Dahil nga sa pangyayari sa Kanluran, ay ninais puntahan ni Prinsesa Nina si Horacio. Ang Prinsesa nga ay may dalang espada, kung sakaling hindi magiging maganda ang sagot ni Horacio. Ngunit pagdating niya sa bahay, ay bukas iyon. Pinasok niya nga ang bahay at nakita si Horacio na may saksak sa leeg at patay na. Ngunit sariwa ang mga dugo, at hindi pa gaanong nagtatagal, nang biglang may sumalakay.Hinugot nga ng Prinsesa ang kaniyang espada, upang sanggalangan ang pagsalakay. Nakita niya ang mata ng sumasalakay, ngunit iyon lang ang kaniyang nakita. Tinangka ngang makipaglaban ng Prinsesa, ngunit nang makita ng kalaban na tila may kakayahan ang Prinsesa, ay tumakas siya. Hinabol siya ng Prinsesa, hanggang sa nasukol niya nga siya sa isang sulok. Doon nga ay napilitang makipaglaban ang pumatay kay Horacio, kay Prinsesa Nina. Habang nakikipaglaban nga ay inoobserbahan ni Prinsesa Nina ang kaniyang kalaban. At tila nakikilala niya ang estilo ng kalaban. Maging ang mata ng kalaban ay nakikilala niya. Nang makakita nga ng pagkakataon ang kalaban, ay tumakas ito, at si Prinsesa Nina ay hindi na naghabol. Ngunit may nakakita ngang mga tao sa pagpasok ng Prinsesa sa bahay ni Horacio.
Di naglaon ay dumating ang mga bantay siyudad, at kinuha ang katawan ni Horacio. Nang pagkakataon ngang iyon, ay marami ng tao ang nasa labas ng bahay. Naging maingay nga ang pagkamatay ni Horacio, maging ang pagkasangkot ng Prinsesa. Ngunit wala ngang naglakas ng loob na magsalita sa Prinsesa, lalo na sa iilang tao na nakakaalam sa pangyayari sa Kanluran. Ang mga tao man, ay hati sa pananaw sa Prinsesa.
Hindi ba dapat managot ang Prinsesa, sa nangyari sa pinuno ng bantay siyudad? –sabi ng isang mamamayan
Manahimik ka nga! Maaari kang sumunod sa pinuno ng bantay siyudad, dahil sa bibig mo. Hindi ako naniniwalang ang Prinsesa ang may gawa noon. Ang bantay siyudad at ang pinuno nito ay kaalyado ng Prinsipe, asawa ng Prinsesa. –sabi ng isang mamamayan
Pero hindi niyo rin ba nabalitaan ang nangyari sa Silangan, na diumano'y tinangkang magkudeta ang Prinsipe, habang ang Prinsesa ang Tagapangasiwa. Kaya ang pagiging mag-asawa nila ay hindi batayan, na magiging mapayapa ang Nilreb. Ngayong tapos na ang mga panlabas na banta, ang mga pulitiko ay titingin na muli sa loob. –sabi ng isang mamamayan
Ganoon nga ang naging usap-usapan sa Nilreb. Lahat nga ito ay nakakarating sa Prinsesa. Pinatawag niya nga si Almario.
Hindi pa rin ba tumitigil ang mga usap-usapan, Almario. –sabi ni Prinsesa Nina
Lalong lumalala, mahal na Prinsesa Nina –sabi ni Almario
Wala ka bang magagawa para patahimikin ito? –sabi ni Prinsesa Nina
Hindi maganda na patahimikin ito, baka humantong tayo sa rebolusyon. At ang kaharian ay mahahati, kung kailan kakatapos mo lang ito na palakihin. –sabi ni Almario
Mamamatay din ito kung hindi natin papansinin. –sabi ni Menandro
Mahirap ba talagang paniwalaan, na hindi ko pinatay si Horacio? –sabi ni Prinsesa Nina
Kung malayo ako sa pangyayari, madali lang. Pero yung nakakita, ngunit hindi nakita lahat, ay mahihirapan kang kumbinsihin sila. Kung hindi lang kita sinundan, at nakitang buo ang nangyari mahihirapan din akong maniwala. Lamang nalalaman ko rin, kung ano ang nangyari sa kanluran. –sabi ni Menandro
Ngayong patay na si Horacio, nangangahulugan lamang na may nag-utos sa kaniya, kung hindi man ay may nang-impluwensya. Pero kung titignan mo, isa lang ang maaring ituro nito. –sabi ni Almario
Hindi niya magagawa iyon. –sabi ni Prinsesa Nina
Labag din sa ibang dahilan, kung ang Prinsipe ang may gawa nito. Wala sa interes niya, ang kamatayan ng Prinsesa. Hindi man sila, magkasundo sa pulitika, wala siyang pakikinabangin sa kamatayan ng asawa niya. –sabi ni Menandro
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?