Chapter 29: Start Again

2 5 4
                                    

Chapter 29:
Start Again





"Wendy ko sorry na naman hindi ko na nga uulitin eh!" pagmamakaawa ko habang nakaluhod. Nilampasan nya lang ako at nagtungo na sa mga kaibigan nya. Kanina nya pa akong hindi pinapansin! Kanina pa akong napapahiya! Ano ba talaga ang gagawin ko para mapatawad nya ako? Lahat ginawa ko na! Lumuhod sa harap nya, nagmaka-awa, umiyak, nag-dasal, bumagsak sa quiz lahat na! Tang'na bakit ba ayaw nya akong patawarin?! Hindi ko na nga uulitin eh! 

Nagpunta na lamang ako sa room at nagmukmok. Broken hearted ako ngayon tang'na! Kung hindi na lamang ba naman ako umatend sa pool party na iyon edi sana hindi kami nag-aaway ni Wendy! Dapat isinama mo na lang sya eh, pero wala! Huli na ang lahat! Galit na sya sa'kin ngayon at halos patayin nya na ako sa hindi nya pamamansin. Hindi nya rin sinasagot ang tawag at text ko at halos parang hangin lang ako sa harap nya kapag sinusuyo ko sya. Ang hiraaap pota!

"Hi Martin!" tumabi sa akin si Pauleen habang nakangiti. Si Pauleen 'yung nakalandian ko sa pool kaya feeling close na.

"Hi," tamad kong sabi.

"May problema ka ba? Bakit parang ang lungkot mo?" sabay lapit sa akin ni Pauleen at halos ilang pulgada na lamang ang pagitan namin.

"Social distancing Pauleen masyado kang malapit," sabi ko.

"So what?" sabay tingin nya sa labi ko.

"Pauleen wala ako sa mood. Galit sa'kin ngayon ang girlfriend ko," sabay iwas ko sa kanya ng tingin.

"Girlfriend? May girlfriend ka pala? But anyways you have a problem right? Sumama ka sa'min punta kaming bar—"

"No thanks. Girlfriend ko ang kailangan ko. Saka Pauleen pwede bang humingi ng pabor?"

"What is it?" sabay labas nya ng lipstick nya at ipinahid iyon sa labi nya.

"Pwede bang landiin mo si Oliver mukang kanina pa syang nakatingin sa'yo," tumingin naman sya kay Oliver.

"Okay," sabay tayo nya at nagtungo sa gawi ni Oliver. Napabuntong hininga naman ako at nagiisip kung papaano ako mapapansin ni Wendy. Kailangan kong mapawi ang galit nya para maging okay na ulit kami. Hindi ko kaya na galit sya sa akin at ganito ang set up namin. Ang hirap sa kalooban ko parang dinudurog ang puso ko. Gusto ko syang yakapin ngayon kaso 'di ko magawa.

Lumipas ang tatlo kong klaseng nakakaburyo ay isinukbit ko na ang bag ko para umalis ng room. Habang naglalakad sa corridor ay tulala parin ako. Wala parin ako sa mood hanggang ngayon. Kahit nga ang professor kong bakla ay nagtataka na rin sa'kin kase ako daw ang pinakalowest sa test namin. Matalino kase akong tao at minsan pala aral kaya may laban parin sa sagutan. Baka nga bumagsak pa ako ngayong semester.

"Martin!" napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Fiona 'yung nakalandian ko kagabi si pool party. Madami-dami din kase akong nalandi kaya ayan nagsisilabasan na sila.

"Oh?" tumakbo sya papalapit sa akin.

"Pwedeng pasabay? Mag cu-cut ka ba ng class?" tanong nya.

"Oo bakit?"

"Ako din," sabay hawak nya sa kamay ko. Napatingin naman ako doon pero hinayaan ko na lang.

"Sumama ka," napahiyaw sya sa sagot kong iyon saka nya niyakap ang braso ko.

"Let's go!" Aalis na sana kami ni Fiona nang nay sumigaw ulit ng pangalan ko. Hay nako ang hirap talaga kapag gwapo. 'Di ba? Sumang-ayon ka kun'di gugulpihin kita.

"MARTIN ACIEY DERAYA!" sigaw pa lang alam ko na kung sino.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Wendy na naka-cross arms at masamang nakatingin sa akin. Bumaling ang tingin nya sa babaeng nakayakap sa braso ko saka nya itinaas ang kanyang kilay.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon