Chapter 39: I'm Sorry

3 5 1
                                    

Chapter 39:
I'm Sorry




Ipinalsak ko ang headset ko sa aking tenga para nakinig ng kanta. Pinagmamasdan ko lang ang aking mga tropa na naghaharutan at naglalandian. Samantalang itong si Oliver ay nasa tabi ko at mukang may ka-text. Hindi parin talaga mawala sa isipan ko na bakla si Nordel. Hindi kase halata sa itsura nya na lambutin sya. Sa landi ba naman no'n magiging bakla sya? Mas marami pa nga syang nagiging babae kesa sa'kin kaya imposible talagang bakla ang gagong 'yon. Hindi nga 'yon napayag ng hindi nakakalandi ng sa isang araw. Siguro trip nga lang talaga 'to ng tropa. Pero bakit naman pumayag si Nordel? Siguro pinagtitripan lang nila ako.

"Lang hiya pare saan mo 'yan nakilala?! King ina ang ganda!" rinig kong sigaw ni Lux kahit na naka-headset ako. Napakalandi talaga ng gago. Lumapit ako sa kanila at may nakita akong litrato ng isang maganda at seksing babae mula sa cellphone ni Theodore. Kita kong nakakagat labi pa si Aione habang nakatingin sa litrato. Agad ko naman silang binatukan isa-isa.

"Ano bang problem mo Martin?!" sabay-sabay nilang sigaw sa'kin. Napangsi naman ako dahil mga muka silang mga batang na-bully

"Nambababae na naman kayo! Sino ba 'yan at gandang-ganda kayo d'yan?" tanong ko at naupo sa tabi nila. Tinanggal ko ang headset ko sa tenga ko at pinagmasdan ang litrato sa cellphone ni Theo. Pansin ko na maganda nga ito gaya ng sabi ko kanina. Maputi ito at singkit baka nga mapagkamalan mo pa itong artista sa mga korean movies.

"Aba Martin sa akin na 'yan makikipag date kaya 'wag mo nang agawin 'yan sa'kin!" angal ni Daryl.

"Bakit inaagaw ko ba?"

"Gimik tayo mamaya? Tutal wala naman tayong gagawin sa condo kun'di mag-COD eh," ani ni Aione.

"Sige game ako," sabi ko na agad namang ikinahiyaw ng tropa.

Nang marinig na namin ang bell ay agad na kaming nagtungo sa aming room. Naupo na ako sa aking upuan at nag-ingay. Wala pa naman si prof kaya manggugulo na muna ako sa mga kaklase ko. Ang boring kase ngayon sa room kaya paiingayin ko na muna. Para na kaseng may patay sa sobrang tahimik. Pumunta ako sa unahan at kinuha lahat ng atensyon ng mga kaklase ko umasta ako na parang ako si professor Rion ginaya ko ang way ng kanyang pananalita kaya agad na nagsi tawanan ang mga kaklase ko. Ginaya ko rin ang madalas nyang ginagawa kapag nag-sesermon sya kaya mas lalong umingay ang buong room. Nagmumuka na tuloy akong tanga dito.

"Grabe Martin ano ba ang nakain mo?!" sigaw ni Mon sabay tawa. Grabe sa akin lang talaga sila nakatingin at halos lahat sila nagtatawanan.

"Martin Aciey!!!!" nagulat ako sa sigaw na iyon. Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Wendy kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa mga kaklase ako at muling nagpatawa kaso muli akong tinawag ni Wendy kaya ako ay napatingin sa kanya. Nakita kong may luha na ang kanyang mata kaya ako ay napasabunot na sa aking buhok. Agad na akong nagpunta sa kanya at walang kaemo-emosyon syang tiningnan.

"C-Can we talk?" aniya sabay yuko habang nilalaro nya ang kanyang kamay.

"At para saan naman? Hindi ba't nakipag hiwalay ka na sa'kin? Bakit pa tayo mag-uusap? Para saan pa?" malamig kong tugon.

"S-Saglit lang naman 'to—" bigla syang nahinto nang dumating na si professor Rion. Agad na akong naupo sa upuan ko at nakinig sa sermon. Saglit pa akong sumulyap sa labas at nakita ko si Wendy na naglalakad na paalis. Napapikit na lamang ako sa inis at pinipigilan ang sarili na sundan sya.

Matapos ang klase ay binitbit ko na ang bag ko saka lumabas ng room. Ramdam kong inakbayan ako ni Greg kaya panigurado na nakasunod ang tropa sa likod. Mukang matutuloy nga ang gimik ngayon.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon