Chapter 24: The Savage Girlfriend

5 5 0
                                    

Chapter 24:
The Savage Girlfriend








"Hoy Martin Aciey Deraya! Akala mo ba makakalimutan ko ang mga sinabi ko sa'yo kahapon?!" sigaw sa akin ni Wendy sabay batok nya sa'kin. Araw-araw na lang talaga nabubugbog ako ni Wendy. Palagi nya na lang akong sinisigawan. Pagkagwapo-gwapo ko eh, sinisigawan nya lang ako? Aba hindi pwede 'to sa'kin. Lalaban na ako. Lalaban na ako para sa karapatan ko. Lalaban na ako para sa mga kalalakihang naapi din ng mga girlfriend nila. Ibubuhos ko na ang tapang at buhay ko.

"Tama na! Tama na! Hindi na ako papayag na sigaw-sigawan mo lang ako! Lalaban na—" bigla nyang hinila ang tenga ko kaya ako ay napasigaw sa sakit.

"Talagang sinasagot mo na akong lalaki ka ah?! Gawin mo na ang pinapagawa ko sa'yo kun'di—"

"Opo boss gagawin ko na! Sorry na! Sorry!" Talo parin ako kahit inilabas ko na ang tapang ko. Bakit ba ganito? Ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit ako nababago dahil lang sa babaeng ito? Nakakainis ba naman! Porket mahal ko sya ng matindi eh gaganitohin nya na ako?!

Lumabas na ako ng bahay para gawin ang utos nya. Dumaresto na ako sa bahay nina Griselle at kumatok sa pintuan nila. Talagang napakahirap ng ipinagagawa sa'kin ni Wendy. Bakit ba kailangan ko pa itong gawin? Dapat nga magalit pa sya kay Griselle kase pilit nya akong inaagaw sa kanya. Pero kapag hindi ko ito ginawa baka patayin nya ako ng wala sa oras. Ayaw ko pa namang mangyari iyon. Gusto ko pang lumadi—ay este mabuhay. Saka hindi naman siguro aabutin ng isang oras ang gagawin ko kay Griselle.

"Martin!" bumungad sa akin ang mama ni Griselle at niyakap ako.

"Si Griselle po?" tanong ko.

"Nasa kwarto nya. Halika pasok ka puntahan mo na lang sa kwarto," sabi ni tita Griselda kaya ako ay pumasok na sa loob ng bahay nila. Itinuro naman sa akin ni tita kung nasaan ang kwarto ni Griselle kaya hindi ko na kailangang magtanong sa kanya. Himugot na muna ako ng malalim na buntong hininga saka ako kumatok sa pintuan ng kwarto nya. Hindi ko alam kung magagawa ko nga ito pero bahala na si Bat man.

"Pasok!" rinig ko mula sa loob kaya pinihit ko an ang seradula ng pintuan at pumasok sa loob. Nadatnan ko naman si Griselle na nakaupo sa kama nya habang hawak nya ang kanyang cellphone. Gulat syang nakatingin sa akin kaya lumapit na ako sa kanya at naupo sa tabi nya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya nang mapansin ko ang suot nya. Nakasando kase sya na puti na pagkanipis-nipis kaya nakikita ko ang itim nyang bra. Short lang ang suot nya na parang cycling lang ang igsi. Bakit pa ba 'to nagsusuot ng damit kung kita rin naman lahat?

"M-Martin," sabay yakap nya sa'kin. Agad ko naman iyong tinanggal kase loyal ako kay Wendy.

"Griselle nandito ako para humingi ng tawad sa'yo at hindi para makipag landian. Sorry kung nasaktan kita kahapon, ginagawa ko lang naman 'to para kay Wendy eh, kaya sana tanggapin mo na hindi ako para sa'yo,"

"Bakit sya parin ang bukang bibig mo kahit na ako ang nauna? Bakit sya Martin?" sabay tulo nya ng luha nya.

"Bakit sya? Sya ang mahal ko at hindi ikaw. Sya ang nagpabago ng buhay ko at pinakita nya kung sino ako. Sya ang buhay ko Griselle at hindi ko kaya na mawawala sya sa'kin kaya sana Griselle kalimutan mo na ako at kalimutan mo na rin ang mga nangyari sa atin. Dahil kung hindi mo gagawin 'yon mas lalo ka lang madudurog. Mas lalo ka lang masasaktan. Madami pa namang lalaki dyan na mag mamahal sa'yo. Hindi lang ako " Mas lalo naman syang napahagulgol sa sinabi ko.

"Tumahan na d'yan Griselle. Sorry talaga, paalam," sabay tayo ko. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay pinigilan nya na ako.

"Ano pa bang kulang Martin ah?! Binigay ko naman sa'yo lahat ah? Ano pang kulang?! Kung gusto mo mag hubad pa ako sa harap mo gagawin ko magustuhan mo lang ako!" Nagulat ako nang bigla nyang tanggalin ang suot nyang damit kaya agad ko syang pinigilan.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon