Chapter 32: Our Date

3 5 4
                                    

Chapter 32:
Our Date






Ball pen, papel, at gitara ang katabi ko ngayon. Ipinapag patuloy ko ang paggagawa ko ng kanta at sa awa ng dyos nakahanap na ako ng tema. Hirap parin akong makahanap ng tono pero hindi na 'yon problema. Kapag may inspirasyon ka na madali na ang lahat sa'yo. Halos isang oras na nga akong nag-iisip kung ano ang isusunod kong isusulat sa aking papel. Iisang verse pa lang ang natatapos ko at wala pa akong chorus. Halos dalawang bwan ko na itong sinusulat kaunti parin ang naidadagdag ko.

"Ano 'yan? Patingin!" agad na kinuha ni Wendy ang papel na nasa harapan ko at binasa ang mga nakasulat doon.

"Kanta ba 'to?" tanong nya.

"Oo, no'ng nakaraang bwan ko pa 'yan sinusulat hanggang ngayon hindi ko pa natatapos," sabay kamot ko ng ulo ko dahilan ng hiya.

"Ang hina mo! Lika tulungan kita." kinuha naman sa akin ni Wendy ang gitara saka sya nag-strum. Pinanood ko lang sya sa kanyang ginagawa at hindi umimik.

Bakit ang lahat ng galaw at pagsasalita nya napapatulala ako? Ganito na ba talaga ako kapag inlove? Nakakatakot! Ayaw ko ng ganito baka mabaliw ako ng hindi ko nalalaman.

"A-Ang ganda mo," wala sa sarili kong sabi habang titig na titig sa kanya. Napatingin naman sya sa akin kaya nakita ko ang muka nyang nakasimangot.

"If you want to finish this song you need to focus Martin!" galit nyang sabi.

"Paano ako makakapag focus eh, inaabala ako ng kagandahan mo," sabay iwas ko ng tingin.

"Kagandahan. . . Whatever!" sabay irap nya.

"Okay! Mag seseryoso na ako, nakakuha ka na ba ng tono?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung babagay 'to sa kanta pero para sa'kin maganda naman," sabi nya.

"Parinig. . ." dahan-dahan nyang kinalabit ang gitara saka kumanta. Nakatingin sya ngayon sa papel kaya't may pagkakataon na akong matitigan sya ng matagal. Kahit saang anggulo napakaganda nyang tingnan. Kaya siguro ako nahulog sa kanya. Napakalakas kase ng karisma.

"Martin focus!" sigaw nya kaya ako ay nabalik sa reyalidad. Nag-simula na syang kumanta kaya ako'y nag-seryoso na.

"Kumakaway-kaway habang nakangiti
Ang puso ko'y kinikilig sa tuwing ika'y katabi
Sumasablay-sablay pati aking bibig
Nauutal, nanginginig, wala akong marinig. . ." pagkanta nya. Mayamaya pa ay bigla syang nahinto dahil nawala sya sa tono.

Nag-isip ako ng magandang tono saka ko ipinagpatuloy ang pagkanta. Samantalang si Wendy ay patuloy lang sa pag-gigitara.

"Kumakabog itong dibdib sa tuwing lumalapit ka na
Kailan kaya makikita tunay kong halaga?" pagkanta ko. Napangiti naman si Wendy saka sya tumigil sa pag-gigitara.

"Oh, meron na tayong tono ah? Chorus na lang ang wala." sabi ni Wendy saka nya inilapag ang hawak nyang gitara sa mesa.

"M-Martin. . ." tawag nya kaya napatingin ako sa muka nyang namumula. Napa-awang naman ang labi ko dahil sobrang cute nya talaga kapag namumula sya. Muka syang anime.

"Hmm?"

"D-Date tayo?" Napalaki ang mata ko sa sinabi nyang iyon pero sa huli napangiti rin ako dahil. . . Mag-dadate kami!

"S-Sige! Kung gusto mo ngayon na! Tara na! Excited na 'ko!" sabay hawak ko sa kamay nya at hinila sya paalis. Hindi ko naman mapigilang mapangisi kase 'lang hiya kinikilig ang Martin nyo! Pwede na palang kiligin ang lalaki 'no? 'Lang hiyang yawa!

"T-Teka Martin! Sandali lang! Hoy! Baka madapa ako ang bilis mong tumakbo! Ano ba?!" sigaw ni Wendy kaya ako ay tumigil sa pagtakbo. Nakita ko si Wendy na ang gulo-gulo ng buhok at napakasama ng tingin sa akin. Bigla nya akong kinurot sa utong kaya ako ay namilipit sa sakit. Sinabunutan nya rin ang buhok ko at hinampas ang muka ko. Grabe ang hirap ng under.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon