Chapter 14 : Toughness

744 68 72
                                    

BUMUNGHALIT AKO NG tawa. Kiniliti ko siya sa tagiliran at napaigtad siya. "Ang sungit mo..." natatawang sabi ko at masuyong kinurot siya sa braso.

"Tch... Eh, totoo namang corny ka..." Inirapan niya ako.

"Sungit..."

"Corny!"

Then we locked gazes, both of us have smile pasted on our lips. Though hers was kind of smug na para bang nang-aasar samantalang ang ngiti ko ay nanunukso.

Siya ang umiwas ng tingin at naglabas ng isang malalim na buntong-hininga.

Pinitik ko siya sa braso. "Ang lalim n'un, ah. Parang punung-puno ng angst..." komento ko.

Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Naa-unfair-an lang ako sa mundo..." aniya. Bahagyang lumungkot ang tinig. "Lalo na kapag nakikita kita o kasama kita." Napailing siya. "Unfair..." mahinang dagdag pa niya na parang mas sa sarili niya sinasabi.

"Bakit naman?" kunot-noo at seryosong tanong ko. Nawala ang ngiti ko sa labi at matamang tumingin sa kanya.

Somehow, natakot akong baka ito ang maging dahilan para lumayo siya sa akin? I hoped not.

Parang malulungkot yata ako kapag nangyari iyon.

"Look at you," iminuwestra pa niya ang dalawang kamay sa akin. "You have everything. Pustahan ni hindi mo siguro prinoblema ang pera maski isang araw lang sa buhay mo. Gumigising ka sa umaga na ang tanging iniisip mo lang ay kung saan kayo gi-gimmick ng mga barkada mo at kung paano mo lulustayin ang pera mo sa wallet..."

Lumalim ang pagsasalubong ng mga kilay ko. Iyon ang tingin niya sa akin? I sat up straight, crossed my arms over my chest and listened to her rant so intently.

"Samantalang ako..." She put her palm over her chest. "Sa tuwing gigising ako, agad kong bibilangin ang pera ko at poproblemahin ko agad kung paano itong pagkakasyahin hanggang sa susunod na allowance na galing sa HFU. O poproblemahin ko kaagad kung paano ako makakahanap ng trabaho para madagdagan ko ang pera ko at makapagpadala sa pamilya ko na alam kong sawang-sawa na sa pag-uulam ng daing at noodles sa araw-araw ng ginawa ng Diyos." Frustrated na napahilamos siya sa mukha.

Napalunok ako. Ganito ba kabigat ang ang takbo ng mga araw niya?

Pero hindi niya naiintindihan na mas maswerte siya kaysa sa akin.

"Ito... Itong condo mo..." Kumumpas-kumpas ang kamay. "Alam mo bang 'yang living room mo ay mas malaki pa sa buong bahay namin sa Cavite na walong tao ang nagsisiksikan doon ngayon?" Mapakla siyang ngumiti. "Mabuti nga at narito ako sa Maynila kung hindi, sisiksik pa ako r'on." Tumingin siya sa akin. "Tapos ikaw, mag-isa ka lang. Because you can afford a high-end, cozy and comfortable place like this. Ni hindi mo siguro naranasang masalanta ng bagyo ang bahay..." malungkot pa niyang dagdag.

Hindi ko alam kung bakit ako na-hurt sa hantarang pagkukumpara ni Annie sa buhay ko at sa buhay niya. Hindi naman niya alam ang pinagdaraanan ko kumpara sa kanya.

"Kung bakit naman kasi nag-anak ng pito 'yang tatay at nanay mo," sarkastiko kong sabi. Naghihimagsik na rin ang kalooban ko.

Kasi pati ako ay nakikita niya at mukhang nasisisi pa sa nangyayari sa buhay niya. Putek, nananahimik ako.

Napahilamos siya sa mukha. "I know..." mariin niyang sabi. "I know," she repeated in gritted teeth. She let out a long and resigned sigh and met my gaze. "Okay, don't get me wrong. I love my parents. I owe them my life. They love me and my siblings in the way they know how. Masisikap at masisipag sina Papa at Mama. Pero..." Napahilamos ulit siya sa mukha. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinayaan nilang dumami kami. At ang unfair lang sa akin bilang panganay. It's a big responsibility... Iyong makitang hindi makapag-aral ang mga kapatid ko kahit na deserving sila. Mabigat sa dibdib..."

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon