Chapter 3: I Love This Mean Girl

31 5 0
                                    

Chapter 3:
I Love This Mean Girl





"Bro! Talent portion na susunod! Ano bang ipapakita mo? " aligagang tanong sa akin ni Sidney.

Ano kaya kung kumanta na lang ako? 'Yun lang naman ang kaya kong gawin.

"Nordel pahiram na lang ng gitara mo kakanta na lang ako," sabi ko sabay kindat ko sa kanya.

Kita ko naman na namula sya sa pagkindat ko kaya napatawa na ako. Ano bang meron sa akin bakit sila namumula kapag nilalandi ko sila? Ahaha mga maruropok. Siguro kung nagkataong babae ako hindi nila ako palalagpasin.

"Kakanta ka Martin? 'Yung iba naman! Palagi na lang 'yan ang nakikita ng mga estudyante sa'yo dito eh, ang gawin mo na lang 'yung maiimpress sila. 'Yung hindi nila maaasahan na gagawin mo 'yun, 'yung hindi pa nila nakikita. Para narin maimpress ang judges." sabi ni Greg.

"Oo nga para sure ball na manalo tayo sa contest na 'to. Nakasalalay dito ang electric guitar mo oh," pagsang-ayon naman ni Daryl.

"Eh, ang tanong ano nga ang gagawin ko? Wala naman akong kaalam-alam dito eh, hindi naman talaga ako bakla," sabi ko.

"Ganito. Umarte tayo pero ang kailangan isang lalaki lamang at isang babae ang sasama sa'yo sa pag-arte." suhestyon ni Nordel.

"Sino naman ang kukuhanin nating babae?" tanong ni Lux.

"Basta 'wag si Griselle. . . " Mabilis kong singit.

"Ay! 'Yun pa naman ang nasa isip ko! Bakit ba ayaw mo kay Griselle? Magaling 'yung umarte—"

"Basta ayaw ko okay? Tapos na 'yon!"

"Eh, pano na ngayon? Sino na ang kukuhanin natin?"


"Kahit sino na lang d'yan! Pero 'yung may istura naman ah! Baka naman basta na kayo kuha d'yan eh, muka namang linta," sabi ko.

"Sige, sige. Masusunod mahal na reyna ng kagubatan," sabay alis nila at ako naman naiwan mag-isa para hintayin silang makakuha ng magandang dilag.



Wala pang isang minuto ay nakabalik na ang tropa ng may ngisi. Senyales na mukang may ginagawang kalokohan. Kita kong tinatakpan nila ng panyo ang muka ng babae. Siguro gusto nila akong isorpresa.


"Mahal na reyna ng kagubatan narito na po ang inyong hinihiling na babae." sabi ni Aione na akala mo ay kawal ng mga palasyo kung mag-salita.

Dahan-dahan nilang tinanggal ang panyo sa muka ng babae. Nang makita ko na ang kabuoan ng muka ay nanlaki ang mata ko. Bakit si Griselle ang kinuha nila? Sinabi ko na sa kanila na 'wag si Griselle eh! Kaya pala ang laki-laki ng ngisi nila na halos kitang-kita na ang kanilang pink na gilagid.

Bigla na lang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Griselle sa CR. Grabe bakit ba napakadesperada ng babaeng 'yun sa'kin? Lagi n'ya na lang pinag sisiksikan ang sarili n'ya sa akin eh hindi ko naman sya gusto.

Muntikan ko nang ilagay ang kamay ko sa dibdib ni Griselle nang maalala ko ang sinabi sa akin ni mama na 'wag na muna daw akong mambababae. Agad kong itinulak si Griselle palayo kahit na gusto ko pa syang halikan.

"A-ano bang problema mo Griselle ah?! Bakit ka ba ganyan?!" sigaw ko sa kanya. 

"K-Kase m-mahal kita Martin! Mahal kita!" pag-amin nya habang nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko. Nagsasabi nga sya ng totoo.

"Pero hindi kita mahal," sa pagkakasabi kong iyon parang gumuho ang mundo nya.

"Pero bakit mo ako rin ako hinalikan?" bwisit naman oh.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon