Chapter 5 : Cute

844 76 91
                                    

HINDI KO SINAGOT ang text message ni Simang. Ganti ko iyon sa pambabalewala niya sa akin dati. Na kung hindi ko pa siya h-in-unting sa library ay hindi ko pa siya makakausap. But I saved her number on my cellphone.

Nagtuloy ako sa susunod kong klase at inalis sa isipan ko ang text message niya. Bahala siya sa buhay niya. Siya ang may kailangan sa akin, pwes hanapin niya ako katulad ng ginawa ko sa kanya. Sobrang effort ang binigay ko roon at gusto kong gawin niya ang ganoong klaseng effort.

Pero habang nagle-lecture ang prof namin ay inilabas ko ang cellphone ko at binasang muli ang text message niya sa akin. Thirty minutes had passed since her text message.

Pwede ba tayong mag-usap?

Napangiti ulit ako. Si Simang gusto akong kausapin? That woman was allergic to me. Ako nga ang nagpapasimangot sa kanya. Funny, pero siya lang ang babaeng nagsisimangot kapag nakikita ako. Every girl I know in and out of the campus would smile everytime they see me.

Para namang tukso na nag-replay sa utak ko ang hitsura niya kagabi. That body-hugging red sleeveless dress she was wearing. Ang makinis at balingkinitan niyang braso. First time kong makitang iba ang suot niya.

And the new pixie haircut.

Hindi ko alam na nagpagupit na siya ng buhok dahil nga hindi ko siya napagkikikita sa campus. Bagay naman sa kanya ang bagong hairstyle niya.

Simang was shocked to see me there. Or more so, she was shocked that I saw her there.

Aminado ako na malaki ang naging parte ng pagdi-deny kong magkakilala kami sa takot na nakita ko sa mukha niya.

And her pleading eyes. Pleading not to tell Rea that we know each other. Magbubunga kasi ng maraming tanong iyon.

Alam kong tungkol sa kagabi ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap. Iniisip yata ng babaeng iyon na ipagkakalat ko sa buong campus ang nakita ko.

Putek! Iniisip niyang chismoso akong tao? Putek, abuso na iyon. Hindi ko ugaling mag-chismis sa buhay ng ibang tao dahil ayoko rin nang pinagchi-chismisan ang buhay ko. To each his own. Walang pakialamanan ng buhay.

Ibinulsa kong muli ang cellphone ko. Ayokong sagutin ang text message niya.

Maghintay ka sa wala, Simang.

PERO PAGLABAS KO sa klase kong iyon at habang hawak ko ang cellphone ko, it rang and registered Simang's number.

Tila may kumudlit na kung ano sa dibdib ko pagkakita ko pa lang ng pangalan niya sa cellphone ko. Seeing her name calling me made me cock an eyebrow.

And also smile.

Pero dalawang ring lang ay agad ding nawala ang tawag.

Napakunot ang noo ko. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko sa pag-aakalang magri-ring ulit iyon. But it didn't. Wala ring text na kasunod. It got me a little disappointed.

At ipinagtataka ko iyon. Bakit ako madi-disappoint kung hindi man natuloy ang pagtawag niya o pag-text niya ulit? Napasimangot ako. Bahala na nga siya sa buhay niya. Iniistorbo niya ako.

After several minutes I received a text message. It came from Simang. Dali-dali kong binasa iyon.

Call me.

Napailing ako habang nakangisi. Ako pa talaga ang pinatatawag niya samantalang siya ang may kailangan sa akin? Magaling.

Bahala siya sa buhay niya. Kung sinong may kailangan, siya ang tumawag.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon