Chapter 33: Our Future

3 5 10
                                    

Chapter 33:
Our Future


"Walks by. What a sight for sore eyes, brighter than a blue sky, she's got you mesmerized while I die," pagkanta ko habang kinakalabit ko ang gitara.

Pilit kong ipinopokus ang sarili ko sa kantang ito dahil talagang hindi ko 'to matapos-tapos. Pagkahirap-hirap talagang gumawa ng kanta. Namumuti na nga ang mata ko ng dahil sa katititig sa papel na nasa harap ko. Ayaw kase akong tulungan ng mga tropa ko eh, bukas na ang gig kaya kailangan ng dalawang bagong kanta. Kapag hindi ko ito natapos ay baka masira ang banda namin. Dito lang naman ako kumukuha ng panggastos ko kaya kailangan pag-igihan ko.

"Why would you ever kiss me? I'm not even half as pretty. You gave her your sweater, it's just polyester. But you like her better," saglit akong napangisi dahil sumasang-ayon na ang utak ko sa kantang ito. Mukang matatapos ko 'to ngayon.

"Watch as she stands with her—" napatigil ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Wendy. May dala syang dalawang milk tea at pansin ako na nakasimangot na naman ang muka nya. Ibinigay nya sa akin ang isang milk tea na agad ko namang ininom. Tumabi sya sa akin at tiningnan ang papel na nasa harap ko.

"Ano 'to?" tanong nya.

"Bagong kanta," sabay sipsip ko ulit sa tea na halos nangngalahati na. Tinanggal ko ang takip saka ko kinain ang sago.

"A-Ang ganda ng lyrics—"

"Salamat."

"Parinig nga. Baka maganda nga ang lyrics panget naman ang tono," panglalait nya kaya ako ay napasimangot. Ibinaba ko na lamang ang milk tea ko sa tabi ko saka ako nag-strum sa gitara.

"I still remember, third of December, me in your sweater. You said it looked better on me than it did you. Only if you knew, how much I liked you. But I watch your eyes as she walks by. What a sight for sore eyes, brighter than a blue sky, she's got you mesmerized while I die," pagkanta ko at kita kong nagsisinula nang mamula ang muka ni Wendy kaya ibig sabihin no'n maganda ang kanta. Good choice!

Tumigil na ako sa pag-gigitara at inilapag iyon sa sahig. Muli akong uminom ng milk tea at napatingin kay kumander Wendy. Namumula parin ang kanyang muka at tulala. Ano bang meron sa kantang iyon? Masyado ba syang nagandahan? O baka naman nagandahan sya sa boses ko.

"M-Martin may gig bukas 'di ba? Kaya pala compose ka ng compose ng kanta."

"Then sing the song with me. Panigurado masisiyahan kang kumanta kasama ako. Alam kong hindi ito ang first time na niyaya kitang kumanta sa mga gigs ko pero alam kong mag-eenjoy ka," sabay ngiti ko.

"Oo na! Ang kulit mo. Sasama naman ako eh, baka mambabae ka pa do'n. "

"Nag-seselos na si kumander Wendy! Ang mahal ko~" sabay yakap ko sa kanya.

"Martin naman para ka namang tanga!" sabay hampas nya sa muka ko kaya ako ay napakalas sa pagkakayakap sa kanya at napahawak sa muka.

Masakit.

"Sige aalis na 'ko. May klase pa nga pala ako," nagtatampo kong sabi saka ko kinuha ang gitara ko sa sahig at umalis na.

Ang sakit kase ng sampal nya sa tingin ko mamamaga ang muka ko. Bakit ba ganoon si Wendy sa'kin? Gusto ko rin naman na labingin nya ako kahit minsan. Ni hindi pa nga ata nya 'yun ginagawa sa'kin. Lagi nya na lang akong binubugbog. Akala ko naman kapag naging kami na ni Wendy magiging sweet na sya sa'kin 'yun pala hindi. Umaasa pa naman ako na araw-araw naglalandian kami. Mahilig pa naman ako sa landian.

Napahinto ako sa paglalakad nang may yumakap sa akin mula sa likod. Napatingin ako sa kamay na nasa bewang ko kaya nalaman ko na kung sino ito.

"S-Sorry na. . . " rinig kong bulong nya kaya ako ay napangisi.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon