Chapter 10 : "Sige..."

920 66 23
                                    

PUTEK! SHIT TALAGA!

Anong ginagawa ni Elle dito? Nakita tuloy siya ni Simang.

Siguro ay sina Marc at Roi ang nagsabing naririto lang ako sa unit ko at mag-isa lang. Kaya siguro nagpunta si Elle.

Bigla kong naalala si Simang! Baka kung ano na naman ang isipin ng babaeng iyon tungkol sa akin sa nakita niyang pagpunta ni Elle.

I pressed Simang's number. Seven rings before she answered samantalang magkausap lang kami kani-kanina lang.

"Bakit ang tagal mong sumagot?" naiinis na sumbat ko sa kanya. "Kahit kailan ka talaga..."

"Bakit ba?" singhal niyang pabalik sa akin.

"Help me. Make sure na nakaalis na si Elle sa reception bago ako bumaba-"

"At bakit kita tutulungan?" mataray niyang tanong. "Problema mo 'yan, idadamay mo pa ako. Magtago kang mag-isa mo."

Hindi ko alam alam kung bakit nga ba dinadamay ko pa si Simang. Siguro dahil ayoko pa siyang umuwi. Ayoko pang matapos ang araw sa aming dalawa.

Bakit, Zamora? I asked myself.

Hindi ko rin alam ang sagot.

"Sige na, Annie."

"Bakit kasi kailangan mong magtago. Harapin mo siya, Alfred. 'Wag mo siyang pagtaguan."

"You don't understand-"

"Ayoko," putol niya. "Uuwi na ako. Bahala ka sa buhay mo."


"IKAW, NAPAKAANO MO talaga..." nakabusangot na sabi ni Simang sa akin habang hindi maipinta ang mukha niya.

Nangingiting tumingin ako sa kanya. "Napakaano?" tanong ko habang may pigil na ngiti sa labi ko. Hindi ko alintana ang pagsisimangot niya na halos magdikit na ang mga kilay.

I even find it funny... and fascinating.

Hinarap niya ako nang nakapameywang. Nagseryoso siya ng mukha at matamang tumingin sa akin. "Ang sama mo..."

Nawala ang ngiti ko sa labi. Putek! Bakit nasaktan ako sa sinabi niya? Masama nga ba talaga akong tao sa paningin niya?

Ako naman ang nagsimangot. "You always think the worst of me, Simang..." Saka ko siya binigyan ng isang sarkastikong ngiti at nilayasan.

Umupo ako sa isa sa mga benches sa ilalim ng puno. We were in the big landscaped garden of the condominium. Nasa harapan niyon ang isang maliit na football pitch. Dito ako madalas na nagpa-practice kapag wala akong lakad at isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang lugar at nagdesisyong kumuha ng unit.

Funny, but I was sulking like a spoiled brat kid na nagtatampo dahil hindi nakuha ang gusto niya.

And I would definitely be disappointed kung bigla siyang magwo-walk out dahil nag-aaway na naman kami.

But Simang didn't. Nakita ko siyang papalapit sa akin. Nagbigay iyon ng ngiti sa labi ko na nagbabantang umalpas pero pinigilan ko. Ayokong makita niyang natutuwa ako dahil hindi niya ako nilayasan.

Gumana ang charm ko. Heto nga at napilit ko siyang tulungan akong makapagtago kay Elle.

She stood before me, hands on her hips, looking at me with all seriousness... and patience, maybe? I glanced at her while pouting my lips. Pero saglit lang at agad kong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Then I crossed my hands over my chest.

Putek, Zamora! Kelan ka pa naging ganyan kaisip-bata pagdating sa babae?

Hinampas niya ako sa braso. "Ang isip-bata mo talaga, Bagyo." She rolled her eyeballs. "Napaka-childish lang ng ginagawa mo..." iiling-iling pa niyang dagdag.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon