Chapter 16 : Sunday

782 62 53
                                    

TININGNAN AKO NI Annie mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata ko. Then she winced and wrinkled her nose. "I'm overdressed..." disappointed na sabi niya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng dorm niya.

Today is the day.

Sunday. Date namin ni Simang na finally ay natuloy na rin.

Ako naman ang sumipat sa kanya. "Hindi, ah," mabilis kong sagot at nginitian siya. "Ang cute mo nga, eh," dagdag ko sabay masuyong kurot sa braso niya.

It was true. She was wearing a black stretchable shirt and a floral, pale red above-the-knee skirt, with matching red ballerina flats. Ang stretchable shirt ay humuhulma sa petite niyang katawan.

I caught my breath when I first sawat her. Ngayon ko pa lang siya nakitang naka-dress. O ngayon ko lang siya napansing nagsuot ng dress sa ilang taong nagkikita kami sa campus.

And man, she definitely looked cute on it. She was like a doll on its Sunday dress.

Nag-'labidab-labidab' na naman ang sayaw ng puso ko. Bumibilis. Nagiging eratiko.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit nag-decide akong ganito lang ang isuot ko—white plain t-shirt, walking shorts and sneakers.

Pinagdebatehan ko pa nga ang isusuot ko. Madalas ko siyang makitang plain colored t-shirt, maong pants at sneakers lang ang laging suot sa campus. At dahil ayoko siyang ma-awkward sa isusuot ko, pumili ako ng simpleng damit na hindi masyadong halata ang mamahaling logo. I did not even wear my expensive wristwatch.

Ayokong maging bitter siya sa malayong estado ng buhay namin. I did not give a fucking damn about it in the first place. Kaso lang, may hugot siya roon kaya naging maingat ako sa pinili kong isusuot.

Pero mukhang pinaghandaan niya ang date namin. And dude, pinapasaya ako ng thought na iyon.

"Magpapalit lang ako sandali—"

Mabilis ko siyang nahawakan sa braso. "Ano ka ba? There's no need. Like I said earlier, ang cute-cute mo nga..."

She blushed and avoided my eyes. "Awkward, eh... Overdressed ako..."

"Okay lang 'yan." I grinned and pinched her arm. "Parang hindi mo nga masyadong pinaghandaan ang date natin," biro ko. A low chuckled escaped my lips.

It just made me happy that she exerted an effort for this date. Our date.

Tumikwas ang nguso niya. "Tch..." Pagkatapos ay namula ulit ang magkabilang-pisngi.

Marahan ko siyang hinila sa kamay. "Let's go?"

Tumango siya at binitbit ang backpack niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit bitbit mo 'yan?"

"Bakit? Anong masama?" balik-tanong niya.

Kinuha ko sa kanya ang backpack niya. Kahit na hindi ko ito buksan, alam ko kung ano ang laman nito.

"Bakit may dala kang laptop?" naiirita kong tanong. "Hoy, Simang, paalala ko lang na date natin ito at hindi ito group study, ha?" panenermon ko. "Ka-date ang gusto ko at hindi study partner." Inikutan ko siya ng mga mata.

"Para kang ano!" nakasimangot niyang sabi. "Ayokong iwan 'yan dito at baka mawala. Andy'an ang buhay at kabuhayan ko sa pag-aaral. Gets mo ako?"

I pouted my lips and looked at her sulking.

"Para kang bata, Bagyo." Inirapan niya ako. "At isa pa, wala akong balak na gawin kang study partner. Wala akong matututunan sa 'yo tiyak."

Itinulak niya ako palabas at saka siya sumunod sa akin. Pagkatapos ay ikinandado ang pinto ng kuwarto niya.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon