Chapter 4 : Secret

849 63 81
                                    

HAGOD MASSAGE PARLOR

Pinagmamasdan ko pa lang ang harapan ng massage parlor mula sa kinatatayuan ko sa kabilang kalsada ay pinananayuan na ako ng balahibo.

It looked so cheap. Sa brand name pa lang ay alam mo ng mumurahing massage parlor lang ito. So it must be stinkingly cheap.

Putek! Masisira ang image ko sa buong sangka-HFU-han kapag may nakakita sa aking pumasok sa lintek na massage parlor na ito. Tiyak na masesermunan ako ni Mommy kapag nalaman niyang pumasok ako sa ganitong lugar.

But I had no choice. My fucking friends left me no choice. Fuck and fuck them all!

My cellphone rang at doon nabaling ang atensyon ko.

"Dude..." It was Roi.

"Fuck... you..." mariin kong sabi at nagpalinga-linga. Alam kong nasa tabi-tabi lang sila, making sure that I would keep my part of the bargain. Namataan ko ang mamahaling SUV ni Roi sa hindi kalayuan. Inilawan pa ako ng gago.

Narinig ko ang malakas na halakhakan nina Roi, Marc at Steven sa kabilang linya. Halatang nang-aasar. Pero hindi naman ako napikon. In fact, napangiti pa nga ako. Hindi naman ako pikon na tao. Marunong akong tumanggap ng pagkatalo.

At lalong marunong akong tumupad sa usapan.

Kaya nga ako naririto sa harapan ng Hagod Massage Parlor.

"Pasok na, dude. They're waiting for you," sigaw ni Marc. Pagkatapos ay nakarinig na naman ako ng malakas na tawanan.

"Mga de puta kayo!" natatawa kong sabi. "Saan ninyo nahagilap ang lugar na 'to? It stinks, dude! Baka magkasakit pa ako nito, mga gago kayo! Yari kayo sa 'kin kapag ni-raid ito at nahuli ako rito. Magtago na kayo sa mga pinanggalingan n'yo," banta ko pa.

Malalakas na tawa lang ang isinagot nila.

"Hoy, 'yung usapan, ha? Walang sinuman ang pwedeng makaalam nito lalo na sa HFU. Lagot kayo sa 'kin..." pagbabanta ko ulit sa seryosong tinig. "Pare-parehong tayong malalagot kay coach."

"Zamora, kung marunong kang tumupad sa usapan, marunong din kami," sagot ni Roi.

"Good. Mga de puta kayo! Babawi ako sa susunod," sabi ko.

"Pumasok ka na, dude. Enjoy!" They even chorused gleefully.

"Mga ulol! Sinong mage-enjoy sa ganito?" sagot ko habang naiiling.

"Malay mo naman?" ani Marc na nang-aasar. "Hihintayin ka namin dito sa labas, dude. And show us proof, okay?"

I did not reply and just immediately ended the call. Pagkatapos ay tumawid sa kabilang kalsada upang tunguhin ang massage parlor.

This is what you get when you lose a fucking lousy bet over one stupid billiard game.

PAGTAPAT KO SA ENTRANCE ay bumukas ang tinted glass door at humarang sa akin ang isang bouncer na siya na rin sigurong nagsisilbing guard sa massage parlor.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa akin ang labis na pagtataka sa mga mata niya dahil hindi ko naman siya hinihiwalayan ng tingin habang pinapasadahan niya ako ng tinging nagtataka.

The bouncer looked scary because he was tall and muscled.

Napangisi ako nang magtama ang paningin namin. It was an arrogant smirk just to show that I was not scared of his beefy muscles. He immediately got my signal. Bigla ay nawala ang angas sa mukha.

Totoo namang nakapagtatakang maligaw ang isang tulad kong bata at gwapo sa isang lugar na tulad nito na ang mga parokyano na marahil ay puro dirty old men ay bumabayad para sa sex.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon