chapter 22: too late...

3.5K 103 4
                                    

Dhite pov.

  Nag mulat ako tinignan ko ang paligid ko andito na pala ako sa kwarto ko dito sa hideout. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang usapan sa labas ng nkwrto.

''Uno delikado ang mga tao sa GWA may nakakalat na bomba sa loob ng arena kailangan natin iyun maalis. kung hindi, lahat ng tao mamamatay''sabi ni Elie.

''Paano mo nalaman ang mga yan''tanong ni Rai.

''sa isang underlings ko nasagupa niya ang isa sa mga yakuza at pinaamin nila Yun daw ang utos sa kanila ni Victor,,''sagot nman ni Elie.

''maghanda kayo pupunta tayo sa arena,,,''sabi ni Uno.

Bago man sila makapasok sa kwarto ko kinuha ko na ang dagger ko saka tumalon sa may bintana. Andun na si Andrei kaya pala ang sabi ni Victor na mamamatay ang mahal ko..si Andrei ang tinutukoy nya

GWA : Pinarada ko ang motor ko,napansin kong maraming reporter sa harap kaya sa likod ako dumaan.Pagkapasok ko sakto sa stage ng arena. Naghiyawan ang mga tao sa loob ng arena. Hindi ko na sinuot ang maskara ko.

''On time ngayon si Lady Dagger ah''sabi ng emcee.

Habang nakatayo ako,umakyat na man na si Andrei. Nagulat siguro siya sa nakita niya. Sa itsura ko nagtataka sila dahil sa marami akong gasgas.May benda parin ang balikat ko sa tama ng baril natatakpan lang sa suot ko.

''Sa laban ito no rules gamitin lahat ng weapon na meron kayo ang unang matutumba ay automatically talo kaya kung ano man nga napag usapan niyong kabayaran nasasainyo na yun''sabi ng emcee.

''go fight!" pagsisimula ng emcee.

''Bakit ganyan ang itsura mo? ''tanong ni andrei.

''ano bang pake alam mo?" walang kaemos emosyon kong sabi.Tinignan ko sa taas para malaman kung nasaan ang mga bomba pero hindi ko mahanap,pag tingin ko sa kanya ay isang suntok agad ang binigay niya saakin kaya natumba ako hindi ko siya kayang saktan kahit binaril niya ako hindi ko kayang gumanti sa kanya.Tumayo ako saka tumingin tingin sa paligid saan ba ang mga lintik na bomba na yun.

Isang sipa ulit ang inatake sa akin ni Drei bahala siyang saktan ako ang mahalaga mahanap ko kung nasaan ang mga bomba.

Sa inis ata ni Drei na hindi pagganti ko sa mga tira niya ay kumuha siya ng katana. Hindi ko iniiwasan ang mga tira niya saakin kaya nagkasugat ako sa tiyan at balikat.

''bakit ayaw mong gumanti ha eto ba ang paraan mo para mapatawad kita sa mga kasalan mo sa akin? pwes sinasabi ko sayo kahit buhay mo pa ang kapalit hindi kita mapapatawad.''galit niyang sabi.

Dun ako napatigil sa mga sinabi niya. Wala na din pala saysay kahit humingi ako ng tawad sa kanya. Umatake ulit siya isang suntok sa sikmura saka ako sumadsad sa lupa.

''Dua lumaban ka kami ng bahala sa hinahanap mo'' sigaw ni Uno. Nabuhayan ako sa sinabi ni Uno. Tumayo ako saka ngsalita.

'' gawin mo na ang gusto mong gawin saakin Drei,,''yun lang ang sinabi ko. Tumigil naman siya.

''hahaha nagpapa tawa ka ba ha?! ayokong makipagaban sa taong hindi lumalaban anong gusto mangyari? ,na pagkatapos nito magiging ok na ang lahat ?" sabi niya. Nakayuko parin ako.

'' wala na bang kasiguraduhan na mapapatawad mo ako?" sambit ko.nTumutulo na ang luha ko nasasaktan na ako ngayon nalaman ko na mahal ko pala siya saka naman niya ako kinamumuhian. Napaluhod ako pagod na ang katawan ko pagod na din ang puso kong nasaksaktan

Mr. Gangster inlove to Miss lady DaggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon