Chapter 1: The Gay Contest

20 6 0
                                    

Chapter 1:
The Gay Contest

"P-please be gentle" Iginapang ko ang kamay ko sa kung saan mang parte ng katawan nya.

"A-Ah A-Aciey!" Pagdaing nya. Hindi ko alam na mangyayari 'to sa amin.  Siguro apekto na lang 'to ng alak.

"Ang sarap mo. . ." sabay halik ko sa kanya.

"Shit! I'm cumming!" Tumigil na muna ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Bago ko sagutin ang tawag ay tumingin muna ako kay Giselle at kita kong naghahabol sya ng hininga at pawisan na tulad ko.

"W-why did you stop?" Nginitian ko na lamang sya at kinuha ang cellphone kong kanina pang tumutunog.

"Hello?" lasing kong pagkakasabi.

"Jusmiyo Martin! Nasaan ka na ba?! Anong oras na hindi ka pa umuuwi?! Lintik ka talagang bata ka pinag-aalala mo kami ng papa mo!" bungad na sermon sa'kin ni mama. Ginapangan naman ako ng kaba kase hindi ko alam ang isasagot ko. Kapag kase sinabi ko sa kanila na nasa bahay ako ng tropa ko panigurado mapapagalitan na naman ako.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Hay 'wag ka nang mag alala ayos lang ako. Saka andito lang—" lagot na!

"Martin! Umuwi ka na! Alam ko na ang ginagawa mo! May babae ka na naman! Lintik kang bata ka manang-mana ka talaga sa ama mo! Umuwi ka na dito kung hindi—"

"Oo na! Papunta na. . . Sige i love you! 'Wag ka nang magalit ah?" sabi ko, alam ko kase ang kahinaan ng nanay ko ang matamis na i love you ko. Kapag nasabi ko na iyon sa kanya ay mababawasan na ang pagkainit ng ulo nya kaya ang lakas ko talaga.

"Umuwi ka na!" sabay putol na ni mama ng tawag.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pinulot lahat ng damit kong naglat sa sahig. Kita ko namang umupo si Griselle sa kama.

"Kailangan ko nang umalis," sabi ko nang makatapos na akong makapagbihis.

"Sino 'yun?" garalgal nyang pagkakatanong. Siguro akala nya may iba akong babae? Tsk! Hindi ko na lang sya pinansin at dalidaling lumabas ng kwarto. Kapag kase sinabi ko na nanay ko 'yun eh, baka isipin nya na mama's boy ako. Nakakahiya naman kung gano'n.

Nadatnan ko naman ang tropa ko na nakikipag make out na sa mga babae nila pero maliban lang kay Oliver. Medyo may pagkamasungit kase 'tong si Oliver kaya hanggang ngayon virgin pa rin. Lumapit ito sa'kin saka nya ako binatukan sa ulo.

"Anong problema mo?" inis kong sabi sa kanya.

"Uuwi ka na?" tanong nya pero bago ako sumagot ay binatukan ko na muna sya bilang ganti.

"Oo uuwi na ako, tumawag na ang nanay kong raper."

"Sige ingat, ihanda mo na lang ang sarili mo panigurado susuko 'yang tenga mo kay tita."

"Sige una na ako," sabay lakad ko paalis.

Nakakalimang hakbang pa lamang ako ay muli kong nilingon si Oliver para magtanong kung saan ang daan palabas ng bahay. Medyo may kalakihan din kase itong bahay nila kaya sana lahat. Pero sa hindi inaasahan nakita ko si Oliver na pumapasok sa kwarto na kung nasaan si Griselle kaya nawalan na ako ng pagkakataon para magtanong. Bahala na kung maliligaw.

















MAKARATING na ako sa tapat ng bahay namin ay nakita ko agad si mama sa balkon na nakahalukipkip. Napangisi na lang ako kase hanggang ngayon baby parin ang trato nila sa'kin. Nagsimula na akong maglakad kahit pagewang-gewang. Napahawak na lang ako sa pader ng bahay namin at agad akong nakaramdam ng sampal mula kay mama.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon