Chapter 24 : Friend

860 73 59
                                    

"ALFRED!"

NILINGON KO ang tumawag sa akin. It was Miranda.

Patakbo siyang humahangos sa akin, nakasukbit ang backpack sa kanyang likuran. She was smiling at me.

I stopped walking and just stared at her. 'Bakit' ang kaagad na salitang pumasok sa isipan ko.

Then I stared at the people around me. May ilang estudyanteng nakatingin sa akin.

Ano na naman kaya ang pagchi-chismisan tungkol sa akin? Not that I cared, though.

Miranda was with Stasha--Her Highness--they would call her. Lucas's girlfriend.

She was not smiling, seryoso ang pagkakatingin sa akin. Though, hindi ko naman ramdam sa tingin niya na naiinis siya.

Parang mas takot siya para kay Miranda. Takot siguro na lumapit at makipag-usap sa akin si Miranda.

"Hah! Hiningal ako," sabi ni Miranda habang nakahawak sa dibdib. Pagkatapos ay nakangiting sinalubong ang tingin ko. "Kumusta ka na?" aniya at hinawakan pa ako sa braso, a sincere smile pasted on her lips.

Napakunot ang noo ko. I felt touched. Simula nang kumalat ang pustahan tungkol kay Miranda at ang chismis tungkol kay Annie, nobody wanted to be associated with me. Maski sina Roi at Stephen ay iwas na sa akin. Si Marc na lang ang medyo dumidikit sa akin.

Wala ni isang nagtatanong sa akin kung kumusta na ako. Kung kumusta ang puso ko. Kumusta ang lungkot na nararamdaman ko at kung nakaka-cope ba ako.

Nobody. Not even my dad.

Si Miranda lang ang nagtyagang magtanong. I felt her sincerity and concern.

Bigla akong nailang at iniwas ang tingin sa kanya. Napakamot ako sa ulo. Then I cleared my throat. "Okay lang..." I simply answered.

Malungkot lang, I wanted to add. Kaya lang ang baduy. Baka hindi niya seryosohin.

Sad boy lines, dude? pang-aasar ko sa sarili ko. Putek! Sinong maniniwala kung isang happy-go-lucky Alfred na imahe ang ipinakikita ko sa kanila?

Isa iyon sa malungkot na katotohanan. Bakit? Wala ba akong karapatang maging malungkot? Tao rin naman ako. May karapatan din akong makaramdam ng heartaches at lungkot. Itinatago ko lang dahil ayoko ng maraming tanong.

Napunta ang tingin ko kay Stasha. Seryoso ang tingin niya sa aming dalawa ni Miranda. Para bang nagbabantay.

"Anong kailangan mo?" diretso kong tanong kay Miranda. "Nakabantay si Stasha, o..." dagdag ko pa at ngumisi. "Mukhang ayaw n'yang kinakausap mo ako."

Napatingin si Miranda kay Stasha at muling ibinalik ang tingin sa akin sabay ngiti. "Ayaw nga nila..." pag-amin niya.

Nila.

Ah, marami talaga silang may ayaw sa akin. Putek! Medyo masakit 'yun, ah.

Gago ka kasi, Zamora. Wala talagang matinong taong makikipagkaibigan sa isang tulad mong gago. Kita mo nga 'di ka pumasa kay Annie, pangungutya ko sa sarili ko.

I cocked an eyebrow at saka mayabang na ngumisi. "O, eh, bakit kinakausap mo pa ako?"

She smiled widely at me. A child-like smile. "Gusto ko kasi. Saka sabi ko sa kanila na bati na tayo. Bati na tayo, 'di ba? You apologized, I accepted it, so bati na tayo." Her smile was engaging and encouraging. Gusto ko na ring mapangiti. "Move on, move on na."

Hindi ako nakasagot. Has she really forgiven me that simple? Walang anumang panunumbat o galit? I just shrugged my shoulders.

"Kanina pa kita inaabangan. Alam kong dito ka dadaan--"

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon