Chapter 12 : Sleepover

758 63 55
                                    

ISANG ANNIE NA maputlang-maputla at hinang-hina ang nabungaran ko. May basang face towel na nakasampay sa ulo niya.

"Fuck!" I muttered. Agad akong pumasok sa loob. "What happened to you?"

Hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang amoy sa loob ng kuwarto niya. Amoy-suka ang kuwarto niya.

Sobrang liit kasi ng kuwarto niya kaya nakulob ang amoy sa loob. Ni wala nga siyang sariling CR sa loob. Folding bed, 4-drawer plastic cabinet, isang maliit na electric fan at isang square mineral water container na may gripo na nakapatong sa ibabaw ng isang plastic na upuan.

"Anong nangyari sa 'yo?" My voice was beginning to panic. Fuck! I was beginning to panic. Something was definitely wrong with Annie.

Hindi sumagot si Annie. Tinungo nito ang folding bed at hinang-hina na umupo sa gilid niyon. Pumikit siya at isinandal ang likod ng ulo sa pader.

Sinundan ko siya at umupo sa tabi niya. Hinipo ko siya sa leeg. Inaapoy siya ng lagnat.

"Putek! Ang taas ng lagnat mo," nagpa-panic kong sabi.

Boy's scout ako noong elementary. One of the best in our batch. Natutunan kong maging handa sa mga ganitong emergency. Hindi ko kailangang mag-panic pero hindi ko maiwasan.

I was very much concern with Annie. Si Annie ito at hindi ibang tao. She looked so pale and fragile. Sa tingin ko pa nga ay hindi na niya kayang tumayo pa.

"Nasusuka ako..." Nagpumilit siyang tumayo pero tila nahihilo siya kaya parang nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at agad ko siyang naalalayan sa beywang.

Kung ibang babae lang at ibang eksena, magbibiro ako at tatanungin ko siya kung buntis ba siya. But not this time. Not with Annie.

Ibang babae si Annie. Sigurado akong hindi siya ganoong klaseng babae.

"'Yung arinola..." turo niya sa isang pink na bilugang plastic.

"Anong arinola?" naguguluhang tanong ko. Ano ba ang arinola na tinutukoy niya?

"Nasusuka ako..."

Natatarantang luminga-linga ako at may nakita akong maliit na white plastic basin na may lamang tubig.

Eksaktong pagtapat ko ng basin sa bibig niya ay sumuka siya. Halos tubig na. Iyong tipong wala nang maisuka kaya puro tubig na lang ang isinusuka.

Marahan ko siyang hinagod sa likod. "Ano ba kasing ginawa mo? Ano ba kasing kinain mo? Baka na-food poisoning ka..." panenermon ko. "Baka kung anu-ano kasi 'yang mumurahing pagkaing binibili mo—"

Parang pagod na pagod na isinandal ni Annie ang ulo niya sa balikat ko. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nararamdaman ko ang mainit na singaw mula sa katawan niya.

Napabuntong-hininga ako. She was really sick. Dahil kung okay siya, hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, magtataray na agad siya at mabilis akong sasagutin habang salubong pa ang mga kilay.

"I'm bringing to you the hospital—"

She cleared her throat. "N-no..." protesta niya sa halos namamaos na boses.

Alam ko naman ang concern niya kung bakit ayaw niya. Iniisip niya ang pambayad sa hospital.

"Shut up, Annie. Akong bahala sa 'yo, okay?"

Akong bahala sa 'yo...

I meant it in more ways than one. Hindi lang sa pagdadala sa kanya sa hospital at pagbabayad sa pampa-ospital sa kanya.

Ilang babae pa ba ang sinabihan ko ng ganito?

Zero. Wala akong matandaan. Si Annie pa lang.

I just have this feeling to... protect her... and take care of her.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon