Isang araw nga sa loob ng kapitolyo, ang Punong Ministro at ang Prinsipe Antonino ay nasa kaniyang tanggapan. Tinitignan niya nga ang mga dokumento ng pananalapi ng kaharian, pagbubuwis, at ang mga paglalaanan nito. Nang dumating nga ang bating ng Reyna.
Mahal na prinsipe, narito po ang bating ng Reyna. –sabi ng bantay ng Prinsipe
Papasukin mo siya. –sabi ni Prinsipe Antonino
At pumasok ang bating sa tanggapan.
Mahal na Prinsipe. Pinatatawag kayo ng Reyna. –sabi ng bating
Agad ngang nagtungo ang Prinsipe sa kinalalagyan ng Reyna. Ang Reyna nga noon ay nasa dalampasigan na nasa timog ng kabisera.
Kamahalan –sabi ni Prinsipe Antonino
Kapatid ko. –sabi ni Reyna Anna
Bakit niyo po ako pinatawag? –sabi ni Prinsipe Antonino
Isang taon na rin ang nakalipas, mula nang mamatay si Isabela. –sabi ni Reyna Anna
Napatingin nga sa kanan si Prinsipe Antonino. Si Isabela ay ang asawa ni Prinsipe Antonino. Kilala siya ng Reyna. Ang kaniyang ama, ay Ministro ng Pangangalakal ng Kaharian. Sinugo nga siya ng Reyna sa isang misyon. At sa misyong iyon ay tinambangan sila ng mga bandido, at napatay si Isabela.
Nakarating nga ang balita sa Prinsipe at sa Reyna. Agad ngang nag-utos ang Reyna sa Punong Heneral na hanapin at salakayin ang kuta ng mga bandido. Nakiusap naman ang Prinsipe na siya ang manguna sa pagsalakay sa mga ito. Pinayagan nga siya ng Reyna. Nang matagpuan nila ang kuta ay sinalakay nila ito. Wala nga silang itinirang buhay. Nang bumalik nga sila sa kaharian ay duguan ang Prinsipe, hindi ng sarili niyang dugo, kundi ng mga bandido. Inakala nga ng mga opisyal na magiging masaya ang Prinsipe sa kaniyang pagbabalik. Ngunit nang salubungin sila ng mga opisyal, kasama ng Reyna, ay nakita nila na malungkot pa rin ang Prinsipe. At sa pagtingin ng Prinsipe sa Reyna, ay napaluha ito. Niyakap nga siya ng Reyna.
Sinisisi mo ba ako? Kung hindi ko sana sinugo si Isabela, sa misyong yaon, marahil buhay pa siya ngayon. –sabi ni Reyna Anna
Hindi kita sinisisi Kamahalan. Siya lang ang makakagawa ng misyon na yaon. Nakakalungkot lang, na kailangang mangyari sa kaniya iyon. Sa ganoong paraan. –sabi ni Prinsipe Antonino
Magkagayonpaman humihingi ako ng tawad, kapatid ko. –sabi ni Reyna Anna
At naglakad-lakad nga ang magkapatid sa dalampasigan. Napatingin nga ang Prinsipe sa Reyna.
Kada pinatatawag mo ako ng ganito Kamahalan, kakausapin mo ako, na parang wala lang. Ngunit sa dulo ay may utos o misyon kang gusto mong ipagawa sa akin. –sabi ni Prinsipe Antonino
Napatawa na nga lang ang Reyna, dahil may ganoon nga siyang layunin.
Wala naman akong misyon, o utos. Isang pakiusap lang. –sabi ni Reyna Anna
Ano yun Kamahalan? –sabi ni Prinsipe Antonino
Mag-asawa ka na ulit, habang buhay pa ako, kapatid ko. –sabi ni Reyna Anna
Napatigil nga ang Prinsipe sa paglalakad.
Kanina lang ay kinausap mo ako tungkol kay Isabela, ngayon ay gusto mo na akong mag-asawa Kamahalan! –sabi ni Prinsipe Antonino
Hindi ko hinihiling na palitan mo na sa puso mo sa Isabela, dahil ako ang unang nakakaintindi na hindi iyon mangyayari. Pero, alalahanin mo Antonino, bilang prinsipe ay tagapagmana ka ng Trono. Ikaw ang magiging Hari pagkamatay ko, nais ko lang masigurado, bago dumating ang araw na iyon, na magpapatuloy ang lahi ng angkan ng mga Hari sa pamamagitan mo. Kaya mag-asawa ka na. –sabi ni Reyna Anna
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
Ficção GeralWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?