Part 6. Return and Murder

353 1 1
                                    


I . Crisis

At nag-umpisa ngang maglakbay ang Reyna at ang Prinsesa, kasama ng kanilang mga lingkod patungong Porto Emor mula sa Porto Sirap. Hindi nga maitago ng Reyna ang kaniyang labis na pag-aalala dahil sa krisis ng Aneub. Pilit ngang pinapagaan ng Prinsesa ang kaniyang loob.

Huwag niyong masyadong alalahanin ang krisis na ito. Lilipas din ito. -sabi ni Prinsesa Nina

Huwag kang magsalita ng kahangalan sa harap ko. Hindi pwedeng hindi ko alalahanin ang krisis na ito. Pag may maling nangyari, gulo ang magaganap. Oo lilipas din ito, gaya noon, pero maraming nawala sa akin bago lumipas iyon. -sabi ni Reyna Anna

Patawarin niyo po ako, Kamahalan. -sabi ni Prinsesa Nina

Nalungkot nga ang Prinsesa, na maituring siyang hangal. Napansin nga ito ng Reyna, at kaagad ding humingi ng tawad nang sila ay pansamantalang tumigil upang magpahinga sa paglalakbay.

Pagpasensyahan mo na ako Prinsesa Nina, kung napagsalitaan kita ng hindi maganda. Masyadong malaki ang krisis na ito, para baliwalain ko. -sabi ni Reyna Anna

Wala pong anoman iyon, Kamahalan. Ako talaga ang mali. -sabi ni Prinsesa Nina

Higit sa masasamang alaala, ayaw kong maulit sa panahon ko ang nangyari nang panahon ng Haring Elpidio, ang pagkahiwa-hiwalay ng kaharian. At maaaring mangyari iyon kapag hindi nasolusyonan ng maayos ang krisis sa Aneub. -sabi ni Reyna Anna

May elemento bang maaring magbunsod noon Kamahalan? -sabi ni Prinsesa Nina

Oo, ang anak ng Heneral Eladio, si Emilio. Na ngayon ay bahagi ng konseho ng Haring Efrain. -sabi ni Reyna Anna

Bakit siya nasa konseho ni Haring Efrain, kung anak siya ni Heneral Eladio na kalaban nito? -sabi ni Prinsesa Nina

Tinalikuran niya ang kaniyang ama, sa huling sandali para maibalik ang Hari sa trono. Tinanaw yung malaking utang na loob ni Haring Efrain. Pero ramdam ko, ang simpatya niya ay nasa kaniyang ama pa rin. At galit siya sa akin dahil sa pagpatay ko dito. -sabi ni Reyna Anna

At nakarating nga sila sa Porto Emor. Sinalubong nga sila ng masigabong pagsalubong ng mga mamamayan at opisyal. Ito ay ayon sa utos na rin ng Reyna. Nais niyang ipabatid sa Aneub na nasa Porto Emor siya. Sinalubong nga ang Reyna ng Gobernador ng Porto Emor at kinamayan. Bumulong nga ang Reyna sa kaniya.

Mag-uusap tayo mamaya, marami kang bagay na kailangan ipaliwanag sa akin. -sabi ng Reyna Anna

Isa-isa ngang kinamayan ng Prinsesa at Reyna ang mga sumalubong na opisyal. Tumuloy nga sila sa palasyo at nagpahingang isang oras. Matapos noon ay ipinatawag niya ang Gobernador. Iiwan nga sana ng Prinsesa ang Reyna. Ngunit pinigilan siya ng Reyna, at sinabing makinig.

Anong nangyari Gobernador? -sabi ni Reyna Anna

Patawarin mo ako... -sabi ng Gobernador

Hindi ko kailangan ng paghingi ng tawad! Paliwanag ang kailangan ko! -sabi ni Reyna Anna

Sumigaw nga ang Reyna, nagulat nga kapwa ang Gobernador at ang Prinsesa. Yun nga ang unang beses na makita ng Prinsesa ng ganoon ang Reyna.

Kamahalan. Nabigo akong maikasal sa ating angkan ang Haring Efrain. Maraming babae ang namatay sa proseso. -sabi ng Gobernador

Isinakripisyo mo ang mga pinsan ko, nang hindi mo tinitiyak ang sitwasyon. Ang iba sa kanila mga kababata at kalaro ko noon. Namatay lang lahat sa Aneub! -sabi ni Reyna Anna

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon