Chapter 15: Pain

4 5 2
                                    

Chapter 15:
Pain



Nagising ako na katabi ko lahat ng tropa ko. Bakit dito sila natulog sa kwarto ko? Talagang siksikan na kami dito sa kama ko ah? Para na tuloy kaming mga sardinas. Napatawa akong bigla nang makita ko si Lux na kinakain na ang paa ni Aione. Muka nang sarap na sarap pa si Lux kase sinusupsop nya pa ang paa ni Aione. Napatingin naman ako sa gilid ko at gulat kong nakita si Oliver na nakayakap sa akin. Halatang sarap na sarap syang yakapin ako kase nakangiti pa sya. Paglingon ko naman sa kabilang gilid ko ay nakita ko si Arthur na hawak-hawak ang ano ko. Bakit hawak nya ang batuta ko?!

Napabaligwas ako sa pagtayo kasabay no'n ang pag gising silang lahat. Langya tatabi na nga kang sila sa'king matulog mang hihipo pa! Hindi naman ata makatarungan'yon! Si Wendy lang ang may karapatang humawak no'n tapos hahawakan naman ng tropa ko?! Aba hindi 'to pwede sa'kin! Hindi ito pwede!

"Tang'na Arthur bakit mo hawak ang batuta ko?! Tang'na naman oh!" sigaw ko.

"Aba gising ka na pala Martin. Grabe talagal mo ring natulog ah," sabi ni Theo.

"Wala akong pake! Bakit hawak ni Arthur ang batuta ko?!" sigaw ko.

"Eto kaseng mga gagong 'to nag pustahan. Kung sino daw ang kayang dakmain ang batuta mo bibigyan ng isang libo," sabi ni Greg.

"Tang'na nyo talaga kahit tulog ako pinag titripan nyo 'ko!" sabay tayo ko. Maglalakad na sana ako nang may pumigil na akin, ang dextrose.

"Bakit may nakakabit sa'king dextrose? Ilang araw ba akong nakatulog?" kunot noo kong tanong.

"Isang bwan kang tulog Martin. Grabe dinaig mo pa si sleeping beauty!" sabay tawa nilang lahat pero may halong pag aalala.

"Ano?! Ba't isang bwan akong natulog?! Pa'no? Bakit?!" naguguluhan kong tanong.

"Saka na lang namin sasabihin sa'yo Martin kapag stable na ang kalagayan mo kaya mag pahinga ka na lang dito at dadakmain ko pa 'yang batuta mo," sabi ni Arthur.

"Ewan ko sa inyo! Gusto kong makita si my love from the star!" parang bata kong pagkakasabi sabay upo ko sa tabi ni Nordel.

"Gusto mong makita? Ayun oh," sabay turo ni Conor sa sahig at nakita ko naman si my love from the star na natutulog.

"Ba't dyan sya natutulog?! Bakit hindi pa sa tabi ko?! Mga walang hiya talaga kayo oh!" sabay tanggal ko ng dextrose sa balat ko at binuhat si Wendy.

Pinaalis ko naman ang mga tropa ko sa kama ko saka ko inilapag doon si Wendy. Pinagmasdan ko ang muka nya. Halata ko na wala pa syang tulog. Ano ba talaga ang nangyari sa akin at nakatulog ako ng isang bwan? Masyado na ba akong gawapo para gawin ang handsome rest? Tch, ang mahalaga ay maasikaso ko ngayon si Wendy wala akong pakealam sa nangyayari sa'kin ngayon. Ang mahalaga buhay pa ako ngayon.

"Aba baka matunaw," singit ni Aione.

"'Wag n'yong tingnan ang my love from the star ko," seryoso kong pagkakasabi.

"Bakit naman?" tanong nilang lahat.

"Eh akin lang sya eh! Kung alin 'yung akin ay akin! 'Wag na 'wag n'yong susubukan na hawakan sya o tingnan sya kun'di. . . Lagot kayo sa mga babae nyo," galit kong sabi.

"Ang damot mo naman! Samantalang pag ikaw ang lalandi sa mga babae namin hindi kami nagagalit! Kahit nga halikan mo pa sila sa harap namin hindi kami nagagalit! Tapos eto!" sabay turo ni Conor kay Wendy "Tingnan lang namin nagagalit ka na?! Halos nga patayin mo na kami sa galit mo,"

"Bakit ba?! Pag mamayari ko eh!" sabay haplos ko ng pisngi ni Wendy.

"Edi sa'yo na! Hindi naman namin inaangkin eh! Galit na galit!" sabi ni Lux.

"Sa'kin lang naman talaga sya," sabi ko pa. Napangisi ako nang makita kong gising na sya. Salamat naman at may hahampas na ulit sa'kin. Na-miss ko 'yung sampal nya at ang tadyak nya.

"M-Martin gising ka na!" sabay yakap sa akin ni Wendy agad din naman syang kumalas dahil ininspect nya pa ang muka ko na para bang may sugat ako.

"Wala bang masakit sa'yo? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" tanong nya.

"Meron, meron akong nararamdamang kakaiba," seryoso kong sabi.

"A-Ano? Anong nararamdaman mo?" nag aalala n'yang tanong.

"Kilig, kinikilig ako sa mga ginagawa mo Wendy. Alam kong ang sagwa pero kinikilig ako eh," sabay tawa ko. Nagsi hiyawan naman ang mga tropa ko kaya napatingin ako sa kanila.

"Magsi labas na nga kayo! Panira kayo sa moment namin ni my love from the star!" sabay palo ko sa kanila pero ang nahagip ko lang ay si Theo.

"Aray ko naman Martin! Lalabas na nga eh! Eto na oh!" sabay labas nya. Nagsi sunuran naman sa kanya ang iba kong tropa kaya kaming dalawa na lang ni Wendy ang nandito sa kwarto.

Napaupo naman ako ng ayos at pinag masdang mabuti si Wendy. Ang ganda nya talaga kahit bagong gising kaya mahal na mahal ko sya eh.

"Mas maganda ka kapag walang make up. At saka teka. . . Nagpa kulay ka ng buhok? Bakit ka nag pakulay? Mas bagay sa'yo ang itim lang, pero okay narin bagay rin naman sa'yo ang blonde, mas lalo kang gumanda bitwin ko," sabay ngiti ko sa kanya. Nag iwas naman sya ng tingin at halata ko na namula ang pisngi nya. Hinigh blood ata.

"Tinatanong ko ba sa'yo kung maganda ang buhok ko? Wala ka nang pake alam kung maganda 'to o hindi! Buhok ko 'to kaya 'wag mong pake alaman!" sigaw nya ng hindi parin tumitigin sa'kin.

"Na miss ko 'yan. . . Na miss kita," sabay halik ko sa pisngi nya.

"Tumigil ka nga Martin! Alam mo sasampalin na kita eh!" sabay irap nya. Aba. . .

"'Di ba sabi ko sa'yo 'wag na 'wag mo akong iirapan kun'di hahalikan kita? Deal natin 'yon 'di ba?"

"Sinabi ko na ba na payag na ako sa deal na 'yon?"

"Pero ako ang nagpatupad no'n kaya masusunod 'yon," sabay ngisi ko.

"Malapit na nga palang matapos ang walong bwan mo," pang iiba nya ng usapan.

"Edi malapit narin pala akong lumayo sa'yo kapag hindi mo pa ako nagustuhan? Hayaan mo kung ayaw mo talaga sa'kin kusa na akong lalayo. Pero kung gusto mo ako mag papakasal na tayo," napalingon naman sya sa akin.

"Gago ka ba?"

"Dati pa," sabay tawa ko.

"Mahal mo ba ako?" napahinto naman ako sa pagtawa at napatingin sa kanya.

"Oo. . . Mahal na mahal," walang pag aalinlangang sagot ko.

Napatayo naman syang bigla at umalis. Bakit sya umalis? May nasabi ba akong mali? Nasaktan ko ba sya? Nag sabi lang naman ako ng totoo ah? Anong problema nya?

Agad ko syang sinundan para kausapin at nakita ko syang lumabas ng unit. Paglabas ko ay nagulat ako nang nakita ko si Wendy na kausap si Lorenzo. May kasama syang isang babae at lalaki siguro mga magulang 'to ni Wendy kase kamuka nya 'yung babae. Nag uusap pa sila ni Lorenzo pero hindi ko sila marinig. Nagulat na lang ako nang biglang lumuhod si Lorenzo sa harap ni Wendy at may inilabas syang pulang box. Tang'na mag po-propose pa ata ang gago! Hindi ako pwedeng sumugod do'n kase nga nandoon ang mga magulang ni Wendy.

Kita ko na biglang lumingon sa akin si Wendy. Kita ko sa kanya ang gulat. Kahit nga ako nagulat din sa pangyayaring ito. Pero sa pagkakataong ito hindi na ako pwedeng makialam. Wala na akong papel. Atras na ako. Talo na ako. Ang sakit!

Tumalikod na ako at hindi na nilingon pa si Wendy. Binuksan ko na ang pintuan ng unit at pumasok. Kasabay naman no'n ang pag tulo ng luha ko. Ang sakit palang umasa akala ko madali lang 'yon at wala lang 'yon. Ganito pala ang epekto. Parang dinudurog ang puso mo. Harap-harapan kase eh, tang'na ang sakit! Bakit ba ako umiiyak? Babae lang 'yan Martin! Babae lang 'yan. . .

Pero babaeng mahal ko eh. . .




******
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Please vote! ༎ຶ‿༎ຶ

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon