I . The Whisper
Nauna na ngang umalis ang ilang mamamayan ng Porto Gnijieb, palikas sa kanluran. Mabilis ngang kumalat ang pagbagsak ng Porto Gnijieb sa Oyarac, at marami ang natatakot. Ang pag-alis nga ng mga tao sa Porto Gnijieb, ay nagdulot ng alalahanin kay Reyna Anna. Hindi niya gaanong sinira ang siyudad. Ngunit mabubulok naman ito sa kawalan ng tao. Dahil nga dito ay nagpalabas siya ng palibot liham sa kaharian para sa mga mamamayan
Sa lahat ng mga mamamayan ng Kaharian ng Sodargas. Nagkaroon nga tayo ng bagong nasasakupan sa hilaga, na napalunan ng ating mga magigiting na kawal. Isang bagay na ating dapat ipagdiwang. Ang nakakalungkot lang, ay nilisan ng mga tao ang kanilang mga bahay, dahil sa takot sa atin. Masasayang lang ang siyudad, kung walang maninirahan dito.
Kaya inaanyayahan ko kayo. Na magtungo sa Porto Gnijieb, at tignan kung magugustuhan niyo ba na manirahan doon. At kung magustuhan niyo, ay makatulong na rin kayo sa pagsasa-ayos ng siyudad. –palibot liham ni Reyna Anna
Hindi nga kaagad tumugon ang mga tao sa panawagang iyon. Ito nga ay dahil sa pag-aalinlangan sa kalagayan ng siyudad, lalo na't napakalapit nito sa hangganan sa Oyarac. Magkagayonman ay hindi na hinintay pa ni Reyna Anna ang pagdating ng mga tao doon, at naglakbay na patungo ng Porto Emor.
Dumating nga sila sa Porto Nreb, at nagpahingang sandali, kumain kasama ng mga kawal, at saka nagpatuloy ng paglalakbay pa-silangan sa dako ng Porto Emor. Habang naglalakbay nga sila, ay napansin nilang nakatulog ang Reyna, habang sakay ng kabayo. Lalapitan nga sana siya ni Claudio, upang gisingin siya. Nag-alala nga ang kaniyang mga kasama, na baka mahulog siya sa kabayo at masaktan. At nangyari nga ang kanilang pinangangambahan. Nahulog nga ang Reyna sa kabayo. Mabilis ngang nagtungo sa kaniya si Claudio, ngunit siya man ay natumba rin. Pareho nga silang mahina ng Reyna, at tila may sakit. Nawalan nga ng malay ang Reyna kaya siya nahulog. Nawalan rin nga ng malay si Claudio. Kapwa nga sila inaapoy ng lagnat.
Sa lahat ng kanilang kasama, maging sa buong hukbo, ay ang dalawa lang ang nagkasakit. Nawala nga kaagad sa pagbubuntunan ng sisi ang pagkain, o lason. Dahil pareho sila ng kinain ng mga kasapi ng konseho ng digmaan, ngunit walang nagkasakit sa mga ito. Maya-maya pa ang Prinsipe, ay nagpapakita rin ng tanda na siya man, ay may sakit rin na katulad ng sa kaniyang kapatid. Inutos nga ni Ministro Crisostomo, na magtayo ng kampamento, para maging pahingahan ng tatlong may sakit. Bilang siya lang ay may malay, sa mga may sakit. Sinabi ng Prinsipe kay Crisostomo.
Mukhang magiging malala ang sakit ko. Kung napahina nito ang gaya ng kapatid ko at ng Punong Heneral. Kung lumala, ay huwag sanang maalaman muna ng aking asawa. At kung pumanaw man ako, huwag sana, ay huwag rin sanang maalaman muna ng asawa ko. Hayaan niyo munang makapanganak siya, Ministro. –sabi ni Prinsipe Antonino
Hindi ka mamamatay. Hindi kayo mamamatay. Magpahinga ka muna at huwag niyo nang pagurin ang sarili niyo. –sabi ni Crisostomo.
Nagtataka nga si Crisostomo, kung bakit sila lang tatlo ang nagkasakit. Kinonsulta niya nga si Almario.
Ang Prinsipe ay namataang nangasong mag-isa sa gubat na malapit sa ilog, bago mag Porto Nreb. –sabi ni Almario
Ang Reyna, at ang Punong Heneral? –sabi ni Crisostomo
Sila ay... –sabi ni Almario
Alam ko na. Huwag mo nang sabihin. –sabi ni Crisostomo
Ang gubat na tinungo nilang tatlo, ay bantog na lahat ng lumalabas doon, ay nagkakasakit, kung hindi man ay namamatay. Maging ang mga ahente ko ay hindi pumasok doon, at binantayan lang sila mula sa labas. –sabi ni Almario
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?