Chapter 11: When The Party's Over

3 5 0
                                    

Chapter 11:
When The Party's Over

Warning: SPG












Nagising ako na magkayap parin kami ni my love from the star. Sa tingin ko nga sarap na sarap syang yakapin ako na para bang ayaw nya na akong pakawalan. Nakadagan parin sya sa akin at yakap-yakap ako. Dapat nga sya ang nasa ilalim ko eh bakit ba ako ang nasa under? Pero hayaan na basta sweet ang position namin ngayon. Niyakap ko pa sya ng mas mahigpit at dinama ang katawan nyang mainit. Sana ganito na lang lagi. 'Yung hindi nya ako sisigawan, babarahin, at sasampalin. Sana laging ganito. At kung panaginip man ito sana hindi na ako magising. Malaking paraiso na ito sa'kin. At sana makita na ni Wendy na seryoso talaga ako sa kanya. Ang sakit kase araw-araw na ipinamumuka sa'yo na hindi ka nya mahal, aasa ka lang, at magiging panakip butas ka lang. Nakakainis kase minsan si Wendy lagi na lang syang negative thoughts mabuti ba ako possitive thoughts ehehe.


Napatingin ako kay Wendy nang gumalaw ito. Kita ko naman na nakakunot ang noo kaya ang cute nyang tingnan. Naka-awang pa kase ng kaunti ang labi nya dahilan para magpigil akong halikan sya. Pero pwede naman kahit isa lang 'di ba? Hindi naman siguro sya magigising.

Hahalikan ko na sana sya nang bigla syang nagsalita "L-Lorenz please don't go. . . Lorenzo! Please. . . " kasabay naman no'n ang pagtulo ng luha nya at ang paghigpit ng pagkakayakap nya sa'kin. Hinaplos ko na lang ang ulo nya para pakalmahin sya. Talagang masyadong naapektuhan si Wendy sa Lorenzong iyon. Hayaan mo Wendy kapag nakita ko iyong Lorenzo na iyon aawayin ko iyon. Kung gusto mo pa'y papaluin ko pa sa pwet 'yon. At ikaw Wendy ko. . . Mamahalin kita ng lubos at sasaya ka na sa piling ko. Hindi ka na maghihirap sa Lorenzo na iyon. Tutulungan kita na makalimutan mo sya. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa pero tutulungan parin kitang makalimutan mo sya. Dahil mahal kita.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Wendy na gising na. Nakayakap parin sya sa akin at halata ko sa kanya ang gulat. Napabaligwas na sya sa pagtayo ay agad na nagtungo sa banyo. Samantalang ako ay lumabas na sa kwarto nya at nagtungo na sa sarili kong kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot ngayon. Dumaretso na lang ako sa banyo at naghugas ng muka. Nagpapogi muna ako sa salamin para masigurado ko na gwapo ako ngayong araw. Pero may napansin ako sa muka ko. Bakit ako may peklat sa gilid ng noo ko? Pahaba ito at hanggang sentido. May naka-away ba ako nitong nakaraang araw? Ah ewan makalabas na nga at makakain.

"Oh pre ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa naming hinihintay," bungad sa akin ni Arthur nang makaupo na ako sa harap ng mesa. Pansin ko nmana na nakahanda na ang mga pagkain kaya kumuha na ako at kumain.

"Ba't parang ang tahimik mo ngayon? May sakit ka ba?" tanong pa ni Arthur.

"Alam mo Arthur kumain ka na lang kesa naman dumaldal ka dyan. Wala ako sa mood ngayon," sabay subo ko ng pagkain. Ramdam ko na tiningnan ako ni Wendy kaya ako ay napatingin sa kanya agad din naman syang nag iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

"'Wag mong sabihin Martin, may nangyari sa inyo ni Wendy?" biglang sabi ni Oliver na ikinagulat ng lahat.

"Ano?! Hindi! Walang nangyari sa amin! Kumain na nga lang kayo d'yan! Nakakahiya kay ate Merrylyn!" suway ko.

"Ay, oo nga pala. Andito pala si ate Merrylyn," sabi ni Oliver.

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain ng walang nagsasalita. Nang matapos ako ay agad na akong tumayo at nagtungong muli sa kwarto. Ayaw ko na munang lumabas. Gusto ko na munang mapag isa. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Siguro nasasaktan ako dahil sa sinabi ni Wendy kanina. Kahit sa panaginip kase nya si Lorenzo parin ang hanap nya. Hindi ba pwedeng Martin naman ang banggitin nya sa panaginip nya? Napaka-unfair eh! Nag seselos ako! Nag seselos ako!



Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon