Chapter 22 : Pain

871 64 94
                                    

WAS IT JUST a dream? Iyana ng tanong ko sa isip nang magising ako.

No, it was not. It was real.

I made love to Annie Dizon. I just did.

Napabalikwas ako nang bangon nang mag-sink sa utak ko ang mga pangyayari. Agad kong hinanap ang pigura ni Annie sa tabi ko.

But she was gone. Putek! She was supposed to be by my side of the bed, sleeping so beautifully, probably with a smile on her lips.

Pero wala siya.

Agad akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na nakuhang magbihis.

Naabutan ko siyang nakabihis na, bitbit ang backpack at akmang bubuksan ang pinto.

"Where are you going? Why are you leaving?" Panic was evident in my voice. Bakit siya aalis? Bakit niya ako iiwan?

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako, especially in my birthday suit.

She blushed. At pagkatapos ay iniwas ang mga mata sa akin. "Ano ba?! Magbihis ka nga!" naeeskandalo niyang utos.

Napangiti ako. Ngayon pa ba siya mahihiya? After the intimacy that happened between us?

That wonderful moment made me smile. It was sweet, special and life-changing. Ang dami kong na-realize.

Hindi ko ito naramdaman sa ibang babaeng naka-sex ko.

"Saan ka pupunta? At aalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin? Iiwan mo ako nang wala akong kaalam-alam?" sunud-sunod kong tanong na hindi pinansin ang discomfort niya dahil sa kahubaran ko.

"Magbihis ka!" Pinandilatan niya ako.

"Ayoko! Aalis ka, eh," parang batang sabi ko. Seryoso na ang boses ko dahil may hinala akong aalis siya talaga nang walang paalam. Mabuti na lang at saktong nagising ako.

Natatakot akong iwan niya ako ngayon. There was this nagging feeling inside of me. Telling me ne huwag ko siyang paalisin.

"Bakit ka aalis?" tanong ko ulit.

Iniwas niya ang tingin. She could not look me in the eyes. "Uuwi na ako," aniya, deliberately avoiding to answer my question.

Napasabunot ako sa buhok. I frustratingly sighed. "Can we just talk first, Annie?" pakiusap ko.

And I realized na hindi lang pala nakikiusap ang tono ko.

Nagmamakaawa. That was how I sounded. So desperate.

"Magbihis ka muna, Alfred..." mahinang sabi niya.

"No," mariin kong tanggi. "Aalis ka, eh. Alam ko. Iiwan mo ako without us talking first. Mag-usap muna tayo. Please?"

You are so desperate, dude, pang-aasar ng isang bahagi ng utak ko.

Hindi naman kasi ako ganito sa ibang babae. Kay Annie lang.

She swallowed. "Hindi ako aalis... Magbihis ka na muna," aniya sa mahinang tinig.

I looked at her. I wanted her to look me in the eyes. To know if she was telling the truth. Dahil hindi iyon ang nararamdaman ko.

"Promise?" I asked.

"Promise," mabilis niyang sabi. Tila hindi pinag-isipan.

I raked my fingers through my hair. Bakit hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi niya? May kung anong kutob ako.

"Annie... Tingnan mo ako nang diretso sa mga mata... Please."

She did not.

I stepped forward.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon