Chapter 41: Plan A

3 3 0
                                    

Chapter 41:
Plan A







Nalulungkot ako sa sarili ko dahil nabalitaan kong nagkaroon na ng trabaho si Wendy. Kung maayos lang sana kami edi sana naco-congratulate ko sya ngayon. Na mi-miss ko na sya. Nasasabik na ako sa mga yakap at halik nya lalo na ang pambubugbog nya. Gusto kong maging akin sya ulit. Gusto kong ako lang ang nakakahawak ng kamay nya. Gusto kong ako lang ang hinahalikan nya. Gusto kong ako lang ang nakakasama nya. Gusto kong ako lang ang mahal nya. . . . Gusto ko ako lang! Pero bakit may asungot!!!! Tangina namang buhay 'to. Kung pwede lang akong pumatay ng tao ang una kong papatayin ay ang kampupot na iyon para wala na akong problema sa buhay.

Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at lumabas ng kwarto. Nang malapit na ako sa kusina ay napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Theo. Nagtago ako sa likod ng pader at sumilip ng kaunti sa para makita ang ginagawa nila. Mukang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil lahat sila naandoon at ako lang ang wala. Pinakinggan kong mabuti ang sinasabi ni Theo dahil mukang ako ata ang topic nila.

"Hanggang kelan natin itatago 'to kay Martin? Kailangan nya nang malaman ang totoo," sabi ni Theo.

"Theo hindi pa dapat ngayon. Masyado pang komplikado ang lahat. Marami pa syang pinoproblema. Isipin na muna natin ang nararamdaman nya bago tayo dumagdag," rinig kong sabi ni Daryl.

"Palala na ng palala ang sitwasyon Daryl! Tayo rin ang maiipit dito kapag hindi pa natin sasabihin!"

"Tama si Theo, Daryl. Baka kapag hindi pa natin sinabi kay Martin baka lumalayo pa ang loob nya sa'tin." Wow naman Aione lalayo talaga?

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nagpakita sa kanila. Nakita ko naman ang gulat sa kanilang muka kaya mas lalo akong nagtaka. Ano ba ang kailangan nilang sabihin sa'kin? Bakit lagi nilang binabanggit ang pangalan ni Eillish? Sino ba talaga sya sa buhay ko?

"K-Kanina ka pa d'yan Martin?" tanong ni Lux.

"Ah oo kanina pa. Ang totoo nga nyan nakatago lang ako d'yan sa likod ng pader. Banda dito oh," sabay turo ko sa pader na nasa likuran ko. Isa-isa naman silang napalunok kaya napakunot ang noo ko.

"Martin may kailangan kang malaman. . . " kabadong pagkakasabi ni Theo.

"Theodore 'wag!" rinig ko namang bulong ni Greg.

"Ano ang kailangan kong malaman? Sino si Eillish?" tanong ko na ikinalaki ng mata nila.

"Si Eillish? Ahmm. . .  May utang ka kaseng isang libo doon baka kase nakakalimutan mo kaya pinapaalala lang namin sa'yo kaya umalis na dito at baka malantakan pa kita," sabi ni Lux.
















NANDITO AKO NGAYON sa kwarto ko at nag-iisip kung ano ang makakain. Medyo kumakalam na ang sikmura ko at naaamoy ko narin ang niluluto ni Aione kaya lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita kong adobong manok ang niluluto ni Aione kaya naupo na muna ako sa harap ng mesa para maghintay. Nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sa akin. Pagkita ko ay si Arthur napalaki naman ang mata ko dahil sa tinagal-tagal ng panahon ngayon na lang sya nagpakita. Agad kong hinawakan ang kanyang muka na at braso at tiningnan kung totoo sya.

"Tumigil ka nga Martin. Nagmumuka kang tanga sa ginagawa mo," aniya. Tumigil nga naman ako at naupo ng maayos.

"S-Saan ka ba nanggaling?! Bakit hindi ka na nagpapakita sa'min? Bakit—" bigla nyang tinakpan ang bibig ko saka sya nag-salita.

"Kailangan nyong umalis sa building na 'to maliwanag? Iempake mo na lahat ng damit n'yo at umalis na kayo—" tinanggal ko ang kamay ni Arthur sa bibig ko at nagsalita.

"Bakit mo naman kami pinapaalis dito ah? Ang sarap-sarap tumira dito tapos paaalisin mo lang kami? Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo Arthur ah?" sunod-sunod kong tanong sa kanya na ikinairita nya.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon