I . The Princess is Dead?
Pabalik nga noon si Prinsipe Antonino, na natuwa dahil muli na silang magkikita ng kaniyang ate, nang makarating sa kaniya ang balita habang nasa daan. Napaiyak nga si Prinsipe Antonino, at nagmadaling bumalik, una kay Macario na kaniyang kasama.
Inihatid nga ng tagapagbalita ang kadugtong na balita nito kay Macario. Na hinuli ang kaniyang anak, dahil sa siya ang inaakalang lumason sa Prinsesa, at ikinulong. Nagmadali nga ring umuwi si Macario, at iniwan ang karabana ng mga kalakal.
Pagdating nga ng Prinsipe sa bahay ng Prinsesa, ay naabutan niya itong nakahimlay, at wala ng buhay. Nakatulala nga si Claudio sa kaniyang mga labi. Dala ng labis na kalungkutan sa biglang kamatayan ni Anna.
Nag-usap nga sila Bernardo at Crisostomo. Ano na nga ang kanilang gagawin? Pareho nga nilang ayaw suportahan si Prinsipe Antonino, dahil sa kaniyang ina na si Reyna Anastasia. Hindi nga nila gusto ang mga Qan, na maghari sa likod ni Prinsipe Antonino. Ngunit wala silang mailagay na kapalit ni Prinsesa Anna.
Ano kaya kung makipag-usap tayo kay Reyna Anastasia. Upang mabuo ang isang alyansa laban kay Alicia? –sabi ni Bernardo
Saka na muna natin pag-usapan yan, pag nailibing na si Prinsesa Anna. Magulo pa isip ko, para mag-isip. –sabi ni Crisostomo
Upang maaliw ay lumabas si Crisostomo sa kaniyang silid. Ngunit hindi siya maaliw dahil ang buong paligid ay malungkot. Maliban lamang kay Basilio. Kaniya ngang inusisa ang kaniyang kawal.
Bakit tila hindi ka malungkot, sa kabila nang mga nangyari? –sabi ni Crisostomo
Sandali pa lamang akong nakakasama ng Prinsesa, Heneral. Pero yung ilang nakita ko, ay sapat na dahilan para maniwala ako, na hindi mamamatay ang Prinsesa ng ganoon na lang. –sabi ni Basilio
Pero kitang-kita mo rin naman ang nangyari. Nalason ang Prinsesa. Kahit pa iba siya sa lahat, sa tingin ko hindi na siya babangon pa mula doon. –sabi ni Crisostomo
Nitong bago lang. Nahulog si Prinsesa Anna at si Claudio, sa isang napakataas na bangin. Ngunit buhay siyang nakabalik dito. Walang galos, ni pilay. Sinomang mahulog sa taas na iyon, tiyak na hindi mabubuhay. –sabi ni Basilio
Isang pangyayari lang iyon. Hindi iyon maaaring maging batayan na mabubuhay pa uli siya sa pagkakataong ito. –sabi ni Crisostomo
Naikwento ko na ba sa inyo Heneral ang una naming pagkikita ng Prinsesa? Yung sinasabi ng Prinsesa na kamuntik ko na siyang mapatay. Totoo yun. At totoo rin na kamuntik niya na akong mapatay. Kung hindi niyo naitatanong, sa grupo namin na nakapasa upang maging piling mga kawal. Ako ang pinakamagaling pagdating sa pagpana. Bibihira akong nagmimintis. Pinaligiran nga ng mga kasama ko noon ang Prinsesa. Nang bigla siyang magbagong anyo. Isa-isa nga kaming naubos. Dahil doon, pinana ko ang Prinsesa. Tumama ito sa dibdib niya, at tumagos sa likuran. Ngunit binali niya lang ang pana, at hinila para matanggal. Doon niya na ako hinabol hanggang sa makasalubong ko si Claudio. –sabi ni Basilio
Sana nga totoo ang sinasabi mo. –sabi ni Crisostomo
Totoo yun. Ngunit kung sakaling magising na siya. Huwag mong ipagsasabi sa lahat. Magagamit natin ito para surpresahin ang kalaban. –sabi ni Basilio
Hindi nga makapaniwala si Heneral Crisostomo sa pagka-positibo ni Basilio, habang ang lahat ay malungkot. Dalawang araw nga ang lumipas at patay pa rin si Prinsesa Anna. Nawalan na nga ng pag-asa noon si Heneral Crisostomo. Nakita niya nga noon si Macario na dinadalaw ang kaniyang anak sa kulungan.
Bakit nakakulong dito ang anak ko?! –sabi ni Macario
Siya kasi ang nagbigay ng pagkain sa Prinsesa, bago siya malason at mamatay. –sabi ni Crisostomo
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
Fiksi UmumWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?