Chapter 19: Vacation

2 5 0
                                    

Chapter 19:
Vacation







Nagising ako dahil pagkaingay-ingay ng mga tropa ko. Uutot lang tatawa pa. Kakain lang magpapa-alam pa?! Gaano na ba sila katanga at ganyan sila?! Mga bwisit! Kung kailan ba naman napakasarap ng tulog ng tao saka pa iistorbohin! Nananaginip pa ako ng maganda at beautiful eh sisirain nila?! Ano kaya kung pag babatuhin ko sila ng kutsilyo? Mga bwisit! Sila naman kaya ang pagtripan ko? Ewan ko na lang kung gumanti sila sa'kin.

Tumayo na ako at nilapitan si Lux na natutulog. Mukang sarap na sarap nga ang tulog nya kase nakanganga pa. May naisip naman akong paraan para pagtripan sya. Bwahaha siguradong masusura 'to sa gagawin ko.

"Pre! Pre! Gising na matutulog na tayo!" sabay tampal ko sa pisngi nya. Napamulat naman sya sabay sabi ng. . .

"Putang'na naman oh! Natutulog na nga 'yung tao gigisingin pa para matulog ulit?! Tang'na lang ah, umayos ka," sabay pihit nya at pinagpatuloy ang pagtulog. Pero hindi parin ako natinag.

"Pre gising na nga matutulog na tayo!" sabay hampas ko sa likod nya. Nakadapa na kase sya ngayon at may nakadagan na unan sa ulo nya.

"Tang'na tulog na ako!" sigaw nya.

Hahampasin ko pa sana ng isa si Lux nang tawagin ako ni Theo. Lumapit naman ako sa kanya at nakita ko syang hawak-hawak ang cellphone nya at ngiting-ngiti. Ano kayang problema nito? Siguro may saltik kaya ganito. Nakakita na naman siguro ng hubad na babae sa internet kaya ganito.

"Pre alam mo ba kung anong buong pangalan ni Lorenzo?" tanong ni Theo.

"Hindi bakit? Muka ba akong may pakealam doon?!" sigaw ko.

"Hindi pero pakinggan mo 'to ha? Babasahin ko sa'yo ang buong pangalan ni Lorenzo!" sabay tawa nya.

"Sige nga!" hamon ko.

"Okay listen carefully ah? Eto na. Lorenzo Lamas Kampupot ang buo nyang pangalan pre! Grabe ang ganda! Whoo," sabi nya. Napatawa naman kaming dalawa kase ang baho talaga ng pangalan nya. May panglait narin ako sa kanya.

"Ang saya natin ah? 'Nong ganap?" singit ni Nordel kaya kami ay napatingin sa kanya.

"Pre ang buong pangalan ni Lorenzo, Lorenzo Lamas Kampupot! Bwahaha!" sabay tawa naming lahat. Dumating naman sina Greg, Oliver at Aione.

"Ang nangyayari dito?! Sabihin nyo sabihin nyo!" sabi ni Oliver.

"Bro! Ang buong pangalan ni Lorenzo, Lorenzo Lamas Kampupot!" sabi ni Theo kaya nagsi tawanan na naman kaming lahat ng magaling. Grabe ang sama talaga ng pangalan nya talagang pinag isipan! Bwahaha! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya!



















PINULOT KO NA ang nahulog kong barya sa sahig saka iyon inilagay sa bulsa ko. Makikipag kita kase ako ngayon kay Wendy ko. Gusto ko kaseng ipaalam sa kanya na maayos na ako at naka-recover na ako sa allergic ko. Ang sama lang kase ng nangyari kahapon muntikan na akong mamatay. Mabuti na lang at dumating ang mga kaibigan ko.

Nang nakapag doorbell ay agad itong bumukas at bumungad sa akin si ate Kattie namay subo-subong toothbrush. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa bago nya ako papasukin. Makapasok ay nakita ko si kuya Reinelle na nilalambing si ate Merrylyn. Hindi ko na lang sila pinansin at nag diretso sa kwarto ni Wendy. Nakita ko naman syang nakahiga sa kama at nag ce-cellphone. Napangiti naman ako nang mapansin ko ang suot nya. Naka-sports bra lang ito at legings na itim. Siguro kagagaling nya kang sa jogging kaya ganyan ang suot nya.

Nahiga ako sa tabi nya. Gulat naman syang napatingin sa'kin pero agad din naman syang napangiti at sabay hampas sa muka ko. Akala ko pa naman hahalikan nya ako 'yun pala hahampasin nya lang ako! Gaano kasama?!

"Magaling ka na pala bakit hindi mo sinasabi?!" sigaw nya.

"Kaya nga ako nandito para sabihin sa'yo eh!"

"Edi sana tumawag ka sa'kin—Wait! Shoot!" sabay takbo nya patungong CR. Problema no'n?

Nakita ko syang lumabas ng CR at may suot ng t-shirt. Siguro naalala nyang naka-bra lang sya kaya sya nag-punta ng CR. Akala ko naman napapatae na kaya gano'n ang reaksyon nya. Pero walastek lang kase napaka-sexy nya paring tingnan kase fit sa kanya ang damit nya.

"Ba't ganyan ka kung makatingin?!" galit n'yang tanong sa'kin. Napangisi naman ako kase mas lalo syang nagiging sexy sa paningin ko pag nagagalit sya.

"Ano ba?! Gusto mo ba ng sapak?" agad ko syang hinila palapit sa akin kaya nahiga sya sa tabi ko.

"Hmm? Gusto ko lang itanong kelan mo kaya ako sasagutin? Ilang bwan narin ah?" tanong ko habang iginagapang ko ang daliri ko sa pisngi nya.

"Mag hintay ka! Bwisit 'to!" sabay hampas nya sa'kin.

"Opo," sabay ngiti ko.

Napatayo akong bigla nang marinig ko ang cellphone kong tumutunog. Tiningnan ko na muna ang screen bago sagutin. Si mama lang pala akala ko kung sino na. Sinagot ko na iyon at baka importante.

"Hello ma?" bungad ko.

"Hello Martin ano kamusta ka na d'yan? Nakakakain ka pa ba ng ayos?" Tanong ni mama.

"Opo ma," sabay tawa ko.

"Ubos na ba ang allowance mo? Mag papadala na ba kami ng tatay mo?"

"Ay hindi na po ma, marami pa po akong pera kaya 'wag na kayong mag-alala. Saka ma, pwede ba akong humiling sa inyo?"

"Ano 'yun? "

"Ma, gusto ko ng batang kapatid. Gumawa ulit kayo ni papa," sabay tawa ko.

"Ikaw talaga Martin puro ka kalokohan! Ayusin mo ang pag-aaral mo d'yan kun'di malalagot ka sa'kin,"

"Opo ma, I'll do my best!"

"Siguraduhin mo lang," sabay tapos nya na ng tawag.

Ibinaling ko naman ang paningin ko kay Wendy at nahuli ko syang kinukuhanan ako ng litrato. Speaking of litrato. Yayain ko kaya sya sa probinsya namin para makita nya ang ganda do'n? Panigurado kuha sya ng kuha ng litrato do'n.

"Huli kita," sabay sundot ko sa tagiliran nya.

"Che! 'Wag ka trip ko!" agad ko namang kinuha ang cellphone nya at nag selfie kaming dalawa.

"Ngumiti ka naman!" sabi ko.

"Oo na!" Muli kaming nag selfie na dalawa. Nag pose ako ng nakadila at sya naman ay naka-peace sign. 

"Akin na nga 'yang cellphone ko!" sabay kuha nya sa'kin ng cellphone nya.

"Wendy ko, tutal wala naman tayong pasok bukas pwede ba kitang yayain papunta sa probinsya namin? Wala karin namang gagawin bukas 'di ba?"

"Sige sama na ako," napayakap naman ako sa kanya.

"'Yon sasama! Yehey!" sabay talon ko.

Panigurado magiging masaya ang bakasyon ko! Kasama ko mahal ko eh!




******
Copyright © Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Please vote! ʕ´• ᴥ•̥'ʔ

Here With Me (Book 3 Of With Me Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon