Chapter 30: Lorenzo's Proposal

5 5 5
                                    

Chapter 30:
Lorenzo's Proposal






"Pre hindi ka ba papasok sa school? Halos isang linggo ka nang nakatambay sa kwarto mo. Broken hearted ka ba?" sabi ni Lux. Halata ko na handa na syang pumasok samantalang ako nakahilata parin dito sa kama at walang balak sa buhay. Lalabas lang ako dito sa kwarto ko kapag nagugutom ako. Hindi ko alam kung bakit ako nawawalan ng gana ngayon. Siguro nga broken hearted ako.

"Martin baka bumagsak ka sa semester na 'to bahala ka," sabi naman ni Conor at nakita ko syang nag sasapatos.

"Oo nga baka bumagsak ka, exam na natin sa isang bwan kaya tumayo ka na d'yan at magbihis tutal maaga pa naman. Balita ko may laban ka sa volleyball kaya tayo na!" hinila ako ni Aione patayo kaya napaupo ako sa kama.

"Putang'na Martin ang baho mo! Naliligo ka pa ba?! Tang'na kabaho ah," sabay layo sa akin ni Aione.

"Ikaw na nga lang ang nakikiamoy ikaw pa maarte! Bagong pabango ko 'yan ngayon!" tamad kong sabi.

"Pabango daw baka pabaho! Bilis maligo ka mamamatay ako sa amoy mo! Hindi ako tatagal sa'yo puta! Maligo ka!" tumayo na naman ako at nagtungo sa CR. Mabilis akong naligo at sinuot ang uniform ko. Paglabas ko ng kwarto nakita ko ang mga tropa ko na naghihintay.

"Ano tara na?" tanong ko.

"Bakit mabango ka na ba? Hindi ako nasama sa mabaho," masungit na sabi ni Aione.

"Lantakan kita d'yan!" sigaw ko.

"Puta mag aaway na naman kayo tara na nga!"

Pumunta na kami ng school at agad na umatend ng klase. Sa pagkakataong ito sineryoso ko na ang pag-aaral ko. Ako na ang pinakamataas sa quizzes o sa kung ano-ano pa. Kailangan kong mag habol para maging stable ulit ang grade ko. Baka barilin ako ni papa kapag bumagsak ako sa semester na 'to. Sundalong malupit pa naman 'yun.

"Martin anong nakain mo? Bakit ang talino mo ngayon? Maging bobo ka nga!" sabi ni Chase sabay tawa. Matalino rin kase ito pero wala paring tatalo sa katalinuhan ko.

"Para kang tanga Chase sige una na ako. May laban pa ako sa volleyball baka mapagalitan ako ni coach," pagpapaalam ko sabay alis. Dumaresto na ako sa gym matapos kong makapag bihis. Nakita ko ang mga ka-team mate ko na problemadong-problemado kaya lumapit na ako sa kanila.

"Anyare?" tanong ko. Napalaki ang mata ko nang sugurin ako ni coach.

"You're late! Pero Martin isasalang agad kita sa pangatlong set ng laro kaya be prepared. Kailangan nating makabawi," sabi ni coach. Napatingin naman ako sa score board at nakita kong tambak nga kami ng score ng mga kalaban. Kapag natambakan pa kami sa pangatlong set ay hindi na kami makakahabol kaya dapat galingan ko. Mabuti na lang at pumasok ako ngayong araw kun'di baka talo na ang team namin.

"Martin ikaw lang ang pag-asa namin kaya galingan mo," sabi sa akin ni Paulo.

"Pasikat naman 'yan bakit nyo pa aasahan 'yan?" napatingin naman ako kay Russell nang sabihin nya iyon. Anong sabi nya? Pasikat?

"Ano? Ikaw kaya ang maglaro do'n tingnan natin ang galing mo?! Lantakan kita eh!" sigaw ko. Napatingin naman sa akin si coach kaya ako ay napatahimik. Ganoon din naman si Russell kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay titigan ng masama si Russell.

"Umayos kayo," sabi ni coach sabay tingin nya ulit sa court.

Natapos na ang pangalawang set ay naglaro na ako. Ako ang nag serve ng bola sa kalaban. Sa una nakaiskor sila dahil hindi ko nahagilap ang bola pero sa pagkakataong ito sunod-sunod na ang score namin dahil nakakabisado ko na ang mga galaw nila. Pero may problema si Russell ginugulo ang laro kaya nakakaroon ng pagkakataong makaiskor ang kalaban. Kapag napupunta na kay Russell ang bola ay parang sinasadya nya na hindi iyon tamaan kaya nahuhulog sa sahig ang bola dahilan para makaiskor ang kalaban. Kung hindi nya aayusin ang paglalaro matatalo ang team.

"Russell! Come on!" sigaw ni coach kaya napatingin ako kay Russell. Kita ko sa muka nya na wala sya sa mood kaya kung maaari ay kukuhanin ko ang mga tira nya maipanalo lang ang laro. Ayaw kong magka-record ang UST na may talo sa volleyball kaya dapat galingan ko.

"Mine!" sigaw ko habang tumatapat ako sa bola pero bigla akong tinisod ni Russell kaya ako ay nawalan ng balanse kaya kasabay ko ang bola sa pagbagsak. Agad akong tumayo at sinapak sa muka si Russell. Kanina pa ito eh, nagpipigil lang ako. Ngayon hindi na!

"Putang'na ka ano bang problema mo?! Balak mo bang ipatalo ang team?!" sigaw ko sabay suntok ko sa kanya. Ginantihan nya naman ako kaya nasuntok nya ako sa muka.

"Masyado kang pasikat! Feeling mo naman ikaw ang pinakamagaling dito!" sigaw nya.

"Ginagawa ko lang ang papel ko tarantado ka!" pinigilan kami ng mga ka-team mate ko at pansin ko na nagbubulong-bulungan ang nga tao.

"Russell mag uusap tayo mamaya. And you Martin pakalmahin mo ang sarili mo. Pumunta ka na sa locker room at umatend ka na lang sa klase mo," sabi ni coach.

"Coach may laro pa—"

"Sinira nyo ang laro! Umalis ka na!" sigaw ni coach. Padabog naman akong umalis at nagtungo na lang sa locker room gaya ng sabi nya. Nagbihis na ako at nagtungo sa tambayan. Naupo ako sa ilalim ng puno at pumikit. Palagi na lang ba ako ang nakakapurwisyo? Tang'na ginagawa ko lang naman ang tama ah? Lagi na lang nilang pinamumuka sa'kin na mali ako! Oo na sila na ang tama at ako na ang mali!

Napamulat ako nang maramdaman kong may nakatayo sa harap ko. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko kung sino iyon. Tang'na bakit ngayon pa?! Ayaw kong makapatay ng demonyo ngayon.

"Gumawa ng eskandalo sa gym at natalo ang team. How great you are? Mahirap na nga wala pang kwenta," tumatawa nyang sabi. Napatikom naman ang kamay ko dahilan ng galit.

"By the way before i go pumayag na si Wendy sa proposal ko," napatayo naman ako sa sinabi nyang iyon.

"Hindi nya gagawin 'yon," inis kong sabi.

"Bakit hindi mo sya tanungin. She said she can't leave with you dahil hindi nya na kaya ang buhay na meron ka—"

"Tumigil ka hindi gagawin 'yun sa'kin ni Wendy!"

"Talaga? Anong tingin mo dito?" ipinakita nya sa akin ang kamay nyang may singsing. "Pakakasalan nya ako at ako ang pipiliin nya. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na—" sinuntok ko na sa muka. Nakakairita na. Paulit-ulit!

"Ano pa?! 'Yan lang ba ang ipagmamayabang mo?! Ang kayamanan mo?! Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Ako ang mahal ni Wendy at hindi ikaw!" sabay suntok ko ulit sa kanya.

"You're bastard!" sabay sapok nya sa panga ko.

"Papatayin kita! Tarantado ka! Hindi mo makukuha sa'kin si Wendy!" Bago pa ako makasuntok kay Lorenzo ay pinigilan na ako ng mga gwardya. Pinalabas nila ako sa school at samantalang ang kampupot na iyon ay ngiting tagumpay.

Hindi ako naniniwala na pumayag si Wendy sa katangahan na iyon.


🔸🔸🔸
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Please vote! 🙏😝

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon