Part 8.2. Reclamation & Vengeance

52 1 0
                                    


III . War Has Come?

Limang taon nga ang lumipas at naganap na nga ang paghahanda ng Sodargas para sa pagbawi ng Porto Emor. Gayon din naman ang kaniyang kaalyado na Oniuqa. Wala ngang balak makialam sana ang Oyarac sa mangyayaring labanan. Ngunit babaguhin nga ng minsang makinig ang Hari sa daing ng mga tao na ibig makausap siya. Isang grupo nga ng mga manggagamot at alkemista ang sa kaniya'y nagbabala. Isang nakakahawang sakit ang kumakalat sa Aneub. Pilit nga itong nililihim ng Aneub, upang huwag mangamba ang tao. Pinangambahan nga nila ang pagkalat nito. Narinig nga ito ng Ministro ng Ugnayang Panlabas. Isinamo niya sa Hari na magkaroon ng pulong ng mga opisyal para sa usaping iyon. Nagsalita nga ang Ministro ng Ugnayang Panlabas.

Kahapon ay nakausap ng Hari, ang grupo ng ilang manggagamot. Sila nga ay sinusugo sa iba't ibang lugar, upang pag-aralan ang mga sakit at lunas sa mga ito. Kahapon ay may dala silang balita. –sabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas

Isang nakakahawang sakit ang kumakalat sa Aneub. Malapit sa kanilang kabisera. Mahigpit nga ang kanilang paglalabas ng balita ukol dito. Ngunit lumalabas na marami ng taong namamatay dahil doon. –sabi ni Haring Alejandro

Kung nasa Aneub pa lang ang sakit, bakit kailangan nating mangamba dito. Pwede naman natin isara lang ang kaharian sa kanila. –sabi ng isang Ministro

Hindi iyon ganoon kadali. –sabi ni Punong Ministro Diego

Bakit naman? –sabi ng isang Ministro

Ang lahat ng ating kakalakalan ay nasa Silangan. Masyadong malaki ang kaharian para suportahan ang sarili niya. Kukulangin tayo sa lahat ng klaseng panustos, kung magsasara tayo. At sa namumuong ulap ng digmaan sa pagitan ng Sodargas at Aneub. Magiging malaking kapahamakan ito sa lahat. –sabi ni Punong Ministro Diego

Oras na lumusob ang Sodargas at magtuloy-tuloy hanggang sa kabisera ng Aneub. Ang mga kawal ay babalik sa kanila-kanilang mga pinanggagalingan. Makakasalamuha nila ang mga tao. Lalo na ang mga mangangalakal. Ang pagkalat ng sakit ay bibilis at maraming tao ang mamamatay. Hindi man tayo mamatay sa sakit, mamamatay tayo sa gutom, dahil sa pagsasara natin kung saka-sakali. Ang Adivaria ay maging kaharian ng mga bangkay at patay, kapag hindi natin napigil ang mga mangyayari. –sabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas

Ano ngayon ang dapat nating gawin? –sabi ng isang Ministro

Pigilan ang Sodargas, mapa-diplomasya, o mapa-digmaan. –sabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas.

Ano ang pasya niyo Kamahalan? –sabi ng Ministro

Hindi makikinig sa atin ang Sodargas kung tayo lang. Siyempre unahin muna ang daan ng diplomasya. Kumbinsihin niyo ang dalawang kahariang nakapaligid sa Sodargas na samahan kayo sa pag-apela na i-atras muna ang kanilang mga plano ng digmaan para sa Aneub. Ang Odrave at ang Oniuqa. Ang Hukbong Sandatahan, ay maghanda na madaling masugo sa Sodargas, oras na ang usapan ay hindi gumana. Ang Kaharian ay isasara sa mga tao at kalakal na mula sa pinagmulan ng sakit. Ngunit magpapadala tayo ng mga manggagamot upang tulungan sila na hindi na ito kumalat pa. Isagawa niyo kaagad ang kautusang ito ngayon din. Ngunit nang may katahimikan. –sabi ni Haring Alejandro

Umalis nga si Haring Alejandro sa pulong na masakit ang ulo dahil sa biglang problema.

Naulit na naman Diego, nasa digmaan na naman ako sa Sodargas, sa sitwasyong hindi ko gusto. –sabi ni Haring Alejandro

Hindi pa naman digmaan Kamahalan. Wala ba kayong tiwala sa magagawa ng mga sugo? –sabi ni Punong Ministro Diego

May tiwala ako sa mga sugo. Sa Reyna ng Sodargas ako walang tiwala. –sabi ni Haring Alejandro

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon