Chapter 12: Nice One!

4 5 0
                                    

Chapter 12:
Nice One!




"Hoy pre gising na last day na natin 'to sa beach na 'to kaya let's have some fun! The liquor is waiting for us! Kaya gumising ka na d'yan!" rinig kong sigaw ni Theodore. Lintik talagang rich kid na 'to oh, may hang over pa 'yung tao tapos inom na naman?!

"Kayo na lang gusto ko pang matulog—"

"Matutulog lang ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw mong lumabas dito sa kwarto? Pre baka nalilimutan mo tropa mo ako! Alam ko lahat ng tungkol sa'yo!" sabay tawa nya. Napabaligwas naman ako sa pagupo.

"Alam mo?" tanong ko.

"Oo alam ko lahat detailed pa," sabay halakhak nya. Walang hiya talaga!

"Sinundan nyo ba ako kagabi?!" halos pasigaw ko ng pagkakatanong.

"Nag alala kase kami sa'yo na baka manapok ka ng makakasalubong mo kaya sinundan ka namin," sabay tawa nya pa.

Tumayo na ako at nag diretso sa banyo. Talagang hindi ko parin nakakalimutan ang pangyayari kagabi. Hindi ko matatanggap na nagawa ko iyon kay Wendy sana napigilan ko ng maaga ang sarili ko. Sana hindi na lang ako naglasing kagabi para hindi na nangyari iyon. Naiinis ako sa sarili ko! Nirerespeto ko sya at nililigawan ko pa lang sya. Ano na lang ang sasabihin nya sa'kin? Na pare-pareho lang kaming mga lalaki na fuck boy?

Matapos kong maligo't makapag bihis ay nag dalawang isip pa ako na kung lalabas ba ako sa kwartong ito o hindi? Natatakot kase ako na makita si Wendy at kamuhian nya. Nahihiya ako sa kanya. Pero bakit ko ba ito nararamdaman eh dati ko pa naman itong ginagawa. Ang gumalaw ng mga babae. Pero ibang usapan na ito eh, mahal ko na 'yung nagalaw ko kaya nakapanindig ng balahibo.

"Martin lumabas ka na nga d'yan! Para ka talagang dalaga kung maghanda!" rinig kong sigaw ni Arthur mula sa labas.

No choice kailangan kong lumabas

Nadatnan ko silang papasakay na sa jet ski. Napatingin naman sila sa'kin nang banggitin ni Oliver ang pangalan ko. Shit ang awkward kay Wendy! Lumapit na ako sa kanila at nagpanggap na walang nangyaring kakaiba kagabi. Todo pa ang titig sa akin si ate Merrylyn siguro naamoy nya na merong kakaiba sa akin.

"Martin sa susunod na jet pa kayo makakasakay kaya maghintay na lang muna kayo dyan ni Wendy! Nagkulang kase eh," sigaw ni Theo saka nya pinaandar ang jet. Napalingon naman ako kay Wendy na sa ngayon ay kumakain na ng burger.

"W-Wendy—"

"Ano?! Kumakain 'yung tao oh!" sigaw nya. Wag mong sabihin na hindi nya naalala ang nangyari kagabi?

"W-Wendy gusto ko lang kaseng itanong. . . A-Anong ginawa mo kagabi?" napatingin naman sya sa akin ng masama saka nya ako binatukan.

"Akala mo ba Deraya nakakalimutan ko 'yung ginawa mong panggugulo sa bar kagabi?! Halos patayin mo na 'yung kasuntukan mo ah?!" sigaw nya.

"Bukod pa do'n. Ano pang nangyari sa'yo?"

"A-Ano. . . At bakit ko naman sasabihin sa'yo?! Kuya ba kita at ganyan ka kung makatanong?!" bulyaw nya sabay kagat nya ulit sa burger nya.

Natatandaan nya nga! Natatandaan nya! Pero bakit hindi sya nagagalit sa'kin ngayon? Bakit hindi nya ako sinasampal ngayon? Baka talagang lasing lang si Wendy kaya—hindi talaga! Tanda nya iyon!

"Hoy Wendy! Martin! Kayo na ang sunod sumakay na kayo dito!" rinig kong sigaw ni Lux

Agad namang nagtatakbo si Wendy patungo sa jet ski kaya ako ay sumunod na sa kanya. Grabe ito ang first time na makakasakay ako ng jet ski! Takot pa naman akong sumakay sa mga ganyan. Kahit nga sa bangka natatakot akong sumakay eh dito pa kaya.

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon