Chapter 17 : Kuya

790 67 37
                                    

INIWAS KO ANG tingin ko kay Annie. Hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong kong iyon.

"We lost our game last week, Mom," panimulang kwento ko at nagsindi ng scented candle sa harap ng puntod niya.

Sa tuwing dumadalaw ako sa kanya tuwing Linggo, lagi akong nagkukuwento ng mga adventures at kaganapan sa buhay ko sa nakalipas na isang linggo. Ganito kami ni Kuya noong nabubuhay siya.

Pagkagaling sa eskwela ay isa-isa niya kaming tinatanong kung kumusta ang araw namin at magkukuwento naman kami ng adventures at misadventures namin sa eskwelahan.

Nakasanayan ko na ito kahit wala na siya sa buhay namin kaya patuloy kong ginawa. I guess, it was also part of my coping with grief.

And at some point, nababanggit ko na sa kanya si Annie. Hindi nga lang yata isang beses kundi makailang beses. Kaya ginusto kong makilala niya nang personal si Annie.

"Katakut-takot na sermon ang inabot ko kay Coach," I continued and smiled when I remembered my coach's face reddened with anger. "Sabi niya, bakit pati ang napakadaling goal ay hindi ko pa na-execute..." Napakamot ako sa likod ng ulo. "I don't know, Mom... I just had a very bad game. I was distracted..." I shifted my gaze at Annie who was looking intently at me while I was talking to Mom.

Parang bigla siyang naging uneasy na nahuli ko siyang nakatitig sa akin. She rolled her eyeballs. "Ano ba 'yan? Akala ko ba magaling ka sa football?" pang-aasar niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa isa sa mga bangko na naroroon. "Magaling ako," kumpiyansa kong sagot. "May inisip lang akong tao na sumira ng concentration sa game ko."

"Sino?" curious niyang tanong.

Sinalubong ko ang tingin niya. "Hindi mo na kailangang malaman pa," pasuplado kong sagot.

Sinimangutan niya ako. "Bakit kung makatingin ka sa akin, eh, parang ako ang sumira ng concentration mo sa game?" panunumbat niya.

Pasarkastikong napangisi ako. Sino pa kaya sa tingin niya?

"Hoy, Simang, next time do not ignore all my texts and calls, ha?" warning ko sa iritadong boses. Bumabangon ang iritasyon sa dibdib ko dahil sa pangdedeadma niya na ikinaalala ko nang husto.

Tumikwas ang nguso niya at umupo na rin. "May sakit ako," pangangatwiran niya.

"Precisely my point," mariin kong sabi. "Emergency na pala ang sitwasyon mo, wala pa akong kamalay-malay—"

"May sakit nga ako."

"Isang text lang, hindi mo pa nagawa," nakasimangot kong sabi.

Pinandilatan niya ako. "May sakit nga ako," mariin niyang ulit na tila pinaiintindi sa akin ang mga salitang iyon sa iritableng boses. "Bakit ba naiinis ka?"

I held her gaze. Matagal. Then I swallowed. I did not want to break the eye contact. "Kasi nag-alala ako nang husto sa 'yo..." sabi ko pagkatapos sa mahina pero inis pa ring boses. "O, happy ka na na nag-alala ako nang todo sa 'yo kasi nakailang texts at tawag ako pero ni isa ay hindi mo sinagot. Happy ka na?" iritable kong sabi.

Napaawang ang bibig niya. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "N-nag-alala ka?" ulit niya na nautal pa.

"Ang bingi mo," parang batang napipikon na sabi ko. "Hindi ba kasasabi ko lang na nag-alala ako sa 'yo nang todo n'ung nangdeadma ka? Happy ka na?"

She cleared her throat. Magsasalita sana siya pero agad ko siyang inunahan.

"At dahil nag-alala ako sa 'yo, nasira ang concentration ko sa game." Sumandal ako sa backrest at humalukipkip. "Ikaw ang sumira sa concentration ko sa game kaya natalo kami. Kaya ikaw dapat ang sinermunan ni Coach at hindi ako," paninisi ko sa kanya.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon