Chapter 7: Wish You're Gay

6 5 4
                                    

Chapter 7:
Wish You're Gay









"Hoy panagutan mo ang nangyari sa'tin! Wala kang awa!" sigaw ko habang pilit kong hinahabol si Wendy. Nagsitinginan naman sa akin ang mga estudyante. Siguro akala nila nag-ano kami ni Wendy, pwes mali sila ng iniisip ninakawan lang naman ako ni Wendy ng halik at gusto kong panagutan nya iyon. Mahal ang labi ko may halaga 'to kaya matakot kayo.

"Leave me alone! You're embarrassing me!" sigaw nya sabay takbo nya ng mabilis.

Ano daw ang sabi nya? Hindi ko naintindihan. Mahina kase ako sa english kaya swabe.

"Panagutan mo ako Wendy!" mas malakas kong sigaw kaya sya ay napahinto sa pagtakbo. Agad na akong lumapit sa kanya at nakita ko ang muka nyang nakasimangot.

"Walang hiya kang lalaki ka!" sabay takip nya sa muka nya gamit ang kamay nya.

"Ano Wendy pananagutan mo ba ako o isisigaw ko sa buong campus na—"

"Alright! Alright! Pananagutan na kita!" sabay alis nya. Agad namang sumilay ang malaking ngisi sa aking labi kaya woooh ang saya ko talaga ngayong araw. 


































KINALABIT KO NA ang hawak kong gitara saka kumanta. Nagpa-practice kase kami ng mga katropa ko dito sa unit na binili ni Theodore dahil may gig kami sa bar this coming Sunday. Wow nakapag english ako! Pero no pakels trip ko ngayon. Sa katunayan nga nyan eh, lumipat na ako dito sa unit ni Theodore kase nahihiya narin ako kay ate Merrylyn baka sabihin nya makapal parin ang muka ko hanggang ngayon. Makapal parin naman ang muka ko ah? Pero 'la kayong pake gwapo ako eh.

"Martin nawawala ka na sa timing! Ano bang nangyayari sa'yo kanina ka pang wala sa sarili ah? Masasapak na kita eh! Sa lingo na 'yung gig patanga-tanga ka pa!" galit na sigaw sa akin ni Theodore.

"Inlove kase kaya ganyan ang kumag na 'yan," sabi naman ni Greg.

"Tigilan nyo nga ako! Oo na aayusin ko na joke lang 'yong kanta kong 'yon kaya chill lang kayo!"

"Joke lang daw, ano kaya kung sapukin kita sa bayag mo?" surang sabi ni Greg pero tinawanan ko lang.

Muli kaming nagpatuloy sa pag-p-practice. At sa pagkakataong ito sinusubukan kong mag seryoso kahit na may gumugulo sa utak ko. Kanina pa kaseng nanggugulo si Wendy sa isipan ko at hindi parin mawala-wala 'yung sa isipan ko ang pangyayaring nagkahalikan kaming dalawa. Grabe hindi ko pa nga sya nililigawan nakahalik na ako ng isa! Gaano ba ako kalakas na lalaki? Tell me nga tell me! Just comment lang down there! Bwahaha kapal talaga ng muka ko. 

"Magaling Martin na perpekto mo ang pag-eensayo natin," puri ni Theodore sabay tapik nya sa balikat ko.

"Tang'na parang ikaw 'yung leader kung makapag salita ah? Baka nakakalimutan mo ako 'yung leader dito," sabay lapag ko ng gitara sa mesa.

"Edi ikaw na!" sabay alis nya habang tumatawa.

Nagpunta na lang ako sa kusina at nadatnan ko naman si Arthur na kumakain ng pansit canton. Tumabi na ako sa kanya para sabayan syang kumain. Kahit kailan talaga wala nang kamatayan ang kanton na ito. Hanggang kailan ko pa ba ito kakainin?

"Sya nga pala Martin, sasama ka ba sa outing? Pupunta kami ng Patungan sa Ternate," biglang sabi ni Arthur.

"Oo ba! Kelan?"

"Sa sabado—"

"Pass," sabay tayo ko at inilagay ang pinggan sa lababo.

"Bakit ka naman hindi sasama? Masaya kaya 'yun!" sabi nya pa.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon