I . Before the Battles and Deaths
Bago nga nangyari ang mga labanan, si Prinsipe Alejandro at ang Punong Ministro ay nag-usap.
Nagpahayag ng pakikipag-alyansa ang Aneub sa Oyarac. –sabi ni Punong Ministro Diego
Nakakatuwa sana ang balitang iyan, kung hindi ko nalaman ang nalaman ko. –sabi ni Prinsipe Alejandro
Ibig nila na suportahan mo sila, sa kanilang pagsakop sa Porto Emor. Tutulungan mo ba sila, mahal na Prinsipe? –sabi ni Punong Ministro Diego
Igagalang ko ang mga napagkasunduan. Tutulungan natin ang Aneub na bawiin ang Porto Emor sa Sodargas. Pero hindi ko sasakupin ang Sodargas. Kukunin ko ang kapatid, upang makausap, at maipakausap kay ama. Pagkatapos noon ay babaliktarin ko ang kapahayagan ng aking ama, sa kaniyang pagiging lilo, bibitawan ko rin ang pagiging tagapagmana, at ibibigay sa kaniya. Dahil siya ang tunay na tagapagmana. At dahil doon ang Sodargas at ang Oyarac ay magiging isang kaharian. Gaya ng ibig kong mangyari sa pasimula pa lang. –sabi ni Prinsipe Alejandro
Pero mahal na Prinsipe. –sabi ni Punong Ministro Diego
At pagkatapos taon, bibitawan ko rin ang titulong prinsipe. Mamumuhay bilang isang mamamayan ng Oyarac at magpapakalayo-layo sa Oykot, at hindi na makikita pang muli. –sabi ni Prinsipe Alejandro.
Iniwan nga ng Prinsipe ang Punong Ministro. Ang Hari nga ay may karamdaman na noon, at hindi na kayang mamuno. Itinalaga nga si Prinsipe Alejandro. Siya na nga ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan, ang wala lamang sa kaniya ay ang titulong Hari.
At nangyari nga na kailangan na nila magtungo sa Anavah, upang tulungan ang Aneub sa pagsakop sa Porto Emor. Lumabas nga si Haring Ildefonso, at tinawag si Alejandro. Bumulong nga siya.
Tuparin mo ang sinabi mo sa Punong Ministro, ibalik mo dito ang kapatid mo. Pero hindi mo kailangang umalis pagkatapos noon. –sabi ni Haring Ildefonso
Gagawin ko po Kamahalan, pero hindi ko maipapangako na hindi ako aalis pagkatapos. –sabi ni Prinsipe Alejandro
At umalis si Prinsipe Alejandro, kasama ang hukbo ng Oyarac at nagtungo sa Anavah, bago nagtungo ng Porto Emor. Sa pagdating nga niya doon ay pinuna niya si Heneral Eladio dahil sa kakulangan ng gamit pangkubkob. Ipinunto nga ng Heneral ang oras, na kung magtatagal pa sila ay lalong makakapaghanda ang kalaban. Naintindihan niya ang Heneral sa puntong iyon. Pagdating nga nila sa Porto Emor ay sunog ang mga bayan, ang tarangkahan ng moog ay nakasara. Nagkasisihan nga silang dalawa ni Heneral Eladio. Dahil nga sa parehong pagkukulang nila ay pinasyahan nilang hatiin ang hukbo ng pantay, ang isa ay aalis, at ang isa'y maiiwan. Ang hukbo ni Heneral Eladio ay mananatili sa harap ng moog sa hilaga. At si Prinsipe Eladio ay tutuloy at tatahakin ang mahabang daan sa kanluran.
Pinahina nga ang hukbo ng mahabang lakbayin. Pagod na pagod nga sila bago pa man harapin ang kalaban. Nang sumapit nga ang gabi ay pinasyahan nilang magpahinga upang lumakad muli kinabukasan. Sa pagbubukang liwayway nga ay muli silang naglakad. Pagdating nga ng tanghali ay narating nila ang hangganan ng Porto Emor at Nilreb. Nandoon nga ang Hukbo ng Sodargas, naka-ayos at inaantay. Inayos nga rin nila ang kanilang hanay. Nang maayos na ng Oyarac ang kanilang hanay ay nagpadala siya ng mangangabayong sugo. Sinalubong naman ito ng sugo ng Sodargas. Ipinahatid nga nito ang mensahe ng Prinsipe. Ang mensahe nga ay, ibig niyang makausap si Prinsipe Andres. Kumonsulta nga sa Hari ang Prinsipe, at pinayagan siyang makipag-usap. Nagtungo silang dalawa sa gitna, kasama ang dalawang kawal, na tagapagbantay.
Prinsipe Alejandro –sabi ni Prinsipe Andres
Prinsipe Ignacio –sabi ni Prinsipe Alejandro
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
Aktuelle LiteraturWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?