Chapter 8: Eight

5 5 8
                                    

Chapter 8:
Eight











Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon wala parin akong sex. Ang sabi kase ni MY LOVE FROM THE STAR kung seryoso daw ako sa kanya ay tanggalin ko na daw ang pagka-play boy ko. Gaano kahirap 'yun? SOBRANG HIRAP! At hindi lang 'yun! SOBRANG HIRAP nya ding ligawan! Napaka-arte nya! 'Yung pinag-ipunan kong bulaklak itinapon nya lang matapos kong ibigay sa kanya! Ang sabi nya kase allergic sya sa mga bulaklak at chocolate kaya itinapon nya. Tang'nang 'yan nasayang lang ang pera ko sa kanya! Ilang araw ko ring pinagipunan 'yung bulaklak na 'yun tapos itatapon nya lang! Dugo't pawis ko ang isinugal ko doon tapos balewalain nya lang?!

'Lang hiyang babae 'yun kamag anak ata ni Satanas! Kung pwede ko lang ihampas sa kanya 'yung ibinigay kong bulaklak ay matagal ko nang ginawa. Tangares na iyan hina-high blood na ata ko!

Kalma lang Martin, Mahal mo 'yan kaya dapat ka lang mag-adjust.

"Ano Martin suko ka na ba sa nililigawan mo? Problemadong-problemado ka kase dyan eh," biglang sabi ni Theodore.

"Hindi ba kamo, problemado 'yan sa pera! Pre kapit din paminsan-minsan sa bakla," sabay tawa nilang lahat.

"Tarantado din kayo eh, 'no?" sura kong sabi sa kanila.

"Teka Martin napaisip ako kanina, saan mo kaya ida-date si Wendy kapag nagkataon? Sa karenderya ba?" sabay tawa ulit nilang lahat.

Aba, talagang minamaliit nila ang isang tulad ko ah?

"Magsi-tahimik nga muna kayo!" sigaw ko "Pero bago ang lahat pautang muna," sabay lahad ko ng kamay ko sa harap nila.

"Putares ka Martin uutang ka tapos walang bayaran?! Aba kung ganyan lang din lumayas ka na sa harap ko! May utang ka pa nga sa'king wanpibte hindi mo pa nababayaran!" reklamo ni Theodore.

"Eto naman parang bago pa sa kanya 'yun! Dali na pautang na! Pupunta pa ako do'n kina ate Michelle at mangungutang pa ako!"

"Tang'na ka talagang Deraya ka nang aabuso ka na ng pera!" sigaw ni Arthur.

"Tang'na naman oh, akin na nga ang mga wallet n'yo! Bilis!" sabay lahad ko ulit ng kamay ko sa harap nila.

"Putang'nang De Rayang 'to mukang pera, hindi namin ibibigay sa'yo ang wallet namin! Mabubutas na naman ang wallet ko dahil sa'yo! May lakad pa kami ng girlfriend ko bukas," sabay alis ni Arthur. Pero bigla din naman syang napahinto nang mag salita ako.

"Sige, madali naman akong kausap. Babaligtarin ko na lang kayo sa mga babae nyo kapag hindi nyo ibinigay sa'kin ang mga wallet—" padabog nilang inilapag ang kanilang mga wallet sa mesa saka umalis. Kauna-unahan pa nga si Theodore eh, halatang takot na takot mabaligtad kay Ara.

"Wala ka talagang awa Martin! Kapal parin talaga ng muka mo," mangiyak-ngiyak na pagkakasabi ni Theodore.

"Bakit may nagbago ba sa tarantadong 'yan?!" sigaw ni Greg mula sa kusina.






































KANINA PA AKONG tulala at iniisip ko kung ano ba ang maibibigay ko kay Wendy mamaya. Ayaw nya kase ng mga bulaklak, chocolate o kung ano mang ipinapang offer sa mga babaeng nililigawan. May pagka-boyish kase si Wendy kaya sobrang hirap nya talagang ligawan. Pero mabuti na lang at hindi sya pumapatol sa mga babae.

Bigla akong napatayo nang makita ko si Wendy na naglalakad patungo sa cafe. May dala na naman itong laptop at gitara. Kapansin-pansin parin ng make up nyang pang halloween at ang ganda nyang walang kakupasan. Agad ko itong sinundan ng hindi nya nalalaman at tinakpan ang kanyang mata.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon