Chapter 25 : Cruel

1K 81 45
                                    


"NAG-SPACE OUT KA..."

"Ha?" kunot-noong tanong ko kay Miranda. Bigla akong nabalik sa kasalukuyan.

Sa reyalidad.

Matipid na ngumiti si Miranda sa akin. "Sabi ko nag-space out ka... Hindi ka nakikinig sa mga tinuturo ko..."

Napahilamos ako sa mukha. Bakit nga ba ako nawala sa sarili at nalunod na naman sa pag-iisip?

Kasi naalala ko si Annie dahil sa pagtu-tutor sa akin ni Miranda ngayon. Ibinalik ako sa nakaraan ko kay Annie.

Kahit na anong pilit kong kalimutan siya, para naman siyang glue na matinding nakadikit sa utak ko.

I realized I fell in love—hard. Bigtime.

Sandali lang ang pinagsamahan namin pero ang tindi ng epekto niya sa akin.

"Sorry..." I mumbled. Saglit na sinulyapan ko si Miranda.

"It's okay," aniya at nginitian ako. "Fifteen minutes break?" She suggested.

Marahan akong tumango.

Naisip ko na kung si Annie si Miranda ngayon at nakita niyang hindi ako nakikinig, sigurado akong katakut-takot na sermon ang aabutin ko.

Hindi niya ako ngingitian pa kundi magsisimangot siya nang todo.

Buti na lang. Pero kinapa ko ang sarili kong damdamin. I would still wish it was Annie.

Mas masaya ako at tumatawa.

Sinulyapan ko si Mira. Nasa reviewers ang atensyon niya. Gumagawa ng sample questions mula roon.

Pareho sila ni Annie. Parang walang sinasayang na oras sa pag-aaral.

I let out a sigh. Kumusta na kaya siya?

Naka-Annie ka na naman, kastigo ko sa sarili ko. Hindi ka naman kailangan n'un sa buhay niya...

Ano ba ang dapat kong gawin? Ang bigat na kasi sa dibdib. Hindi ko na kaya.

"Miranda..." agaw ko sa atensyon ni Miranda.

She lifted her gaze and looked at me. "Ready ka na?"

Napalunok ako. I felt that her question had double-meaning. Ready na akong mag-lesson o ready na akong magsabi ng saloobin ko? Didn't she say that she would be willing listen?

"Nag-girl's scout ka ba?"

Nagliwanag ang mukha niya. "Yes!" excited niyang sagot. Pero pagkatapos ay lumabi at biglang nalungkot. "Pero nang ma-accelerate ako from grade one to grade three, pinahinto na ako ni Lolo in the middle of school year. I was being bullied palibahasa ako ang pinakamaliit sa grupo Why do you ask, anyway?"

"So, you know our scout oath?" tanong ko na lalo kong ikinalungkot. Annie broke our scout honor.

"Of course!" Itinaas niya ang tatlong gitnang daliri at umupo nang diretso. "On my honor, I will do my best to God and my country—"

I laughed out loud. "Okay na. Naniniwala na ako." Pagkatapos ay seryosong tiningnan siya sa mga mata. "Our Scout Law states that a scout is—"

"Trusthworthy, loyal, helpful, friendly—" She gave emphasis to the word 'trustyworthy' while meeting my gaze.

It gave me confidence. I can trust her. Pwede kong ikwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Annie. Our bittersweet one-sided love story. Sana ay hindi niya ako husgahan tulad ng ginawa sa akin ng iba—including Annie.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon