Chapter 17: Moon

5 4 1
                                    

Chapter 17:
Moon



"Mine!" sabay spike ko sa bola kasabay no'n ang pagtatapos ng laro. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mga ka-team mate ko. Siguro sayang-saya sila dahil naipanalo ko ang laro kahit na natambakan na. Nabasa ko kase ang kahinaan ng kalaban kaya naipanalo ko ang laro. Kulang kase sila sa bilis kaya ang dali lang nilang talunin. Bata pa kase ako nag vo-voleyball na ako kaya expert na ako.

"Ang galing mo talaga Martin!" puri sa'kin ng isang ka-team mate ko.

"Salamat," sabay ngisi ko. Napalingon naman ako sa mga fans ko ng isigaw nila ang gwapo kong pangalan.

"Love you Martin!" sigaw nila. Agad ko naman silang nginitian bilang pagbati. Umalis na ako sa court at dumaretso na sa locker room para mag bihis. Naiinitan na kase ako at naiirita na sa pawis ko. Hinubad ko na ang t-shirt ko at kumuha ng panibago. Isusuot ko na sana nang nay kumalabit sa'kin. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Den.

"Martin, may extra ka ba d'yang t-shirt? Naiwan ko kase 'yung akin sa bahay," aniya habang nagkakamot ng ulo.

"Wala. Pero pwede mo naman 'tong hiramin." sabay bigay ko sa kanya ng t-shirt kong isusuot ko na sana kanina. Agad nya naman itong kinuha at sinuot.

"Salamat pre. Balik ko na lang bukas!" sabay alis nya.

Napasapo naman ako sa noo ko kase wala na akong maiisuot na malinis na damit. Siguro manghihiram na lang ako ng t-shirt kay Conor tutal palagi naman 'yung may dalang damit. Lumabas na ako ng locker room kahit na walang suot na damit. Tanging jersey short lang ang suot ko kaya bahala na 'yung mga babaeng makakasalubong ko. 'Wag sana silang mahimatay sa abs ko.

"Kyaaa! Martin!" tili ng babaeng nakasalubong ko kaya nginitian ko na lang.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko si Wendy. Gulat syang nakatingin sa akin habang naka-awang ang kanyang bibig. Agad na akong nag patuloy sa paglalakad kase medyo giniginaw na ako. Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo sa gawi ko si Wendy at niyakap nya ako.

"Bakit ka nakahubad?" tanong nya.

"Ano naman sa'yo?" tatanggalin ko na sana ang kamay nyang nakayakap sa katawan ko nang higpitan nya ang pagkakayakap nya.

"Pero may pakealam ako sa'yo! Mag suot ka nga ng t-shirt!" sigaw nya.

"Pa'no kung ayaw ko?" seryoso kong pagkakasabi.

"Ayaw mo?" tanong nya sabay bukas nya ng bag nya at may inilabas na t-shirt. Mukang t-shirt nya pa ata ito. Kulay pink pa kase at may puso pa sa gitna.

"Isoot mo!" sabay bigay nya sa'kin ng damit nya.

"Hindi 'to kasya sa'kin. Baka 'pag sinoot ko 'to parang naka-crop top lang ako—"

"Basta isoot mo!" sigaw nya sa'kin. Isinuot ko na naman ang t-shirt kahit na ayaw ko. Napatawa pa nga sya nang makita nya ang itsura kong suot ko na ang damit nya.

"Ang cute mo!" biglang sabi nya habang tumatawa. Nahiya naman ako at nag iwas ng tingin. Cute daw ako.

Hinubad ko na naman ang t-shirt nya kase hindi ako komportable. Ibinigay ko na sa kanya iyon at umalis na. Akala nya nakakalimutan ko na 'yung ginawa nya? Tch! Matapos nyang saktan ang gwapo kong puso pagtatawanan nya lang ako?

"Hoy Martin! Saan ang punta mo?" sigaw nya.

Makarating ako sa room ay agad akong sinalubong ng tili ng mga babae. Dumaresto na ako sa mga tropa kong kumpol na kung kung mag usap. Ramdam ko pa na sinusundan ako ni Wendy pero hindi ko na lang sya pinapansin. Bahala sya d'yang mapagod kasusunod sa'kin.

"Oh Martin anong palabas 'yan?" bungad na tanong sa'kin ni Lux.

"May extra ba kayong t-shirt? Katatapos lang kase ng laro ko," saad ko.

"Aba itong si Oliver meron," sabi ni Aione. Agad namang ibinigay sa akin ni Oliver ang t-shirt nya kaya agad ko na iyong sinuot. Medyo fit pa nga sa akin ang t-shirt ng dahil sa laki ng katawan ko dahilan para bumakat ang abs ko.

"Aba bakat na bakat ah?" sabi ni Nordel sabay tawa nilang lahat.

"Teka, teka andyan pala ang my love from the star mo ah, ba't hindi mo pinapansin?" napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Wendy na seryosong nakatitig sa akin.

"Andyan ka pa pala?" tanong ko. Halata ko naman na naasar sya sa sinabi ko pero nanatili lang na nakatikom ang bibig nya.

"M-Martin pwede ba tayong mag-usap?" tanong n'ya.

"Ano namang pag uusapan natin? Tungkol ba sa kasal nyo ni Lorenzo o tungkol sa invitation?" sabay tawa ko.

"M-Martin kahit sandali lang," sabay iwas nya ng tingin. Tang'na ang hirap palang ganituhin si Wendy. Mas lalo akong nasasaktan kapag binabalewala ko sya. Alam kong galit ako sa kanya dahil sinaktan nya ako pero hindi ko naman ata kaya na sya naman ang sasaktan ko. Nasaktan na nga sya sa ex-boyfriend nya tapos sasaktan ko naman sya?

Kinuha ko ang kamay nya at hinila palabas ng room. Dinala ko sya sa walang taong lugar saka ko naman sya hinarap.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Martin alam kong ang awkward ng sasabihin ko pero ang mahalaga nasabi ko," panimula nya. "Hindi ako pumayag sa proposal ni Lorenz kahit pa pinilit ako ng mga magulang ko," aniya.

"Bakit mo 'to ngayon sinasabi sa'kin?"

"B-Because i like you Martin!" sabay iwas nya ng tingin. Agad namang sumilay ang malaking ngisi sa labi ko pero agad korin naman iyong pinawi. Baka kase makita ako ni Wendy at sabihin nyang kinikilig ako.

"Tapos?" napalingon naman sya sa akin nang masabi ko iyon.

"What the fuck?! Ganyan lang ang sasabihin mo matapos kong mag confess sa'yo?! How great you are?!" sabay palakpak nya. "Sana pala pumayag na ako sa proposal—" agad ko syang niyakap at hinalikan sa labi.

"Gusto mo na pala ako eh, bakit hindi pa maging tayo?" nakangiti kong sabi.

"No. Court me first," sabay ngiti nya.

"Ligaw na naman? Tagal na kitang nililigawan ah? Pero sige payag ako. Sulit din naman kapag nakuha ko na ang oo mo. Lalo na sa altar sulit na sulit!" sabay higpit ko ng pagkakayakap sa kanya para mas lalong madikit ang katawan nya sa'kin.

"You're so crazy! Pero in fairness bumalik na 'yung my love from the moon ko," sabay subsob nya ng muka nya sa dibdib ko. Siguro nahiya.

"My love from the ano? Ulitin mo kinikilig ako!" sabi ko.

"Para kang tanga! D'yan ka na nga at simula na ang klase ko!" sabay takbo nya paalis. Samantalang ako dito naiwang nakangiti dahil sawakas malapit na syang mapasa'kin! Bwahaha sana hindi 'to panaginip!




*****
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Please vote ayiieee! (๑´•.̫ • '๑)

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon