Chapter 21: Help!

4 5 4
                                    

Chapter 21:
Help!





"Surprise my fiancee!" nakangising sabi ni Lorenzo.

"Mom! Dad what are you doing here? Sinundan nyo ba ako?!" sigaw ni Wendy. Napayuko naman ako dahil sa hiya at kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung ipatatanggol ko ba si Wendy o tatahimik na lang at manonood sa mangyayari. Lahat naman siguro nakakaramdam ng ganito kapag nakikita mo ang magiging mother-in-law mo. Nanginginig na ang kalamnan ko at parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

"Miracle ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pakasalan si Lorenz?! Answer me!" biglang sigaw ng mama ni Wendy kaya ako ay napalundag sa gulat. Nakita ko si Wendy na nanginginig na sa takot kaya muli kong hinawakan ang kamay nya. Napatingin naman ang mga magulang ni Wendy sa kamay naming magkahawak.

"Let your hands off her!" sabay hila ni Lorenzo kay Wendy palayo sa akin. Napayukom naman ako ng kamay ng dahil sa galit. Kailangan kong pigilan ang galit ko para sa magulang ni Wendy. Baka kase kapag nasapak ko pa 'tong si Lorenzo lalo lang sumama ang tingin nila sa akin. Baka isipin pa nila masama akong tao.

"Sasama ka na sa'min pabalik ng Manila Miracle at hinding-hindi ka na nakikipag kita sa lalaking 'yan," rinig kong sabi ng mama ni Wendy na mas lalong nakapag pakulo ng dugo ko.

"Mom! Ayoko! At mas lalong ayaw kong makasal sa lalaking 'yan!" sabay turo ni Wendy kay Lorenzo.

"Eh anong gagawin namin hayaan kang sumama sa pamilya ng mahihirap—"

"Teka lang ho ma'am, alam ko naman na hindi kami kasing yaman n'yo pero 'wag n'yo namang lalaitin ang pamilya namin. Wala naman ho kaming ginagawang masama kaya 'wag na 'wag n'yong lalaitin ang pamilya ko," pagsingit ko. Hindi ko na kase napigilan ang sarili kong sumagot masyado na kase akong nasasaktan sa mga pinagsasasabi ng magulang ni Wendy.

"Bastos karing bata ka eh 'no?! Tara na Wendy hinding-hindi mo na makikita 'yang lalaking walang modo na 'yan!" sabay hila ng mama nya kay Wendy paalis pero bigla akong napatingin sa kamay ko nang hawakan iyon ni Wendy. Ayaw nyang magpadala sa mama nya kaya kumapit sya sa kamay ko kaya hinila ko si Wendy palapit sa akin at tumakbo paalis.

"Wendy! Wendy!" rinig kong sigaw ng mga magulang ni Wendy pero patuloy lang kami sa pagtakbo. Napatingin ako kay Wendy nang bigla itong tumawa. Bakit pa sya tumatawa eh, napakakompikado na nga ng lahat?

Huminto kami ni Wendy sa isang tindahan at bumili ng tubig. Panay pa ang hingal namin ni Wendy at punas ng pawis. Medyo malayo-layo rin kase ang itinakbo namin ni Wendy kaya halos malagutan na kami ng hininga. Naupo kaming dalawa sa may gilid ng tindahan at tinititigan ang isa't-isa. Bigla naman kaming napatawa ng hindi malaman ang dahilan siguro nababaliw na kaming dalawa pero ang mahalaga hindi sya naisama ng mga magulang ni Wendy pabalik ng Maynila. Baka kase hindi na kami magkita kapag sumama sya sa mga magulang nya.

"Martin pasensya na kung napagsalitaan ka ng gano'n ni mom. Pati tuloy sina tita at tito nadamay," biglang sabi ni Wendy.

"A-ayos lang ang mahalaga nandito ka parin sa tabi ko. Hindi ako papayag na makuha ka nila sa akin," sabi ko. Niyakap naman ako ni Wendy kaya mas lalong gumaan ang loob ko.

"Napaka-sweet naman ng girlfriend ko ah," sabay higpit ko ng pagkakayakap sa kanya pero bigla lang akong nakaramdam ng kurot.

"Tumigil ka kun'di tatapyasin ko'yang labi mo."

"Opo," tumayo na kami ni Wendy at sabay na naglakad sa kalsada. Hindi parin natatanggal ang kamay ni Wendy sa kamay ko kaya hindi parin napapawi ang ngiti sa labi ko. Kinikilig kase ako feeling ko first time pa lang 'tong nangyayari sa akin. Hindi naman ako dalaga para kiligin pero hindi naman ito mapipigilan eh, lahat naman ng tao kinikilig. Mabuti na lang at hindi ako bakla.

Bigla kaming napahinto sa paglalakad nang may humarang sa aming babae. Maputi ito, mahaba ang buhok, at kasing tangkad ni Wendy. Minasdan ko naman ang muka nya kaya nakilala ko sya. Tang'na bakit nandito 'tong babaeng 'to? Akala ko ba wala na 'to dito? Hindi pa ba sila nakakalipat ng bahay? Mukang tulfo na 'to.

"A-Aciey," sabi ni Griselle sabay tingin nya ng masama kay Wendy. Napakunot naman ang noo ko ng dahil sa ipinapakitang attitude ni Griselle.

"Martin kilala mo ba sya?" tanong ni Wendy.

"H-Hindi," sagot ko. "Tara na." nilampasan na namin si Griselle ngunit muli itong humarang. Ano bang problema nito at harang na lang 'to ng harang? Gusto ko ng umuwi eh, ihing-ihi na ako eh.

"Hindi mo 'ko kilala Martin? Matapos mong makipag sex sa'kin ganyan lang ang itatrato mo sa'kin?!" napalaki naman ang mata ko sa sinabi ni Griselle.

"A-ano bang sinasabi mo?!" sigaw ko sabay tulak ko sa kanya.

"Martin!" napatingin ako kay Wendy nang isigaw nya ang pangalan ko. Nakita ko syang galit na galit na at masamang nakatitig kay Griselle.

"Tara na Martin," sabay hila sa akin ni Wendy paalis pero biglang hinawakan ni Griselle ang kamay ko kaya bigla kaming napahinto.

"'Wag kang sumama sa kanya," seryosong sabi ni Griselle. Pero nagulat na lang ako nang biglang sampalin ni Wendy si Griselle. Inilayo ko naman agad si Wendy kay Griselle para hindi na humaba pa ang kaguluhan.

"How dare you to touch him! Iskandalosa!" sigaw ni Wendy kaya hinila ko na sya patungo sa likod ko.

"Ano ba?! Tumigil ka na!" sigaw ko kay Griselle sabay hawak ko sa kamay nya.

"N-Nasasaktan ako!" sabi nya.

"Pwes umalis ka na!" Sabay tulak ko sa kanya kaya sya ay napaupo sa kalsada. Kita ko naman ang luha sa mata nya pero wala akong pakealam. Si Wendy ang mahal ko at hindi sya kaya 'wag nya ng ipagpilitan ang sarili nya sa'kin. Mas lalo lang syang masasaktan sa ginagawa nya.

Umalis na kami ni Wendy at iniwan si Griselle na tulala habang umiiyak. Dumaresto na kami ni Wendy sa bahay para makapag pahinga ng ayos. Hindi parin ako iniimikan ni Wendy at mukang galit parin sya sa nangyari. Ayaw nya kase akong pansinin at ayaw nyang hawakan ko 'yung kamay nya. Kasalanan 'to ni Griselle eh, kung hindi na lang ba naman sya umeksena edi sana hindi kami nag aaway ngayon! Bakit pa kase 'yun umekstra?

"Martin, sino 'yung babaeng 'yun? Bakit ka nya kilala? Bakit nya sinasabi na may nangyari sa inyong dalawa? Sino ba sya para sa'yo?! Ano mo ba sya?!" galit na tanong sa akin ni Wendy na ikinagulat ko. Napalingon naman sa amin sina mama at papa pero mas pinili na lang nilang umalis para bigyan kami ng espasyo.

"Ang aking bitwin naman nag seselos na. Hayaan mo ikaw naman ang mahal ko," sabay yakap ko sa kanya pero itinulak nya lang ako palayo.

"Sagutin mo ang tanong ko?!" sigaw nya kaya napakamot ako ng ulo. Ano ba ang isasagot ko sa kanya? Na si Griselle ang dati kong kalandian sa kama at kautuan noong high school pa lang ako? Mukang hindi naman magandang sagot 'yon. Tulungan nyo 'ko!





(๑♡⌓♡๑)
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Vote Mind Readers! Labyo!

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon