Chapter 13 : Corny

789 66 50
                                    

ANG ALARM NG cellphone ko ang gumising sa akin. Inaantok na kinuha ko ang cellphone ko sa side table at in-off ang alarm. I knew it was already 2AM. I set the alarm at two AM para sa pag-inom ni Simang ng antibiotic.

Kinuha ko ang gamot ni Simang at kumuha ako ng bottled mineral water sa mini-ref sa kuwarto ko at saka ako nagtungo sa kabilang kuwarto kung saan siya natutulog. Pinihit ko ang doorknob. I told her not to lock the door dahil nga gigisingin ko siya para painumin ng gamot.

"Annie..." tawag ko sabay katok. Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto.

Pero ako ang na-shock nang makitang wala siya sa kuwarto. Bigla akong kinabahan. Tinakasan ba ako ni Annie? Nagpumilit ba siyang umuwi kahit na mahigpit ang bilin ko na dito na siya magpalipas ng magdamag?

Tinungo ko ang banyo sa kuwarto niya. "Annie..." mahinang tawag ko. Walang sumagot.

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sala. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong bukas ang glass door patungong veranda. Bukas din ang ilaw doon. She must be there.

Hindi nga ako nagkamali. She was there. Nakaupo siya sa reclining chair na naroon. Her legs were on the foot rest.

Mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya napansin ang presensya ko. I took the opportunity to stare at her. She was wearing my football uniform, including the jacket. Iyon lang kasi ang shorts na pwede kong maipahiram sa kanya na pwedeng kumasya sa kanya dahil maikli lang. Pinasuot ko na rin ang football shirt ko para kumpleto. Hindi naman siya tumanggi. Ang mahalaga raw ay malinis. Amoy-suka kasi ang suot niyang t-shirt kanina.

Napangiti ako. She looked cute wearing my uniform. May 'Zamora' sa likuran niyon at ang varsity number kong '25'—my mother's birthday.

Then I cleared my throat rather exaggeratedly para makuha ang atensyon niya. "There you are..." sabi ko na para bang kararating-rating ko lang. Nilingon niya ako and matipid na ngumiti.

Kumislot ang puso ko sa ngiting iyon. Bakit kaya?

"Time for your medicine," sabi ko at inabot ko sa kanya ang mineral water at gamot niya.

"2AM na?" wala sa sariling tanong niya. Aware din siya na iinom siya ng gamot ng 2AM. "Nakalimutan ko..." she added. Agad niyang ininom ang gamot.

Pumunta ako sa kabilang dulo kung nasaan ang isang reclining veranda chair. Patihaya akong humiga at inunan ang isang braso ko.

"Akala ko ba matalas ang memorya mo? Bakit nagiging makakalimutin ka yata ngayon?" pang-aasar ko at sinulyapan siya.

Niyakap niya ang throw pillow at tumingin sa mailaw na Manila skyline. "Hindi ko nga alam bakit lately ay disoriented ako..." ang tangi niyang sagot. "Hindi naman ako ganito dati..." parang wala sa sariling dagdag pa niya at saka sumulyap sa akin. Mabilis lang dahil agad niyang iniwas ang tingin nang salubungin ko ang tingin niya na parang bang bigla siyang napaso.

Disoriented? Same here, I wanted to add but never did. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" I asked, hindi ko maiwasang lagyan iyon ng concern... at lambing.

"Hindi na ako nilagnat pero masakit pa rin ang lalamunan ko kapag lumulunok."

Ngumisi ako habang nakatingin sa Manila skyline. "Takaw mo kasi... Hindi ka nag-share, nakarma ka tuloy."

"May isang box pa naman na natira," tila pagtatanggol niya sa sarili. "Nag-stress-eating kasi ako. Napagbalingan ko ang mga chocolates. Tapos ang sarap pala kaya naubos ko."

"Saan ka na-stress? Hoy, 'wag mong sabihing sa 'kin, ha? Hindi kita inaano," defensive kong sabi. Baka kasi maisip niyang cause of stress niya ako at bigla na lang niyang akong layuan.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon