Chapter 3 : Quits

1.1K 71 45
                                    

"VERY IMPRESSIVE, MISTER Zamora. You did your homework this time around," natutuwang sabi ni Prof Juanico habang tumatango.

Tumingin ako sa mga kaklase ko, lalo na sa mga nagtawa sa akin last meeting habang pinapagalitan ako ni Prof Juanico at mayabang na itinaas ang mga balikat ko bilang pang-aasar sa kanila.

I survived Prof Juanico's class with the Brand Management report I submitted.

Annie Dizon's report.

Nabitbit ko pala pareho ang dalawang reports nang sugurin ko si Rommel sa tambayan nila at mag-walk out pagkatapos.

I just realized it when I got inside my car on my way home. Sinabi ng ma-pride na isang bahagi ng utak ko na isoli kay Simang ang report. Pero hindi ko nagawa dahil wala akong choice. Wala kong isa-submit kay Prof Juanico and that could mean a failing grade.

I could not afford that. Hindi ako paglalaruin sa team at iyon ang pinakaayaw kong mangyari. Football was the only thing I have right now.

So I took home Simang's report and even heeded her advice to read the report before submitting it to Prof Juanico.

Simang's report was excellent and totally on point with all the details that a brilliant professor like Prof Juanico would ask for. Madaling intindihin kung babasahing maigi, which I did. Inabot na ako ng hatinggabi sa pagbabasa. Milya-milya ang layo sa basurang report ni Rommel na ang intensyon pala talaga ay ibagsak ako.

The next day, maaga pa sa ibinigay na deadline ni Prof Juanico ay agad kong ipinasa ang report. At sa oras ng klase niya ay pinatayo niya ako para tanungin ako tungkol sa report ko at depensahan ang mga opinyon ko tungkol dito.

I did with flying colors, which I based on Simang's report. Prof Juanico was impressed, just like he said minutes ago. I had redeemed myself in in his eyes and in front of my classmates.

Simang's report was a grade saver.

I was grateful I listened to Simang's advice. Kung nagkataong ang report ni Rommel ang ipinasa ko, malamang ay bagsak na ako at hindi na makakapasok pa sa klase ni Prof Juanico for the rest of the semester.

Salamat kay Simang.

DAHIL AKO NAMAN ay isang taong marunong tumanaw ng utang na loob, dahil na rin sa turo ng Mommy ko, ay pinuntahan ko si Simang sa library at inabangan siya sa labas kasabay ng pagtatapos ng shift niya.

Pero bago iyon ay bumili muna ako ng mocha frappe para sa kanya. Nagmamadali pa nga ako dahil baka hindi ko maabutan ang paglabas niya.

Hindi ito pansuhol kundi pa-thank you sa pagsasalba ng grade ko kay Prof Juanico.

Limang minuto pagkatapos ng alas-singko ay nakita ko siyang lumabas ng library bitbit ang backpack niya. Mabibilis ang mga lakad niya at hindi pansin ang mga tao sa paligid.

"Hoy..." tawag ko.

Lumingon siya at nang makita ako ay agad na nagsalubong ang mga kilay. Pagkatapos ay saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Hoy, teka, sandali lang... Hoy!" tawag ko habang nakasunod sa kanya.

Pero hindi siya tumigil sa paglalakad, bagkus ay binilisan pa. Naging lakad-takbo ang ginawa niya. Agad ko siyang inunahan at hinarang.

"Hoy, sandali nga," naiiritang sabi ko. "Putek naman, kanina pa kita tinatawag, ah."

Wala siyang nagawa kundi ang huminto. She looked at me, brows deeply furrowed. "Ng 'hoy'? Eh, hindi naman 'hoy' ang pangalan ko, Mister Zamora. So, definitely, hindi ako 'yung tinatawag mo," mataray niyang sabi.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon