Chapter 27: Happiness

1.9K 103 93
                                    

OMG! Nakatapos na naman ako ng isang story! As promised, here is the last chapter of Alfred and Annie's love story. Sana magustuhan ninyo.

Just a little trivia, I just want to share that it was easy for me to write Alfred's POV. With him, hindi ko kailangang maging maingat sa lalabas sa bibig niya. Para siyang female version ni Ashley Grace, para sa akin. Katwiran ko, noon pa man, sa love story nina Lucas-Stasha at Jacob-Mira, naiinis na kayo sa kanya (sa mga nakabasa) kasi nga na-judge na ninyo siya without even knowing him. So kahit na anong ipakita niya, que pangit o maganda pa, maiinis pa rin kayo sa kanya. It was so easy. Hindi ko kailangang protektahan ang image niya.

Doon sa part na nabuntis si Annie, naisulat ko na ang dapat na "reaksyon" ni Alfred. Isang buong chapter iyon. Kukunin ko na lang sa file ko and ipi-paste ko. But as the story progresses, naiba siya. Hindi naging "ganoon" ang "reaksyon" ni Alfred.  Because I let Alfred write his own story—his own feelings. 'Yung totoong saloobin niya. At nagpapasalamat ako dahil doon. Kasi bilang writer, nakilala ko ang totoong Alfred Zamora. Isang pikon, pumapatol sa bata, happy-go-lucky, minsan ay nakikinig  pa sa maling payo ng ilang itinuturing na kaibigan pero ang totoo, tapat at sobra-sobra siyang magmahal. A lost boy with a good, loving and faithful heart.

Maraming salamat sa pagsuporta sa love story nina Bagyo at Simang. Labyu all! Hanggang sa muli – Dyosa

*************************************************************************************

"PUTEK NAMAN, ANNIE!" nagdadamdam kong sabi, hindi ko na napigilang lumabas ang galit na nararamamdan ko. "Didn't you realize that I was the last person to know that I gotten you pregnant? Alam na ng lahat maliban sa akin. Samantalang ako ang tatay ng baby. Tayo ang gumawa ng baby 'di ba?"

She blushed but she hastily lifted her chin defiantly. "Anong gusto mong gawin ko?" balik-tanong niya, kasingtono ng tono ko sa pagtatanong. "Lumapit sa 'yo? Matapos kong sabihing kalimutan mo ang nangyari sa 'tin? At pagkatapos kong sabihing hindi kita kailangan?"

Napahilamos ako sa mukha. Lord, siya pa talaga ang may ganang pag-alsahan ako ng boses.

"Hindi ba iyon ang dapat mong ginawa?" panunumbat ko. "Ako ang tatay ng baby natin. In my heart..." Naiinis na binayo ko ang dibdib ko. "I was hoping na sasabihan mo ako kapag nabuntis kita. That you're not that cruel para isikreto ito sa akin dahil may karapatan akong malaman." I emphasized na words 'that cruel'.

She did not say a word. Nakayuko lang siya na tila ba ay tinatanggap ang mga rants ko.

"Nagmukha kaya akong tanga-- laughingstock ako sa buong HFU," puno ng hinanakit na sa sabi ko habang sarkastikong nakangisi. "Lumabas na para akong kontrabidang nang-iwan matapos makabuntis. Siguro naman kahit gago ako sa paningin mo, may konti naman sigurong chance na paniwalaan mong hindi ko gagawin 'yun sa isang babae at sa magiging anak ko lalo pa at ikaw ang nanay..."

Shit! Why am I getting fucking emotional? Putek!

Yumuko rin ako para itago ang namumuo kong luha. "Akala ko pa naman matalino ka at kilala mo na ako..." malungkot kong sabi sa mahinang tinig.

"Hindi naman talaga kita kilala, 'di ba?" aniya sabay saglit na sumulyap sa akin at muling nagbaba ng tingin.

Malungkot akong napasuklay sa mukha. "Kaya nga ako nagpapakilala 'di ba?" I said, a little frustrated, nagpapaintindi ang tinig ko. "Ipinakilala kita kay Mommy. Sa Kuya ko—kahit na ayoko sanang may makaalam na iba tungkol sa kalagayan n'ya. Pero nag-all out na ako sa 'yo. Hindi pa lang kita maipakilala kay Daddy kasi and'un si Yvette at ayokong makaharap mo siya. Pero kung walang Yvette, naipakilala na rin kitang tiyak kay Daddy..."

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon