibong pumasok sa CR. Naghintay lang ako sa hallway.

Pero limang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Lumakad ako patungo sa entrance ng CR ng babae at sinilip si Annie. Hindi ko siya makita sa loob.

Napatingin ako sa isang lalaking nakatambay din sa labas ng entrance ng girl's CR. Nagkangitian kami.

"Ang tagal talagang mag-CR ng mga babae, 'no?" komento niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga, eh," sang-ayon ko.

"Girlfriend ko rin, kanina pa sa loob," nangingiting sabi ng lalaki habang napapailing.

Girlfriend ko rin, ulit ko sa isip. This guy was thinking that Annie was my girlfriend.

An undefined emotion similar to happiness touched my heart.

Girlfriend.

Isang maluwang na ngiti lang ang isinagot ko sa lalaki at muling sinilip ang loob ng CR. Ilang saglit pa ay nakita kong palabas na si Annie.

Bumaling ako sa lalaki. "Here comes mine."

Yours, Zamora? Really? Tukso ng isang parte ng utak ko.

Napangiti ang lalaki at napakamot sa ulo. "Ang tagal talagang mag-CR ng sa akin."

Agad na pumunta sa likuran ko si Annie para ipasok ang tissue niya sa backpack na bitbit ko. Nagpaalam ako sa lalaki. Kumaway naman siya pabalik sa akin.

"Kilala mo?" curious na tanong ni Annie nang medyo makalayo na kami.

"Hindi. Nagkasabay lang kami sa paghihintay sa labas."

"Ah. Akala ko kilala mo. Kung maka-ba-bye ka kasi, 'kala mo..." May pigil na ngiti sa labi niya.

Masuyo ko siyang pinitik sa braso. "Naging BFF na kami sa paghihintay namin sa inyo ng girlfriend niya. Ang tagal mo kasing mag-CR. Akala ko nilamon ka ng ng toilet bowl."

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon