Chapter 43: How Long

8 3 0
                                    

Chapter 43:
How Long











If this breakup was a race
You'd win by a landslide
And I'd be tying my shoes back by the start line
You thought maybe I'd be happy just to see you pass

Nakatulala lang ako ngayon sa kaisa-isang halamang inaalagaan ko at nakikinig ng musika. Apat bwan na rin ang nakalipas simula no'ng magkausap kami ni Wendy. Pilit kong iniiwasan na makita sya o kaya naman makausap sya dahil alam ko sa sarili ko na pinahihirapan ko lang ang sarili kong maibalik sya. Pakiramdam ko kase ako ang nagpapahirap ng buhay nya. Kaya mas mabuti na lang na ganito. 'Yung wala ng problema.

"Martin! Martin!" rinig kong sigaw kaya agad kong tinanggal ang headset sa aking tenga.

"Kanina pa kitang tinatawag eh," surang sabi ni Elmo sabay upo nya sa tabi ko.

"Sorry naka-headset kase ako."

"Naka-headset ka na naman tch, pumunta ka nga lang doon sa room 201 kailangan ng assistant ni doc doon. " sabi nya kaya ako ay tumayo na.

Pagkarating ko sa kwartong iyon ay nakita kong nagwawala ang pasyente at mukang ayaw uminom ng gamot. Agad ko namang hinawakan ang kamay ng pasyente para pakalmahin.

"K-Kuya natatakot po ako. . . " sabi ng bata kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"'Di ba sabi ko sa'yo ang big boy hindi na natatakot?" agad naman syang napatango.

"Kaya inumin mo na 'tong gamot para lumaki ka ng gwapo tulad ko, " sabay bigay ko sa kanya ng gamot na agad nya namang tinanggap.

"Mapait po kuya Martin, tapos lahat pa po kayo dito nakatingin sa'kin kaya nahihiya po ako. "

"Basta inumin mo na lang 'yang gamot para matapos na, kapag hindi mo 'yan ininom lalaki ka ng pangit gusto mo ba 'yon? "

"Ayaw po. . ." sabay inom nya.

"Ayan good!" sabay tayo ko at dumiretso kay doc.

"Mabuti at napapasunod mo na ang batang 'yan Martin dahil malaki na ang pinagbabago nya. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo at sa susunod na linggo ay baka maari na syang lumabas ng ospital kaya medyo magiging madali na ang trabaho mo." sabi ni Doc kaya napangiti ako sa tuwa. Mawawala na rin ang maarteng bata na'to dito.

"Sige po doc. . ."

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad na papuntang locker room. Pero bigla na lang akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko na pinaguusapan ng mga kababaihan sa hindi kalayuan.

"Nakita mo na ba si nurse Martin?" sabi ng isang matangkad na babae

"Sinong Martin?" tanong ng kanyang kausap.

"Grabe hindi mo pa nakikita?! Sya 'yung bagong nurse na gwapo! 'Yung kinasusurahan ni Elmo. "

"Ah oo, balita ko pa nga may kaibigan din 'yang dito din nagtatrabaho. Gwapo nga din eh nakita ko, " kinikilig nya pang pagkakasabi.

"Anong pangalan?!!"

"Theodore Roosevelt, no'ng nakita ko nga 'yun parang manlalaglag na ang panty ko sa kagwapuhan nya. " Wow ah, paano naman ako? Ano ang malalaglag sa inyo kapag nakita n'yo ako?

"Hindi, mas gusto ko kay Martin. Ang lakas ng appeal nya girl! May girlfriend na kaya 'yon? "

Umalis na ako bago pa nila ako makita. Baka sapilitan na naman nilang kuhanin ang cellphone number ko. Noong nakaraan kase may dalawang babaeng lumapit sa'kin para makipag kilala tapos bigla na lang nilang kinuha ang cellphone ko para kuhanin ang cellphone number ko. Ang hirap talagang maging gwapo pinagkakaguluhan ng mga babae.


Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon