Chapter 18: Allergic

3 5 0
                                    

Chapter 18:
Allergic






Kanina pa akong naglalakad at palingon-lingon sa paligid. Hinahanap ko kase si Wendy. Nabalitaan ko kase na may ibibigay sya sa akin tapos ngayon hindi ko naman sya makita. Ano ba kase talaga mag lalaro ba muna kami ng tagu-taguan bago nya ibigay sa'kin ang regalo n'ya? Ay gusto ko 'yan. Mahilig pa naman akong mag laro ng tagu-taguan. Saka sa susunod na linggo ay wala na kami pasok dahil busy lahat ng mga professor namin. Ewan ko lang kung gano'n din sina Wendy.

Pumasok ako sa room ni Wendy at pinagmamasdang mabuti ang paligid. Wala dito si Wendy ko maka-alis na nga! Nasaan na ba kase 'yung babaeng 'yon? Halos mag iisang oras na akong umiikot dito sa building nila! Makakain na nga laang at ako'y ginugutom na! Bwisit na tagu-taguan 'yan!

"Oy pre sa'n ka galing? Ba't pawis na pawis ka? Nag ano ka 'no?" sabi ni Nordel sabay tawa nya.

"Gago! Hinahanap ko kase si my love from the star nakita nyo ba?" tanong ko sabay halbot ko ng sandwich sa kamay ni Greg at kinain iyon.

"Bili-bili din 'pag may time!" surang sabi ni Greg.

"Hoy pre parang nakita ko si Wendy doon sa field puntahan mo," sabi ni Conor kaya ako ay napabaligwas na sa pagtayo. Isinubo ko na naman kay Greg ang natira kong sandwich saka umalis.

Sawakas at makukuha ko na ang regalo ko sa kanya! Makakapag harutan na ulit kami! Grabe gaano ko kaya sya ka-miss at ganito ako kasabik makita sya? Feeling ko kase may magandang mangyayari ngayon. Feeling ko sasagutin nya na ako! Ay sana nga!

Makarating ako sa field ay napakunot ang noo ko nang makita ko si Wendy na may kasamang lalaki. Nakaupo sila sa bench at naguusap kaya lumapit ako ng konti sa kanila. Saka ko lang napagtanto na si Lorenzo iyon. Halata ko na nanggigigil na si Wendy pero pinipigilan nya iyon.

"Bakit 'yun pa ang pinili mo? Siguro naman alam mo kung anong mangyayari kapag nalaman 'to ng mga magulang mo? Mas lalo ka lang nilang pipilitin na mag pakasal sa'kin," rinig kong sabi ni Lorenzo.

Pinag uusapan ba nila ako?

"Pero hindi na kita mahal. Kahit na ano pang gawin mo si Martin parin ang mahal ko! Kaya pwede ba 'wag ka nang manggulo?! At kung tutol man sina mom at dad wala parin naman silang magagawa!" sigaw ni Wendy.

"Tch! Mahal? Mahal mo 'yung mahirap na 'yun?! Seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo o nag bibiro ka lang?" sabay tawa ni Lorenzo. Lintik talagang Lorenzo na 'to walang araw na hindi ako nilalait. Ano bang masama kung mahirap ako? Gwapo naman.

"Umalis ka na!" sigaw ny Wendy.

"Just remember the deal Wendy. If you don't leave Martin i tell your mom and dad that you have a relation with Martin, alam mo naman kung ano ang mangyayari kapag sinabi ko 'di ba?" sabay ngisi ni Lorenzo.

"Then tell them!"

"Tingnan na lang natin kung makita mo pa 'yang Martin mo," sabay alis ni Lorenzo. Napahinto pa nga sya sa paglalakd kase nakita nya ako. Binigyan nya ako ng nakakasurang ngisi saka umalis. Lumapit na naman ako kay Wendy at naupo sa tabi nya. Naabutan ko naman syang nakatulala habang may luhang tumutulo sa pisngi nya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Nagulat naman sya at agad na pinunasan ang luha nya.

"O-Oo. . . Ayos lang ako—" agad ko syang niyakap at bumulong sa tenga nya.

"'Wag mong sabihin na ayos ka lang kahit na hindi naman. Mas lalo mo lang dina-dagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Kaya ilabas mo na 'yan kesa naman ipunin mo ng ipunin," bulong ko. Napahagulgol naman sya habang nakasubsob sya sa dibdib ko.

"Hush, 'andito lang ako. Shh," sabay haplos ko ng buhok nya. Humigpit naman ang pagkakayakap nya sa'kin.

"M-Martin i'm sorry. . ." aniya.

"Shh, 'wag kang mag-sorry. Ako pa nga dapat ang nagso-sorry sa'yo eh,"

"'Wag mo 'kong iiwan ah? Dito ka lang sa tabi ko," sabay layo nya sa'kin at umayos ng pagkakaupo.

"Dito lang ako sa tabi mo kung hindi mo ako iiwan," sabay ngiti ko.

Tumayo na kami ni Wendy at naglakad patungo sa cafe. Gutom na gutom na kase ako. Hindi pa kase ako nakakakain ng tanghalian kaya nanginginig na ang kamay ko sa gutom. Anong oras narin kase kaya ako nagkakaganito.

"Martin oh, kumain na tayo," ay salamat!

Nilantakan ko na ang pakain na ibinigay sa akin ni Wendy kase gutom na gutom na talaga ako. Pero nung malapit ko nang maubos ang pagkain ay nakaramdam ako ng pangangati sa leeg at muka. Binalewala ko na lang iyon kase ang sarap-sarap ng kinakain ko.

"Martin bakit kamot ka ng kamot sa leeg mo? Tingnan mo namumula na ang balat mo," biglang sabi ni Wendy kaya napatingin ako sa braso ko. Namamaga ito at may pantal-pantal na.

"W-Wendy, anhong pagklen 'toh?" Oh shit! Namamaga na ang dila ko! Namamanhid narin ang labi ko! Ano ba 'tong pinakain sa'kin ni Wendy? Hindi na tuloy ako makapag salita ng ayos.

"Hala Martin okay ka lang?! Namamaga ang buong muka mo!" sigaw nya kasabay naman no'n ang pagbigat ng paghinga ko.

"W-Wendy! A-anong pagkain 'yun!" hirap kong pagsasalita at sinubukan kong hindi mabulol.

"Adobong baboy bakit?" oh shit!

"A-Allergic ako do'n! Ah!" sigaw ko sabay kamot ko ng buong katawan ko. Napatingin naman sa akin ang mga estudyante at ang iba pa ay sumisigaw.

"May zombie!" sigaw nila. ANONG ZOMBIE?! KAGATIN KO KAYO D'YAN EH!

"A-Anong gagawin ko?!" sigaw ni Wendy.

"C-Choc. . ." hirap kong pagsasalita.

"Ano chalk?" kunot noo nyang ulit. Putang'na naman oh, hindi chalk! Nakita ko si Wendy na kinuha ang cellphone ko at may tinawagan doon. Mayamaya pa ay dumating na ang mga tropa ko na may dalang chocolate. Ayan! Chocolate ang ibig kong sabihin hindi chalk! Mabuti na lang at nandito ang mga tropa ko.

"Martin oh!" sabay bigay sa'kin ni Theo ng isang bar ng chocolate. Agad ko naman iyong kinain. Medyo nababawasan ang kati sa katawan ko kaya isinubsob ko na ang muka ko sa mesa para matulog. Kapag inatake kase ako ng allergic at nakakain na ako ng chocolate ay matutulog na ako para mawala ang pamamaga ng katawan ko. 'Yun lang kase ang paraan para gumaling agad.

"Martin! Martin okay ka na ba?" rinig kong tanong ni Wendy pero hindi ko na sya sinagot at natulog na lang. Bwisit na baboy 'yon papatayin na naman ako!


*****
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Please vote! ಥ_ಥ

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon