Chapter 31: The Call

3 4 2
                                    

Chapter 31:
The Call





Itinapon ko ang beer na hawak ko matapos ko iyong ubusin. Kumuha ako ng panibago sa ref at agad na ininom. Binuksan ko ang TV at nanood. Naramdaman ko na lamang na may tumulong luha sa pisngi ko kaya agad ko iyong pinunasan. Muli kong ininom ang beer na hawak ko at nahiga sa sofa. Ngayong araw hindi na naman ako pumasok sa school. Isang bwan na akong hindi pumapasok dahilan kung bakit hindi ako nakakuha ng exam. Talagang babagsak na ako ngayong semester. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nalaman ko mula kay Lorenzo. Gusto kong tanungin si Wendy tungkol doon kaso ayaw ko pa syang harapin. Ayaw kong makita nya ako na ganito.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha sa mesa at sinagot.

"Anak Martin—"

"M-Mama—" bigla na lamang akong napahagulgol at napasapo sa noo. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Kailangan ko na itong ilabas pero hindi ngayon.

"Anak may problema ba? Tumawag sa akin si Daryl isang bwan ka na raw hindi pumapasok sa school? Ano ba ang nangyayari sa'yo anak ah?" sabi ni mama at halata ko sa kanya ang pag-aalala.

"Ma wala naman. Masyado lang akong nagiging busy."

"Ba't umiiyak ka? Anong nangyari?"

"Ma saka na lang natin pag-usapan. Sige po ibababa ko na 'to," ipanatay ko na ang tawag saka ko ipinikit ang mata ko. Muling tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ko doon. May nakita naman akong mensahe kaya agad ko iyong binuksan.

Aking mahal:
Martin let's talk please?

Nakatitig lang ako sa mensaheng iyon at nagiisip kung rereplayan sya. Putang'na na bo-broken hearted din pala ang isang tulad ko? Siguro ito na ang karma ko sa mga panloloko ko sa mga babae. Pero bakit naman ganito kasakit?! Ginawa akong lanakip butas, sinaktan paulit-ulit, ginamit lahat na! Ang sakit! Bakit ba ganito ang nangyayari sa'kin?

"M-Martin," siguro nandito si my love from the star pero nanatili paring nakapikit ang mata ko.

"Martin kauspin mo 'ko," sabi pa nya pero hindi ko sya pinansin. Kinuha ko na lamang ang unan na katabi ko habang nakapikit saka iyon niyakap. Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya agad ko iyong pinunasan. Ayaw kong makita ang muka nya. Baka kapag nakita ko ang muka nya manghina na lang ako at maging maayos na ulit ang lahat. Hindi 'yon kadali para sa'kin.

"Martin tingnan mo nga ako, Martin naman mag-usap tayo!" sigaw ni Wendy. Umupo na ako at tumingin sa mata nya.

"Isang tanong isang sagot. Balak mo bang pakasalan si Lorenzo?" seryoso kong tanong.

"B-Bakit mo naman natanong 'yan—"

"Sagot."

"M-Martin hindi ko—"

"Diretsuhin mo ako! Balak mo bang pakasalan si Lorenzo?!" galit kong sabi.

"H-Hindi Martin! Kaya nga ako nandito para ipaliwanag sa'yo! Alam kong si Lorenzo ang nagsabi n'yan sa'yo kaya please 'wag kang maniwala sa kanya! Gusto nya lang tayong sirain para makuha nya ako sa'yo!" sabi nya. Napaiwas naman ako ng tingin at napamura. Kinuha ko kamay ni Wendy at may tiningnan doon.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya. Pero 'di ko sya pinanasin at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Napabuntong hininga na lang ako nang makita kong wala syang suot na singsing.

Salamat hindi totoo!

"Mahal mo nga ako," seryoso kong sabi.

Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko kaya nagiwas ako ng tingin. Bakit pakiramdam ko kapag nakikita ko syang ngumingiti nanlalambot ako? Bumibigay ako sa mga ngiti nya dahilan para mapatawad ko sya ng ganoon kabilis kaya hindi ko sya kayang tingnan ng diretso. Kapag ginawa kong tingnan sya ng matagal baka malusaw ang galit ko at halikan sya. Sya ang kahinaan ko.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon