Chapter 6 : Hired

873 72 57
                                    

AFTER SEVERAL SECONDS of locking gazes with Simang, she was the first one to break it. Parang napapaso na ibinaling ang tingin sa bintana.

Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng magkabilang-pisngi niya.

And this made me smile. She looked cuter with her face getting red. Pati ang leeg niya ay namumula.

Weird din naman na parang kinabahan ako sa pagtatama ng mga tingin namin. Hindi kaba dahil sa takot kundi kaba na basta na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

But I just let it pass. Maybe it was just nothing. Just an ordinary reaction na hindi lang siguro ako sanay.

Marahan kong kinurot si Simang sa braso. Iyong tipo ng kurot na hindi naman pino kundi malaking kurot para lang makuha ang atensyon niya. "Uy, Simang, nagba-blush ka. 'Wag mong bigyan ng meaning ang sinabi ko, ha?" pang-aasar ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya, kasabay ang pamumulang muli ng mga pisngi niya. Padaskol niyang pinalo ang kamay ko na parang isang istriktong teacher na tipong namamalo at namimingot ng tenga.

"Alam ko!" singhal niya habang nakasimangot. "Alam kong malayong-malayo ako sa tipo mong babae! At hindi ako mangangarap, Bagyo," aniya sabay irap pa sa akin.

Ngumisi ako. I was enjoying her discomfort. "Mabuti alam mo. Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo."

Binigyan lang niya ako ng isang deadly look. I just chuckled at pabiro siyang kinurot sa braso. She gave me an angry tsked.

Then an uncomfortable silence fell between us.

Putek! Bakit pati ako ay feeling awkward sa sitwasyon?

I cleared my throat. "Ano bang sasabihin mo?" I can still feel the awkward air between us.

Sinalubong niya ang tingin ko. And the stare made by those rounded eyes of Simang made me flinch in my seat.

"'Yung nadiskubre mo kagabi, 'wag mo na sanang—"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "At talagang iniisip mong chismoso ako?" nandidilat ang mga matang tanong ko.

"Hindi naman sa gan'un," aniya sa mapagpasensyang tinig pero may kalakip na iritasyon. "Naisip ko lang na baka mabanggit mo sa mga kaibigan mo tapos kumalat. Ganu'n," dagdag pa niya habang kumukumpas ang kamay.

"Eh, 'di parang ganu'n na rin 'yun." Para akong batang nagmamaktol. I was not even aware that I was pouting my lips like a child throwing tantrums.

I was hurt. Why? Hindi ko alam. Maybe because she thought the worst in me again.

Mayabang na nga ako sa tingin niya tapos ngayon ay chismoso pa.

Naiiritang napakamot si Simang sa ulo. "Baka lang mabanggit mo," she reiterated, trying not to lose her patience. "Minsan kayo ng mga kaibigan mo pati kababalaghang ginagawa n'yo kasama ang mga babae n'yo ay pinagkukuwentuhan n'yo in public—"

"Hoy, Simang, hindi ako kiss and tell. Sila lang 'yun."

"Birds of the same feather flock together."

"That is not fucking true!" I disagreed, a little vehemently.

"Kaya nga nakikiusap ako na mag-ingat ka sa pagkukuwento," sabi niya na hindi pinansin ang claim kong hindi ako ang tipo ng lalaking kiss and tell. "Baka kasi mabanggit mo. Lagot ako sa discipline committee. I might lose my scholarship dahil sa issue na 'yan."

I shifted in my seat and faced her. "Hoy, Simang, for your information, hindi ako chismosong tao. Hindi ko pinakikialaman ang buhay ng ibang tao dahil ayoko rin namang pinakikialaman ang buhay ko. So rest assured na hinding-hindi lalabas ang sikreto mong 'yan mula sa kin. Understand?"

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon