Chapter 8 : Favorite

926 68 57
                                    

MY CELLPHONE WAS ringing, indicating a caller named "S".

Nilagyan ko pa ng specific ringing tone na alam na alam ko kapag siya ang tumatawag kahit hindi ko pa nakikita ang pangalan niya.

Separating her from others.

Making her special, Zamora, huh? tukso ng utak ko.

I smirked and shook my head at that ridiculous thought.

Nah, she won't be. Bakit magiging espesyal siya sa akin? Sino ba siya? Si Annie Dizon lang siya.

I excused myself from the rest of my teammates. Pinag-water break kami ni Coach Abel pero mamaya lang ay babalik na naman kami sa practice.

"Bagyo!" tili ni Simang sa kabilang linya. Medyo nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng tili ni Simang. Hyper na naman siya.

"Anong problema mo?" kaswal kong tanong pero may pilyong ngiti na sa labi ko.

Alam ko na kasi ang problema niya. Tatalakan na naman niya ako tungkol sa underwear ko.

Simang had been my household help for more than two weeks now. At tulad ng gusto kong mangyari noong una, pumupunta lang siya kapag wala ako. Ginagawa niya iyon tuwing meron siyang mahabang vacant period. I gave her the spare card key na siyang ginagamit noon ni Manang Cely.

Masipag si Simang. Para ngang hindi nawala si Manang Cely kasi walang nabago. Kung paanong nalilinis ni Manang Cely ang buong unit, ganoon din siya.

Ang kaibahan lang nila ni Manang Cely, mas matalak si Simang kaysa kay Mang Cely.

Si Manang Cely, parang nanay kung tumalak.

Si Simang parang nagger na asawa.

Lalo akong napangiti sa naisip ko. Mahirap maging asawa ang tulad ni Simang na parang machine gun ang bibig.

"Ikaw ang problema ko!" mariin niyang sabi. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kung hindi mo man malabhan ang underwear mo, banlawan mo man lang."

I laughed out loud. I knew it. Iyon ang ipinagpuputok ng butse ni Simang.

"Sige, tawa pa more, Bagyo. Pagtawanan mo ang kalokohan mo."

I stifled my laughter. Pero nag-iwan pa rin iyon ng ngiti sa labi ko. "Ano bang problema kung hindi ko mabanlawan ang underwear ko? Kaya ka nga nariyan, 'di ba? Trabaho mo ang maglaba."

"Pero tinuruan na kitang maglaba ng underwear mo, 'di ba? Bakit simpleng gawain ay hindi mo magawa?" she questioned with irritation.

Lumuwang ang ngiti ko. Yes, Simang taught me to wash my own underwear. Pangit daw kasi na ibang tao pa ang naglalaba ng underwear ng isang tao. Iyon daw ang turo ng nanay niya sa kanya.

Some teachings, huh?

On her first day, iyon agad ang napansin niya. She called my attention. Even waited for me to come home to my unit to teach me personally to wash my underwear. Kung hindi ko raw malabhan, at least banlawan ko na lang para hindi nakakahiya sa maglalaba na ang madadatnan ay ang tila kahuhubad lang na underwear.

Weird talaga si Simang. Si Manang Cely ay walang ganoon panuntunan. Basta kung ano ang marumi ay siya niyang nilalabhan.

Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Pero minsan, gusto ko lang siyang inisin kaya sinasadya kong hindi labhan ang underwear ko o kaya gumawa ng kalat sa unit para mapansin niya.

Para tawagan niya ako. Para magkausap kami. Tulad ngayon.

"Sige na," pagtataboy ko. "Nasa practice ako. Para ka na namang paring nanenermon. Rumatrat na naman 'yang machine gun mong bibig," pang-aalaska ko.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon