Chapter 19 : Denial

1K 80 57
                                    

"ISANG CHEESECAKE AT isang salted caramel. Parehong venti—"

"Anong venti?" nakasimangot kong sabi kay Annie at hinarap ang crew ng milk tea shop. "Grande lang," pinal kong sabi.

Tiningnan ako nang masama ni Annie. "Venti, please," aniya sa crew. "One hundred percent sugar—"

Marahan ko siyang binunggo sa balikat pero nakaalalay na ang isang braso ko sa kanya kung sakaling mawalan siya ng balanse gaya noong nakaraan. "Ang tamis n'un!" Pinandilatan ko siya. "Fifty percent lang," nakangiting sabi ko sa crew.

"Ang tabang n'yan," parang batang nagmamaktol niyang sabi at nagpapadyak pa. "One hundred percent—"

"Let's meet halfway," I cut her off and searched her eyes. "Seventy-five na lang. Ang tamis masyado ng one hundred percent sugar. Mamaya ma-trigger na naman 'yang tonsillitis mo," nag-aalalang sabi ko.

"Iinom naman ako ng maraming tubig," pangangatwiran niya at tumikwas ang nguso. "Sige, miss, seventy-five percent na lang," aniya sa crew. "May umeepal kasi, eh," dagdag pa niya at inirapan ako.

Cute.

Napangiti na lang ako. "At dalawang bottled mineral water," dagdag kong order sa crew.

"Hanap ka na ng mauupuan natin," utos niya sa akin. "Ayun, o!" turo niya at itinulak pa ako sa direksyon ng bakanteng mesa sa food court ng pangmasang mall malapit sa bago niyang dormitory. "Bilis, bilis, baka maunahan pa tayo."

Agad naman akong sumunod. Bubungangaan niya akong talaga kapag naunahan kami sa bakanteng upuan dahil naging mabagal ako.

Nang makaupo ako ay mataman kong pinagmasdan si Annie. Nakatingin siya sa menu sa itaas ng milk tea shop habang hinihintay ang in-order namin.

Tapos na kaming mamili ng kurtina. Manipis at iyong mumurahin lang ang binili niya gayong ipinagpilitan ko ang mahal pero magandang klase naman. Sinabi kong ako na ang magbabayad.

Siya pa rin ang nasunod sa biniling manipis at mumurahin. At hinayaan ko lang na siya ang masunod.

Ano ba itong nangyayari sa akin? With girls, I usually would call the shots. Pero sa kanya, sa tuwina ay lagi ko siyang pinagbibigyan.

Napailing ako. Nakukulam na yata ako.

Heto nga at nadala niya ako sa isang pangmasang mall. Dati ay takot na takot akong may makakita sa aming magkasama. Ngayon, wala na akong pakialam pa kung may makakita sa amin.

So what? Basta ang importante kasama ko siya.

Nakita kong ibinigay na sa kanya ang order namin. At nang magtama ang paningin namin, she was smiling like a happy child.

Nakakahawa ang ngiti niya. Nakakagaan ng pakiramdam.

In love na nga yata ako.

Yata.

Siguraduhin mo muna, Zamora, paalala ng isang parte ng utak ko.

Umupo siya sa tapat ko. "Salted caramel for you," aniya at ibinigay sa akin ang milk tea at straw. "Cheesecake for me. Nagpadagdag ako ng extra pearls. Pinadagdagan ko na rin 'yang sa 'yo." She smiled and happily wiggled her eyebrows.

Kinuha ko ang milk tea niya at itinusok ang straw doon matapos kong alisin ang plastic at saka ibinigay sa kanya.

"Thank you," she said, so sweetly. Her smile never leaving her lips.

At kahit sumisipsip na siya ay nasa labi pa rin ang ngiti. Her eyes were twinkling.

Parang bata.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon