Chapter 23: Under

4 5 2
                                    

Chapter 23:
Under






Nagising ako ng dahil sa ingay nina mama at Wendy. Kung makatawa ba naman eh, inam na. Parang wala pang bukas na darating. Wala pa naman akong tulog kagabi dahil sa kakulitan ni Lucifer. Hinihila nya kase ng hinihila ang kumot ko pababa dahilan para hindi ako makatulog. Kaganda-ganda na ng panaginip ko eh, biglang sinira ni Lucifer. Gaano nya ba ako kamiss at kakulit-kulit nya sa'kin ngayon? Kung sa bagay ilang bwan rin kaming hindi nagkasama ni Lucifer kaya sabik na sabik sya sa'kin ngayon.

"Wof! Wof!" rinig kong tahol ni Lucifer pero hindi ko sya pinansin. Ipinikit ko na lang ang mata ko para matulog ulit ngunit biglang gumalaw ang kama. Siguro sumampa si Lucifer sa kama ko.

"Lucifer baba! 'Wag ka dito sa kama ko baka umihi ka pa eh!" saway ko habang nakapikit ako. Ngunit bigla akong napamulat nang dilaan nya ako sa muka.

"Lucifer!" sabay palo ko sa kanya.

"Wof! Wof! Wof!"

"Hindi, ayaw ko. Matutulog pa ako! Pinuyat mo ako kagabi tapos ngayon gigisingin mo ako ng maaga?!" sabay tagilid ko ngunit kinagat nya ang tenga ko.

"Lucifer naman! Natutulog pa si daddy oh!" sigaw ko.

"Wof!" ang kulit!

"Lucifer kung gusto mong manggising ng tao si papa ang gisingin mo panigurado tulog pa 'yun," sabay pikit ko ulit ng mata ko ngunit may bigla na lamang bumato sa akin ng unan. Imposible namang si Lucifer 'yung bumato ng unan sa akin eh wala namang kamay 'yun. Bahala na nga basta matutulog ako ngayon dito sa aking gwapong kwarto.

May bumato na naman ng unan sa muka ko kaya ako ay napamulat. Gulat kong nakita si Wendy na naka-cross arms habang nakatayo sa harap ko. Nakakunot ang noo nito at galit na galit na nakatingin sa akin. Napabaligwas naman ako sa pagtayo at tuwid na tuwid na tumayo na akala mo'y sundalo. Sumaludo pa ako sa kanya para mag muka talaga akong sundalo at sya naman ang sergeant ko. Nakasimangot parin ang muka nya at talagang konti na lang ay mananapok na sya. Napatingin naman ako ay Lucifer nang tumahol ito.

"Wof! Wof!"

"Tumahimik ka," sabay tingin ko kay Wendy pero napakagat ako sa labi ko nang kagatin ni Lucifer ang paa ko at tumakbo palabas. Sutil na aso mamaya ka sa'kin.

"'Di ba sabi ko sa'yo kagabi gumising ka ng maaga? Bakit mo hindi ginawa?" tanong ni Wendy.

"Si Lucifer kase napakakulit—"

"Give me twenty push ups or you will make some breakfast?" sabay lapit sa akin ni Wendy.

"Push up na lang," sabay hubad ko ng damit ko at dumapa sa sahig. Nag simula na akong mag push up para matapos na.

"One. . ." Pagbilang ko.

"T-two. . ."

"Three. . ." Grabe nakakatatlo pa lang ako hirap na hirap na ako. Matagal na rin kase akong hindi nakakapag work out kaya medyo humihina na akong buhatin ang sarili ko. Ramdam ko na dumadaloy na ang pawis ko sa katawan ko kase lampas na ako sa sampung push up. At nang matapos ay tumayo na ako at humarap ng maayos kay Wendy. Panay lang sa pagtulo ang pawis ko at ramdam ko ang init ng paligid. Ikaw ba naman ang pag-push-upin ng kagigising lang gaano 'yun kasama?

"Tapos na po boss kaya tara na kumain na tayo ng umagahan," sabay hila ko sa kanya palabas ng kwarto at dumaretso na sa hapagkainan. Nadatnan ko naman sina mama, papa at Lucifer na kumakain kaya kami ni Wendy ay kumain na rin sa tabi nila.

"Ang sarap ng ulam natin ah, sunog na sunog," pagpuri ko sabay kuha ko ng itlog na sunog.

"Bakit may problema ka?" matapang napagkakasabi ni Wendy.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon