I .
War for the Queen
Nangaso nga sila Basilio, Julio, at Almario sa labas ng ng Nilreb. Ito nga ay dahil iniiwasan nila ang mga espiya ni Prinsesa Nina. Ito nga ay lihim na pagpupulong nila patungkol sa mga nangyayari sa Kanluran.
Totoo ba, na ang Reyna ay kikilos na laban sa mga Hari ng Asonipse? -sabi ni Basilio
Ang sulat na nakarating sa akin, ay galing sa aking tao na na nagtungo upang manggulo sa Ilopirt. Ang taong iyon, ay nakikilala ang Reyna. Totoo. -sabi ni Almario
Ang Prinsesa ay matagal ng binubuo ang insidenteng iyon. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito. Paano kung magpahayag siya ng digmaan sa Asonipse? Anong gagawin natin? -sabi ni Julio
Wala kaming magagawa kundi sumunod, dahil siya ang Tagapangasiwa. Ngunit ang Reyna ay maiipit sa sitwasyon sa Kanluran. -sabi ni Basilio
Naniniwala akong hindi pa ganoon kalakas ang Reyna sa impluwensya, kung sakali man sa Asonipse. Baka mapilitan siyang ipagtanggol ang Asonipse, laban sa atin. -sabi ni Julio
Iyon ang ibig mangyari ng Prinsesa. At tiyak ko iyon ang dahilan kung bakit nagpadala sa akin ng mensahe ang Reyna. -sabi ni Almario
Sinasabi mo bang nais niyang ipahiya ang Reyna? -sabi ni Basilio
Hindi lang ipahiya. Pinag-aralan ni Prinsesa ang kasaysayan ng ating kaharian. Ayaw niyang maulit sa kaniya ang nangyari kay Isabela. -sabi ni Julio
Ngunit nais niya ring makamit ang hindi nagawa ni Isabela. Ngunit hindi para sa Prinsipe, kundi para sa kaniyang sarili. -sabi ni Almario
Kailangan nating gumawa ng dahilan, upang hindi tayo pumunta doon. -sabi ni Basilio
Ngunit papaano? Hawak ng Prinsesa ang Silangan, kahit ang Kanluran. Hindi rin naman makakatulong sa atin, na guluhin ang Oyarac. -sabi ni Julio
Kung malapit lang sana ang tag-ulan. Madali lang nating maaantala ang lahat. Pero kakaumpisa pa lang ng tag-init. -sabi ni Almario
Hindi ba makakatulong ang asawa mo na impluwensyahan ang Prinsesa? -sabi ni Julio
Mas may impluwensya ang Prinsesa sa kaniya, kaysa ang kabaliktaran. Mas malakas di hamak ang impluwensya ni Alma sa Prinsesa. At kapareho natin siya ng paniniwala, pero hindi niya kakalabanin ang Prinsesa sa anomang paraan, matapos ng mga pabor na kaniyang nakuha, gaya na lamang ng palitan niya si Almario, bilang Punong Senador. -sabi ni Basilio
Si Senador Alma nga ay nangangamba din sa maaaring ikilos ni Prinsesa Nina. Inisip niya ngang tunguhin ang pinakamalapit na tao sa Prinsesa. Ito nga ay si Ministro Menandro. At nasumpungan niya ito sa kaniyang tanggapan.
May nalalaman ka ba sa ikikilos ng Prinsesa laban sa Asonipse? -sabi ni Alma
At paaano mong nalaman na kikilos ang Prinsesa laban sa Asonipse? -sabi ni Menandro
Ibig sabihin ay kikilos nga siya. -sabi ni Alma sa kaniyang isip
Kung sakali mang may alam ako, sa tingin mo ba ay sasabihin ko sa iyo? -sabi ni Menandro
![](https://img.wattpad.com/cover/74358887-288-k728891.jpg)
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
Fiksi UmumWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?