Chapter 27: My Anger

2 5 0
                                    

Chapter 27:
My Anger

Warning SPG! 😳







"Oh pre anong sinusulat mo? Bago mo na naman bang kanta?" Tanong ni Aione sabay upo nya sa tabi ko. Tama nga sya nagsusulat nga ako ng bagong kanta. No'ng isang bwan ko pa nga ito sinusulat kaso 'di ko matapos-tapos siguro kailangan ko ng magandang inspirasyon. Ang mahirap kase sa paggagawa ng kanta ay ang pag hahanap ng tono. Hindi mo alam kung ano ba ang maibabagay mo sa kantang ginawa mo. Dapat bagay sa lyrics at bagay din sa makikinig. Para kapag kinanta ko na ito sa harap ng mga tao ay wala na silang masasabi. Dapat pinag iisipan mo at ginagawan mo ng effort. Ang sabi nga nila dapat kapag nag gagawa ka ng kanta dapat may inspirasyon para maganda ang kalalabasan. Kaso hindi ako marunong gumamit no'n basta na lang ako gumagawa ng kanta. Kapag nagustuhan na ng mga kabanda ko 'yung tono at lyrics ng kanta ay saka ko na iyon ipaparinig sa maraming tao. Ganoon ang way ng pag gawa ko ng kanta.

"Pre hindi ko matapos-tapos 'to tulungan mo nga ako," sabi ko kay Aione.

"Aba ayoko nga, trip mo 'yan kaya ikaw ang tumapos n'yan," sabay alis nya. Walang hiya talaga ang gagong'yon ah, ano kaya kung tanggalin ko iyon sa banda?

Napagpasyahan ko na saka ko na lamang tatapusin ang kantang ginagawa ko dahil wala naman talaga akong maisulat. Wala rin namang natulong sa akin kaya ipapagpabukas ko na lamang ito. Kung pipilitin ko ang sarili ko na matapos 'to ngayon ay baka pumangit lang. Dumaresto ako sa cafe kasama si Oliver dahil nagugutom na ang gwapong si ako. Hindi kase ako kumain ng almusal kaya gutom na gutom na ako ngayon. Nasaan kaya si my love from the star at makahingi ng pagkain?

"Pre anong bibilhin mo?" tanong sa'kin ni Oliver.

"Pagkain malamang! Kaya nga tayo nandito eh!" pambabara ko.

"Tang'na ka talaga nagtatanong ng ayos eh! Ano nga?!"

"Chupageti ang akin. Alam mo naman na iyon ang paborito ko 'di ba?" umupo na ako sa bakanteng table. Samantalang si Oliver ay umalis para bumili ng pagkain. Inilabas ko na lamang ang cellphone ko para malibang. Paniguradong matatagalan pa si Oliver doon kaya mag lalaro na muna ako ng NBA. Nag MVP na nga ako kahapon ng dahil sa kagwapuhan kong gumawa ng three shots. Ginagaya ko kase ang lodi ko na si Stephen Curry bata pa kase ako idol ko na iyon kaya pinapangarap ko na makita ko sya sa personal. Labyo Stephen Curry!

"Oh, ang chupageti mo," nakita ko namang inilapag ni Oliver ang pagkain ko sa harapan ko kaya agad ko na iyong nilantakan. Ang daming cheese sa spaghetti ang sarap! Kasing sarap ko ayieeee!

"Aba pare, para kang bata kung kumain—" napatingin naman ako sa kanya at nakita ko syang nakatitig na ngayon sa likod ko. Siguro may tao kaya napahinto syang mag salita. Sino naman kaya ito?

Lumingon ako sa likod ko at gulat kong nakita si Griselle. Nakasuot sya ngayon ng uniform namin habang may dala-dala syang bag. 'Wag mong sabihin na dito na rin sya mag-aaral? Sinundan nya ba ako dito? Akala ko ba maayos na kaming dalawa? Akala ko ba hindi nya na ako guguluhin? Putangina kung kailan napakasarap ng kinakain ko eh, saka pa may gugulo! Tang'na chupageti 'to! Number one 'to para sa akin!

"G-Griselle. . . " umupo sya sa tabi ko pero nagulat na lamang ako nang bigla nya akong halikan. Napakabilis naman nito. Hindi pa handa ang gwapo eh!

"Putang'na wala na akong gana! Mga gago," padabog na umalis si Oliver habang dala-dala nya ang kanyang pagkain. Akala ko ba wala na syang gana? Bakit dala nya 'yung pagkain nya? Saka nakalimutan ko may gusto nga pala 'yun kay Griselle kaya nag dadabog.

"Teka lang Griselle, ano bang ginagawa mo dito ah? Bakit ka nandito? Bakit mo ako hinalikan?" galit kong tanong sa kanya.

"Hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng 'yon Martin. Ibinigay ko ang lahat sa'yo tapos ito lang ang gagawin mo sa'kin?" sabi nya. Nag iwas naman ako ng tingin saka ako tumayo.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon